Chapter 5

297 21 4
                                    

"Sabihen mo na sa kanya kasi yun ang mas mabuting gawin. Kung itatago mo pa ito sa kanya ng matagal, ikaw din ang mahihirapan. Hanggang kailan mo gustong tikisin ang nararamdaman mo? Mabubuhay ka nyan sa kalungkutan sa matagal na panahon. Sigurado naman akong kahit sino ayaw ng ganon hinde ba? Ok lang na isugal mo ang pagkakaibigan nyo kung yun ang inaalala mo. I'm sure naman maiintindihan ka nya kung tunay ka nyang kaibigan. Malay mo pa nga kung yung Feelings nyo Mutual pala. At hinde mo yun malalaman kung hinde mo sasabihen sa kanya ang totoo. Kung sakali naman na hinde nya matanggap ang totoo, ihanda mo na din agad ang sarile mo. Maaaring sa una mabigla siya tlaga. Normal lang yun. Pero pag na-absorb na nya lahat ng sinabe mo, eventually maiintindihan din nya yun. Kaya sige na sabihen mo na sa kanya kasi baka mas lalo pang mahuli ang lahat kung wala kang gagawin!" Madamdaming pahayag nito kay Glaiza. Kita nya ang senseridad sa mga mata neto habang nagsasalita. Alam nyang tama ito. Naisip nya, parang ang daling isipin pero ang hirap talagang gawin.

"Teka nga, sabihen mo sa akin ang Totoo. Anghel ka ba? Guardian Angel ba kita? Bakit ganyan ka magsalita?" Derederecho nyang tanong dito pero nasa tono ng pagbibiro. Tumawa siya ng bahagya pagkasabi nya non dito. Binasag nya ang Seryoso Mode nito. Masyado na kasing seryoso ang paguusap nila.

"Seryoso ako dito, nakukuha mo pang magbiro?" Medyo naiinis nitong sabi sabay smirk at Cross Arms.

Nageenjoy naman siya sa ka-cute-tan nito.
"Sorry na! Wag ka ng mainis saken. Naiintindihan ko naman ang sinasabe mo e. At alam ko na tama ka. Dinadaan ko lang sa biro kasi kinakabahan talaga ako, isipin ko pa lang na magtapat sa kanya. Pero alam mo, tama ka talaga e. Dapat sabihen ko na talaga sa kanya ang totoo. Pero ok lang ba na bigyan ko pa sarili ko ng konteng panahon para mag-ipon ng sapat na lakas ng loob?"

"Oo naman. Ikaw naman yan e. Nasasayo yan. Pero sana wag mo ng masyadong patagalin kasi nasasayang ang oras."

"Oo alam ko. Isa pa baka pag nagsabi na ko sa kanya, baka di na ulet tayo magkita. Kasi tapos na ang misyon mo saken. Di ba Guardian Angel kita?" Pagbibiro nanaman nya sa Estranghera. At tumatawa nanaman siya pagkasabi non.

"Sira ka talaga!" Tumatawa na din ito sa kalokohan nya. "So pano dito na lang muna tayo? Mukha namang hinde pa ready yung Daan Palabas na magpakita sa atin e." Natatawa pa rin ito.

"Oo nga e. Baka gusto pa ni Daan Palabas na lubos tayong magkakilala. Hehe!"

"Naisip mo din yun? Hahaha!"

"Oo naman. Ok lang saken kung maging close tayo sa gubat na to. Ang swerte mo kaya saken. May kasama kang Cute. Hahahaha!"

"Wow hinde rin masyadong kanipisan ang mukha mo ha? Hahaha!"

"Hinde noh, manipis to at maganda pa. Di ba? Aminin mo! Hehehe!"

"Aba at talagang pinanindigan nya ang Kanipisan ng mukha nya! Hahahaha!" Pero sa totoo lang hinde lang naman talaga ito Cute, maganda talaga ito. Nakaramdam siya ng kakaibang paghanga dito lalo na at may Sense of Humour din pala ito. Naisip nya, ang swerte naman nung Anne na sinasabi nito sa kanya kung sakali.

"Hinde joke lang naman! Naniwala ka talagang Cute aq? Hahaha!" Ang gaan nitong kausap. Parang bigla gusto nyang mas maging malapit dito. At parang biglang naramdaman nya ang kakaibang Connection nila. Ang gaan nitong kausap. Bonus pa na sobrang ganda nito. Hinde siya magsasawang tingnan ito kahit kailan. Maganda din naman si Anne, Dyosa nga sa tingen nya. Pero iba ang ganda ng Estrangherang ito. Hinde nya maipaliwanag. Parang nakakahilom ng sugat sa puso. Basta hinde pa nya lubos na mapangalanan ang nararamdaman nya para dito. Ang tanging alam at gusto nya lang ay ang makasama pa ito ng matagal.

"Hoy hinde ka Cute noh! Maganda ka." Hehehe!

"Wow! Talaga? Coming from you? Nakaka-flattered! Hehehe! Salamat sa papuri." Parang biglang tumaba ang puso nya sa narinig dito.

"Ano ka ba. Totoo maganda ka naman talaga. Ang swerte nga ni Anne sayo kung sakali."

"Talaga? Pano mo naman nasabing Swerte siya saken e di ko pa nga alam kung Mutual yung Feelings namen di ba? Pano kung hinde?" Medyo nalungkot siya sa kaisipang iyon.

"Hey, don't think that way. Positive ka lang dapat." Paghihimok pa nito sa kanya. Sabay ngiti ng matamis. Natutunaw talaga puso nya everytime na ngumingiti ito.

"Oo na. Tama na muna ang drama. Hehe! Maiba tayo, puro Ako na lang ang topic naten e. Yung Ikaw naman ang pag-usapan naten."

"Hmmmm. Well, wana naman kasing masyadong interesting about sa akin e. Ayun, solo lang akong Anak. Medyo naboboring-ngan nga ako sa buhay ko. Kasi lahat ng gusto ko, nakukuha ko naman kasi hinde naman sa pagbubuhat ng sarile kong upuan, medyo may kaya kasi ang Pamilya ko. Hinde ko na kailangang magtrabaho para kumain at mabile ang mga gusto ko. May BF din ako na anak ng Business Partner ni Dad. Ok naman siya kaso parang ang boring ng relationship namin e. Parang may Something Missing. And I don't know kung ano yun."

"Wow! Mayaman ka pala! Ang swerte mo. Ako kasi kailangan ko magtrabaho para makatulong sa pamilya. Pero masaya naman ako na kahit di kame mayaman, biniyayaan naman ako ng mabubuti at mapagmahal na Pamilya."

______________________________________

Mabining haplos sa pisngi nya ang nagpagising sa kanya. Unti unti siya nagmulat. Nakita nyang ang nakangiting mukha ni Anne na isang dangkal lang halos ang layo sa kanya. Nananaginip pa din ba siya?

"Good Morning Beautiful!"

To be continued................

A/N
Sorry kung medyo maiksi ha. Medyo busy kasi e. Pero salamat sa nagbabasa. Love u Gaiz.. Shout out pla kay VannesaSauro. This one's for you.. :)

I Knew I Love You Before I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon