Chapter 7

266 25 19
                                    

Glaiza POV

Pagkalabas namin ng Bar, sabay sabay na kaming umuwi sakay ng kotse ko na napundar ko bunga ng aking pagsisikap sa Resto na pinaglilingkuran ko. Inihatid muna namin si Kathrina dahil mas lasing pa ito kaysa sa amin. Lasing din kami kaso halatang mas lasing si Kathrina. Isa pa tong si Anne, naihatid ko na si Kath sa loob ng bahay na tinutuluyan nito, pagbalik ko sa loob ng kotse, mukhang tulog na si Anne na nakasandal sa head board ng passenger seat. Ilang minuto muna ko itong pinagmasdan. Minememorya ko bawat anggulo ng mukha nito. Ng magsawa ako, inayos ko na muna ang ulo nito sa pagkakasandal tapos tuluyan ko ng pinaandar ang sasakyan. Dahan dahan lang ako sa pagmamaneho to make sure safe kaming makakauwi kasi nga lasing din kami kaya nag-iingat ako. Tenext ko na kanina pa ang Mommy ni Anne na itutuloy ko na lang si Anne sa bahay namin kasi Off din naman siya bukas. Para hindi na din sila maistorbo sa pagtulog kung doon ko pa ito ihahatid. Mayamaya pa, nakarating na kami sa bahay namin. Nag-text muna ako sa Mommy ni Anne para malaman nito na nakarating na kami ng safe sa amin. Para pag nagising ito hindi mag-alala. Pagka-text ko, dahan dahan ko ng inilalayan si Anne na makapasok ng bahay at idinerecho ko na din ito sa kwarto ko. Inihiga ko ito sa kama at pagtapos naghanap ako ng pwedeng ipantulog nito. Walang malisya ko itong pinalitan ng pantulog na damit. Nahihilo din ako pero pinilit kong makapagbihis na din pagkatapos kong masiguro na maayos na si Anne na natutulog. Humiga na ako katabi ni Anne. Tumagilid at humarap ako dito at pinatong ko ang ulo ko sa braso ko. Tinitigan ko itong mabuti. Dala na din siguro ng Espiritu ng alak sa katawan kaya hindi ko namalayan at hindi ko napigilan na kausapin ito habang natutulog. Naluluha na agad ako dahil sa matinding emosyon bago pa man ako magsalita. Pabulong ko itong kinausap habang natutulog para hindi makalikha ng anumang ingay na maaaring ikagising nito.

"Mahal kita. Mahal na mahal. Hindi lang bilang kaibigan kundi higit pa. Hindi ko na din matandaan kung kailan nag-umpisa, basta nagising ako isang araw na-realize ko na lang na hindi na bilang kaibigan na lang ang nararamdaman ko para sa'yo. Lagi na kitang naiisip. Lagi gusto kita makita. Hindi kumpleto ang araw ko pag di kita nakakausap. Gusto kong manapak pag may nakita akong kausap kang lalake. Matagal na kitang minamahal ng lihim. Ang sakit! Ang sakit sakit kasi alam ko naman na hindi tayo pwede. Alam ko naman na hindi mo ako papatulan kasi hindi ito Normal. Alam kong Straight ka. Sana wag kang magalit sa akin. Kasi sa totoo lang naman pinilit kong labanan tong nararamdaman ko. Naalala mo nung time na nagkasakit ako. Akala nyo lahat simpleng sakit lang. Pero ang totoo, hindi ako makatulog at makakain dahil pinilit kung iwasan ka muna. Na baka sakaling mawala yung nararamdaman ko sa iyo kung iiwasan kita. Alam ko nahahalata mo rin yun. Dahil tuwing nag-aaya ka lagi akong nagdadahilan. Maraming beses kong sinubukan at sinabi ko sa sarili ko na kaya kitang kalimutan at pigilan ang nararamdaman ko sa iyo. Pero wala pa rin talaga, hindi pa din mamatay matay ang pagmamahal ko para sa iyo. Sa isang ngiti mo lang. Wala na, natunaw na naman lahat ang pagnanais kong kalimutan ang nararamdaman ko sa iyo. Ganon kita kamahal. At sana huwag mo akong sisihin kasi sinubukan ko naman e. Sinubukan kong patayin tong feelings ko sa iyo.  Kaso wala talaga. Mahal pa rin kita. Maniwala ka, hindi ko ito sinadya. Hindi ko sinadyang mahalin ka. Ang sakit sakit na. Hindi ko na alam gagawin ko. Ayoko naman na mandiri ka sa akin at layuan mo ako. Mas hindi ko yun makakaya. Kaya pangako, pipilitin kong itago na lang ang tunay na nararamdaman ko sa iyo at susubukan kong maging kontento na lang na maging Kaibigan mo wag ka lang mawala sa buhay ko." Naghihilam na ang mukha ko dahil sa sobrang dami ng luha na pumapatak sa mata ko. Umayos na ako ng higa at tumingin sa kisame. Hindi ko alam kung gaano katagal akong umiiyak ng impit hanggang ginupo na din ako ng antok, dala na rin ng kalasingan at ng pagod sa pag iyak.

______________________________________

Rhian POV

Luminga linga ako sa paligid.
"Asan na yung Babae? Kanina lang andito siya ah. San kaya yun nagpunta?" Nag-umpisa akong maglakad para hanapin ito. Nakita kong nakaupo ito at nakasubsob ang mukha sa dalawang braso.
"Teka, umiiyak ba siya?" Tuluyan na akong lumapit dito. Umupo ako sa tabi nito. Hinagod hagod ko ang likod nito. Gusto kong i-comfort ito. Gusto kong iparamdam dito na hindi ito nag-iisa. Bakit parang nasasaktan din ako na makita itong nahihirapan at nasasaktan? "Teka, bakit ganito ang nararamdamdaman ko? Ah hindi! Marahil dahil naaawa lang ako sa kanya. Yun lang." Naisip ko. Patuloy lang ako sa paghagod sa likod nito at hindi na muna ako nagsalita. Hinayaan ko lang ilabas ang nararamdaman nito. Bakit parang nadudurog ang puso ko na makita itong umiiyak? Sa sandaling panahon na nakasama ko ito, parang kay gaan gaan na ng loob ko dito. Parang matagal ko na itong kakilala kahit sigurado ako na ngayon ko lang talaga ito nakita. May kung ano sa pagkatao nito at sa ngiti nito ang tila kinakahalina ko. Parang gusto kong mas makilala pa itong mabuti at mas maging malapit pa dito.
"Teka ano bang nangyayari sa akin? Oh my Gosh, I know na Les siya pero..... Ah hindi.. Hindi maaari na... Erase! Erase! Erase! Hindi ako katulad niya. Hindi ko rin siya gusto. Naaawa lang ako sa kanya. Yun lang yun." Sabi ko sa isip ko.

Nakita kong unti unti na nitong iniangat ang ulo nito kaya napatingin agad ako dito. Dagli ko itong tinanong.

"Miss, ok ka na?" Hindi ko napigilan ang sarili ko na pahirin ang luha sa mga mata nito. Tumango lang ito. Iniharap ko ito sa akin ng dahan dahan at niyakap ko ito. Hinagod hagod ko ang likod nito to make her feel a little bit better.

"Ok lang yan. Alam ko nahihirapan ka na. Sige lang ilabas mo lang lahat yan sa balikat ko. Ginawa talaga yan para sa iyo." Ngumiti ako dito at medyo nagbiro to lighten her burden.

Unti unti naman itong kumalas sa pagkakayakap niya at tumingin sa akin.

"Salamat ha." Tipid iting ngumiti pero halata pa din ang pait sa mukha nito.

"Wala yun.." Nginitian ko ulit ito. At sa wakas ngumiti na din ito kaya medyo gumaan na pakiramdam ko. Isang ngiti lang talaga nito, natutunaw na ako. Bumibilis tibok ng puso ko ng di ko inaasahan. Kung bakit? Hindi ako sigurado sa dahilan.

"Ano bang nangyari sa iyo? Bakit ka umiyak?" Tanong ko dito.

"Kasi hindi ko talaga kayang sabihin sa kanya. Ayoko tuluyan siyang mawala sa akin kaya kahit Kaibigan lang ok na yun. Yun ang desisyon ko kaya ako nasasaktan."

"Shhhh.. sige kung yan ang decision mo. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Hindi ko pa na encounter yang ganyang sitwasyon katulad ng sa iyo pero believe me, by heart, naiintindihan kita. And one thing I can assure you. In time, in the right time, everything's gonna be ok."
I smiled at her once again.
_______________________________________

Glaiza POV

Tumingin ako dito at ngumiti ulit eto. Again I saw those beatiful and genuine smile of her na sa totoo lang nagpagaan kahit papano ng pakiramdam ko.

There's something in Her. In her smile, in her eyes, the way she talks, the way she looks at me and the way she smiles at me na talagang nagpapagaan ng loob ko. Na para bang nagbibigay ng pag-asa at nangangako ng magandang umaga, ng magandang bukas. Na parang nagsasabi na magiging maayos talaga ang lahat sa darating na panahon.

At sana.... Sana malapit na ang panahon na iyon.

To be continued...................

A/N:
My Dear Readers, (meron ba? Hahahaha!) Sorry sa late and lame update. Pagpasensyahan nyo na.. Shout out pla sa dalawa kong fave na readers @GracieGuevarra at @VanessaSauro...

I Knew I Love You Before I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon