Ang Simula ng Mahiwagang Panaginip

1.4K 41 4
                                    

Nasa isang kakahuyan siya. Matataas ang punong kahoy at masukal. Nakakaramdam na siya ng takot. Bakit tila nag-iisa lang siya sa dakong iyon. Nakadaragdag pa ng takot ang tila parang walang sikat ang Araw. Makulimlim ang langit pag tingala nya sa langit. Napausal siya ng mahinang dalangin na sana maligtas siya sa ano mang panganib. Kahit natatakot siya patuloy siyang naglakad. Baka sakaling may makita siyang daan patungo palabas ng liblib na lugar na iyon. Palinga linga siya sa paligid habang patuloy sa marahang paglakad.

Napalingon siya sa likod para tingnan ang likuran nya kasi iniisip nyang baka may sumusunod sa kanya ng biglang pagharap nya ay napabangga siya sa kung sino o ano mang bagay na di pa nya mawari.

Dahil sa impact ng pag bangga nya medyo napa atras siya at sa paglingon nya para tingnan kung Sino o ano ang nabangga nya ay.........

Tok tok tok.....
"Glaiza, anak ok ka lang ba diyan?"

Walang ano ano ay napabalikwas ng bangon si Glaiza. Pawis na pawis siya at hinahabol nya ang paghinga nya. Napatingin siya sa pinto na hanggang ngayon ay tumutunog pa din dahil sa walang putol na pagkatok. Ng marinig niya ang Nanay niya, agad siyang sumagot..

"Nay, opo ok lang po ako. Huwag po kayong mag-alala"..

Dahil sa narinig ng kanyang Ina, napagdesisyunan na lang nyang tuluyang pumasok ng silid ng kanyang anak upang lubos na ma-check kung ok lang talaga si Glaiza.
Umupo siya sa bandang paanan ni Glaiza sa kama.

"Anak, anong nangyari sa iyo? Ok ka lang ba? Galing ako ng CR at pagdaan ko sa pinto ng silid mo, narinig ko na parang umuungol ka ng malakas kaya kinatok na kita. Pasensya na Anak at nagising ata kita". Sabay haplos sa pisngi ng anak.

Kinapitan naman ni Glaiza ang kamay ng Ina na na humaplos sa pisngi nya. Alam nyang nag-aalala ang kanyang Ina kaya dinala nya ang kamay ng kanyang Ina sa ibabaw ng hita nya at marahang pinisil. Tumingin siya sa kanyang ina at nginitian ng may assurance na Ok lang siya.

"Nay huwag po kayong mag-alala.. Nanaginip lang po ako. Panaginip lang po yun. Salamat nga po sa inyo kundi kayo kumatok baka kinain na ko ng Aswang sa panaginip ko e." At tumawa siya ng pigil para pagaanin ang sitwasyon. Dinaan na lang nya sa biro ang sinabi nya sa Nanay nya na dahilan para ngumiti din ito sa sinabi nya.

"Naku kaw talagang bata ka, puro ka kalokohan. O siya cge maiwan na kita at ng maituloy na ng aswang pagkain sa iyo, haha! este para matuloy mo na pagtulog mo (Ganting biro ng Nanay nya).. Manalangin ka anak para di matuloy sa bangungot yang panaginip mo ha.."

Ng makalabas na ang Nanay niya ng kanyang silid, bumalik sa isip nya ang panaginip nya. Iniisip nya na bakit kaya ganon ang panaginip nya. Pero sa huli inisip nya na lang na normal lang iyon. Panaginip nga e sabi nya sa isip nya.

Muli siyang natulog....

Lilingon na sana siya paharap upang tingnan kung ano o sino ang nabangga nya ng biglang kumidlat ng pagkalakas lakas, dahilan upang magulat siya at biglang mapaupo sa takot.

Nakayuko siya sa nakaupong posisyon. Habang nakapatong ang ulo nya sa dalawa nyang braso ng may humawak sa kanya at nagsalita ang kung sino man ang nasa harap nya...

"Ayos ka lang? Wag kang matakot. Andito ako." wika ng Babaeng nagsalita.

Ng marinig ni Glaiza ang tila anghel na boses ng nagsalita, parang biglang gumaan ang pakiramdam niya. Parang tila nakaka halina ang tinig ng Babaeng nagsalita sa harap nya. Ngunit nanatili lang siyang nakatungo. Unti-unti na niyang itinataas ang ulo nya upang makita ang may ari ng nakakahalinang tinig na tila may magnet na di nya mawari.. Nagtama ang kanilang paningin ng Babae sa harap niya. Puting puti ang kasuotan nito na bestida na hanggang tuhod. Medyo may katangkaran din ito na tila ay kasing taas niya. Balingkinitan ang pangangatawan. Hindi lang boses nito ang parang Anghel kundi pati na rin ang Mukha nito. Perpekto ang hugis ng kanyang mukha. Kay amo ng mapupungay niyang mata. Katamtamang tangos ng ilong at ang labi nya na medyo napatagal siya ng tingin dahil sa kulay rosas na kulay nito. Napailing siya. Totoo ba ang nakikita nya? Anghel ba to na bumaba galing langit? Napakaganda niya. Tila nalunok na niya ang kanyang sariling dila. Wala siya sa sariling katinuan ng muli itong nagsalita...

"Ayos ka lang ba?" Halika tumayo ka na. Wala na ang kidlat." Muli itong ngumiti at tinulungan siyang tumayo.

Hinamig ni Glaiza ang sarili nya at nagsalita na din ng makatayo na siya.

"Salamat Miss! Alam mo ba kung nasaan tayo? Ano kasi, hindi pamilyar ang lugar na ito saken." Ngumiti ng alanganin si Glaiza pagkatanong niya.

"Sa totoo lang, tila pareho tayong naliligaw e." Sagot nito.

"Ganon ba? Teka, salamat nga pala sa pagtulong mo ha? Nga pala, Ikaw ba yung nabangga ko? Nasaktan ba kita? Pasensya ka na ha, nagulat kasi ako sa kidlat!"

" Hindi naman, ok lang yun." Muli itong ngumiti.

Nahahalina si Glaiza sa ngiti ng Misteryosang Babaeng ito. May kung ano sa ngiti nito na nakakapag hipnotismo sa kanya at nagpapabilis ng tibok ng puso nya.

Inilahad ni Glaiza ang kamay nya upang magpakilala.

"Ako nga pala si....." Hindi na tinapos ng Babae ang sasabihin nya dahil itinaas nito ang kamay niya malapit sa bibig ni Glaiza na ang ibig sabihin ay huminto siya magsalita. Nalito naman siya sa ginawa ng babae. At nagsalita ito.

"Huwag mo na munang sabihin ang iyong pangalan. Ganon din ako. Kasi anong saysay ng malaman ko o  malaman mo ang pangalan ko kung baka di na muli tayo magkikita. Hindi ba? Ganito na lang, kung sakaling muli tayong magkita, at tsaka natin ipakilala ang isa't isa. Ayos ba yun?" Sabay ngiti ulit nito.

Naguguluhan man si Glaiza, tumango na lang siya.

A/N
Pasensya na kayo. First time ko pa lang to e. Ano sa tingin nyo, tuloy q ba? Pls comment.. Thanks... :)



I Knew I Love You Before I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon