Hiwaga

557 34 4
                                    

Tunog ng Alarm Clock ang tuluyang nagpabangon kay Glaiza. Pupungas pungas pa siya ng kunin ang Alarm Clock nya sa bed side table at tuluyan ng pinatay ito. Pasado ala sais na ng umaga. Baba na sana siya ng kama para dumerecho na ng banyo ng mapabalik siya sa kama at naisip ang panaginip nya. May parang hiwaga siyang naramdaman ng maalala ang panaginip nya ng nagdaang gabi. Ang natatandaan nya kasi naputol na ang panaginip nya ng matapos siyang katukin ng Nanay nya kagabi. Ang ipinagtataka nya bakit nung tinuloy na nya ang pagtulog nya pag-alis ng Nanay Cristy nya, bakit nadugtungan ang panaginip nya nung una? At ang isa pang tila ipinagtataka nya ay bakit hindi na nya maalala ang mukha ng mahiwagang Babae? Pero sigurado siya na alam nya na mala anghel ang mukha nito dahil naaalala pa nya yung eksaktong naramdaman nya pagkakita dito sa panaginip nya. Kung hindi nga lang alam nyang panaginip iyon, iisipin na nyang totoo ang lahat ng iyon at naglakbay talaga ang kaluluwa nya sa kung saan. At isa pa sa tila hiwaga para sa kanya ay ang huling sinabi ng mahiwagang babae na yun. Ayaw nito na magkakilala muna sila dahil baka hindi naman na din daw sila magkita. Napailing iling na lang siya sa mga naisip nya. Parang may mali. Parang may kakaiba sa panaginip nyang iyon. Kung ano man yun, hindi pa nya alam sa ngayon. At kung malalaman pa nya ang dahilan, tadhana na lang ang nakakaalam. Sa ngayon kailangan na niyang maligo dahil may pasok pa siya sa Restaurant bilang Manager.

Kakatapos pa lang niya maligo at nakatapis lang ng tuwalya ng walang anu-ano ay may pumasok. Nagulat siya at biglang napasigaw..

"Ayyyyy ano ba naman yan!!!" may inis na tili nya. Sabay tingin sa taong pumasok ng biglaan.

"Anne ano ba? Uso din naman ang Katok paminsan minsan. Try mo kaya makiuso!" inis nyang sabi dito.

Napabunghalit naman ito ng tawa.
"Cha, ano pa bang itatago mo saken? Hahaha! Mula bata pa tayo nakita ko na lahat ang tinatago mo..." Pang-aasar pa nito.

Si Cha naman ay naningkit ang mga mata sa sinabi ni Anne. Yes, magkababata sila nito at magkaibigan pa rin hanggang ngayon.

"Anne, nakita mo na nga lahat lahat saken, tama! Pero bata pa tayo non pero iba na ngayon ok? Matatanda na tayo and we should act like one." Seryoso nyang pahayag.

Tumigil naman si Anne sa pagkakangiti at sumeryoso na din.

"Fine, I'm sorry.. Minsan kasi nakakalimot ako na matatanda na pala tayo at di na mga bata." sensero nitong sabi.

Ngumiti na si Glaiza pagkarinig sa sinabi ni Anne. Alam nya na sincere naman ito sa sinabi nito.

"So maiba tayo, ano't kay aga aga ay nandito ka na at nang-iistorbo saken Anne-tot?" Pang-aasar nya dito habang ngumingiti ng maluwang. Mahilig talaga silang mag asaran nito. Nakasanayan na nila yun mula bata pa.

Ngumuso ito pagkasabi nya ng Anne-tot.

"Cha naman, ikaw na ang nagsabi na matatanda na tayo, pwede ba wag mo na akong tawagin ng ganyan?" wika nito with pleading voice.

Tumawa nanaman siya ng malakas pagkatapos sabihin ni Anne iyon.

"Pwede naman na di na talaga kita tawagin ng Anne-tot, pero sa isang kundisyon?"

"Ano yun?" tanong nito.

"Bago ka pumunta dito, pwede maligo ka muna!" Humagalpak nanaman siya ng tawa pagkasabi nito at nagpatuloy pa sa pang-aasar. "Kahit kasi ang layo mo naaamoy na kita." Tuloy tuloy na pang aasar nya dito. Pero ang totoo naman talaga ay hindi ito mabantot. Never pa nga nya naamoy na mabaho ito kahit kelan. Palagi itong amoy baby kahit may pawis pa. Inaasar nya lang ito talaga.

Mukhang napikon naman si Anne kaya tumalikod na siya at akmang aalis ng habulin agad siya ni Glaiza at pigilan sa braso. Unti unti nyang iniharap sa kanya si Anne at nakita nya nakasimangot pa din ito at mahaba ang nguso. Pinigilan nyang mapangiti. Nang tuluyan na itong makaharap sa kanya, hinawakan na din nya yung isang braso nito at derecho nyang tiningnan sa mga mata.

I Knew I Love You Before I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon