Prologue

55 6 1
                                    

Prologue

I still remember that night.

Wala akong magawa.Bored na bored na ko.

Kaya tinignan ko kung sino sa 126 friends kong online ang pwedeng i-chat.

Hanggang sa pangalan niya ang nakita ko.

Jeron Randell  Torrez.

I decided to chat him. Wala lang, trip ko lang. Tinignan ko muna saglit yung wall niya pero wala akong makitang picture niya talaga.

Dahil sa mabagal ang internet connection ng kapitbahay namin, tinigilan ko ang pang iistalk.

Ceelena: Hi 

typing...

Napangiti na lang ako nang makita kong nagta-type na siya. Sana lang at hindi siya boring kausap.

After ilang minuto, sineen niya lang yung message ko.

Paasa talaga.

I-uunfriend ko na sana siya nang biglang may nag pop na message.

Jeron: Haha.

Weird ng sagot niya. I said 'Hi' pero tumawa lang? Baliw ba 'to? Nakakatawa ba yung sinabi ko?

Ceelena: Happy?

Nainis ako bigla. Umandar na naman pagka-bipolar ko. Kakairita 'tong Jeron.

Jeron: Yup. 

Ceelena: Kamusta?

Jeron: Hahaha

Ceelena: Tawa again?

Jeron is typing...

Suko na ko. Imbis na bored lang ako kanina, badtrip na ko sa lalaking ito. Naisip ko rin na bakit ako maiinis? Ako nga itong feeling close sa stranger na 'to. Pero kahit na. Dapat matino siyang kausap. Dapat di sya boring ka-chat.

My goshness. Kaya ayokong mag-isa dito sa bahay. Umiiral pagkabaliw ko.

Nakatitig pa rin ako sa cellphone screen at inaantay ang reply ni Jeron. Mukhang mala nobela tina-type eh.

10 minutes na kong nag aantay pero typing pa din.

Baka sinummarize na yung mga personal questions niya like: 'Ilang taon ka na', 'Taga saan ka', at 'Anong ginagawa mo'.

Ready na ko sagutin yan. Babarahin ko lang naman siya. *insert ngiting baliw here.

After ten million decades, nagreply na ang koya mo.

At napanganga na lang ako sa napakaganda niyang message. Grabe worth it talaga pag-aantay ko.

Jeron: Haha.

Seriously? Ayun lang?

Sa sobrang gigil ko, binato ko na lang ang cellphone ko sa kama at napairap na lang.

Takte. Na 'HAHA-zoned ako

---x

Thanks for reading.

Dedicated to Edifyier. Ayan na po. ❤💋

-kissrain18

You Got Me at Haha ReplyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon