Chapter 3

29 5 6
                                    

"What if a certain person likes you? In a funny way?"
---------

3.Like

"Do you have any questions?" tanong ko sa mga classmate kong attentive sa pakikinig.

Honestly, nung una, hindi naman talaga sila nakikinig pero dahil nagtatawag ako para sagutin yung tanong ko, ayun no choice talaga sila.

"None." bored nilang sagot.

I just fake a smile at bumalik na sa kinauupuan ko.

Maayos naman ang naging mood ko sa nagdaang mga oras. Wala na rin namang klase kaya lumabas na ako at naupo sa hallway.

Napangiti ako nang makita ko ang picture sa aking screenlock , si Oreo.

Oreo ang ipinangalan ko dahil sa batik niya sa mukha. Hindi ako mahilig sa aso pero mukhang na-attach at first sight ako.

Dahil nasa mood ako, magba-browse muna ako sa facebook.

Agad na bumungad sakin ang post nung Jeron.

Jeron Randell Torrez

She's cute

67likes• 9 hours ago

Napa-tss na lang ako.

Agad kong binuksan ang chat box namin at lalong nainis sa message niya nung isang gabi.

Jeron Randell

Seen 😘

Jeron Randell

Haha.

Naiinis ako. Agad ko naman siyang nireplayan kahit na naka offline siya.

Cee

Seriously? Weird. -_-

Hindi ko alam kung bakit nireplayan ko pa.Nakakainis lang kasi yung mga tulad niya na ang lakas makapang badtrip.

"Nguso mo dude,sasayad na sa sahig oh" sigaw ni Ven.

Tinignan ko lang siya ng masama sabay tago ko ng cellphone ko.

"Easy lang dude! Baka lamunin mo ko ng buhay"

Tumayo na ko mula sa pagkakaupo. "Ven, libre mo ko. Tara." pag aaya ko.

"Tsss. Diyan ka magaling dude. Napaka bipolar mo talaga." ngumuso siya. Bigla siyang kumapit sa bag ko na ikinairita ko.

"Alisin mo kamay mo."

"Ayoko nga."

"Isa."

Hindi niya pa rin inaalis ang pagkapit niya sa bag ko kaya yumuyuko yuko ako. Pero sadyang napaka pasaway niya kaya ang nangyayari, para kaming baliw na nagtutulakan sa hallway.

"Dalawa. Haha. "

Tinulak tulak ko si Ven pero di matinag. "Ano ba ka- ayy sorry"
Dampot ko sa mga nagkalat na libro nung nabangga ko.

"Ako na." I froze at his voice. Napatigil ako sa pagdampot. Umupo siya at dinampot ang mga nagkalat niyang gamit. Hindi ko maialis ang pagtitig ko sa kanyang seryosong mukha.

Napansin niya ata ang paninitig ko kaya sumulyap siya sakin. Grabeng kaba ang nararamdaman ko. Nagpapawis ang mga palad ko nang iabot ko sa kanya ang papel na nahulog kasama ng kanyang gamit.

"Eon, may practice ba daw?" pang aabala ni Ven.

Oo! Talagang panira si dude ng staring moment namin ni crush.

You Got Me at Haha ReplyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon