Marahang yugyog sa balikat ni Glaiza ang nagpagising sa kanya.
"Anak, gising! Natulog ka na naman ng di pa kumakain." Malamyos na wika ng kanyang Ina. Halatang may pag-aalala sa tono ng salita nito.
Bumangon na siya. Umupo siya at humarap na sa kanyang Ina.
"Ah Nay, Senya na po. Pagod lang po ako kaya di ko namalayan na nakatulog na naman pala ako. Anong oras na po ba?" Pupungas pungas nyang wika sa Nanay nya.
"Anak, mag aalas-diyes na. Halika na. Ipinaghain na din kita ng makakain bago ako umakyat dito. Umuna na kame ng Tatay at kapatid mo na kumain. Alam namin na pagod ka kaya hinayaan na muna naming makapagpahinga ka kaya di ka na namin inostorbo kanina." Mahabang pahayag ng Nanay Cristy niya.
Ngumiti si Glaiza sa kanyang Ina. Iniisip nya na napaka swerte nya sa kanyang Pamilya. Malas man siya sa pag-ibig ngunit sa Pamilya nya, bawing bawi na siya. Naisip nya.
"Ah 'nak, halika na. Bilisan mo. Naku! Nakalimutan ko na andyan nga din pala si Anne. Tamang tama sabay na kayong kumain. Hinde pa din daw siya kumakain e." Dagdag na wika ng kanyang Ina.
Dahil sa narinig, biglang nabuhay lahat ng dugo niya sa katawan. At medyo napalaki pa ng konte ang mata nya dahil sa excitement. Pero muli din nyang hinamig ang sarile nya. Mahirap na baka makahalata pa ang Nanay Cristy nya.
"Ah talaga po? Bakit kaya? Gabi na ah. Nay tara na sa baba." Kinapitan na nya ang isang kamay ng Nanay nya at bahagyang hinila ito para makatayo.
Sa Salas....
"Hi Anne." Bati nya ng nakangiti dito. Lumapit siya at nagbeso dito.
"Hi Beshy! Ganting bati neto at bumeso rin kay Glaiza.
"O siya, mga anak maiwan ko na kayo ha. Cha, anak ikaw na muna bahala dito kay Anne. Kumain na din kayo." Singit ng Nanay niya.
Tumango si Glaiza sa Nanay niya at nagpaalam na din ito kay Anne.
Sa kusina habang kumakain na sila....
"So Anne, gabi na ah.. What brought u here sa gantong oras? Is everything ok? Tanong nya kay Anne ng may halong pag-aalala.
"Of course Ok lang lahat. Ano ka ba.. Ang cute mo mag-alala!" Ngumingiting sagot nito.
"Kahit di ako mag-alala, cute na tlga ako." Nagbibiro na nyang turan dito. Naisip niya na mabuti at wala naman palang problema. Nawala na kaba nya.
"So, bakit ka nga nandito?" Muling tanong ni Glaiza.
"Bakit, kailangan bang may dahilan ng pagpunta ko dito? Hinde ba pwedeng dahil makikikain lang ako?" Tumatawa nitong turan.
"Anne!" Sabi nya dito sa medyo lumalaki ang mata. Alam naman kasi nya na hinde yun ang totoong dahilan.
"E kasi ano e. Ahmmmmm, namimiss lang kita." nahihiya nitong sabi kay Glaiza. Hinde ito makatingen sa kanya ng derecho at pagkasabi noon ay medyo nagbaba ng tingen.
Dahil sa narinig ni Glaiza, napangiti siya ng malaki at nawala nanaman ang mata.
"Talaga, namiss mo ko?" Ang bilis naman ata? Kaninang umaga lang andito ka ah." Nanunukso nanaman si Glaiza dito.
"Baka naman niloloko mo lang ako ha Anne? Baka naman uutangan mo lang ako kaya dinadaan mo muna ako sa pambobola? Alam mo naman, andito ako lage para sayo. Wag lang tungkol sa pera! Wala ako non. Pero Payo marami ako non." Tawang tawa nanaman si Glaiza sa kalokohan nya.
"Kakainis ka talaga Cha! Lage mo na lang ako inaasar." ngumunguso netong sabi kay Glaiza.
Nakita naman ito ni Glaiza kaya bigla sinubuan nya ito ng kanin na may adobo. Bigla siyang naglambing dito para bumawi.
BINABASA MO ANG
I Knew I Love You Before I Met You
Fanfiction(RaStro Fanfic) Pano nga ba haharapin ang tunay at wagas na pag-ibig kong sa panaginip mo lang palagi nakikita yung taong nagpapagulo ng mundo mo sa panaginip man o kahit gising ka na..