Chapter 1

51 4 5
                                    

1.Boredom Strikes

Facebook is like fridge.If you' re bored,you keep opening it.
-picturequotes.com

---------------

"

Ceelena, are you okay?Bakit namumula ka?May lagnat ka ba?" nag-aalalang tanong niya sakin.

Agad akong lumayo ng kaunti sa kanya. Baliw ba siya? Hindi ako nilalagnat, nagbablush ako.

"Ah, eh wala ito. Allergy lang siguro." palusot ko. Talagang nakakahiya ito, mabuti na lang at hindi niya nahahalata ang nagsusumabog kong kilig.

Walang mapaglagyan ang saya ko. Sa wakas, heto magkasama na kami. Mabuti na lang at napansin na ni Eon ang aking natatagong ganda.

Humigpit ng kaunti ang hawak niya sa aking kamay. Isang hakbang ang ginawa niya para masakop ang maliit na espasyong pumapagitna sa aming dalawa.

"Ceelena." sambit niya.

Mas lalong naghuhumerantado ang pasaway kong puso. Ang sarap pakinggan ng kanyang boses na para bang nagbibigay kasiguraduhang akin lang ang tinig na iyon.

Unti-unting lumalapit ang kanyang mukha sa akin. Nakapikit na ang kanyang kulay abong mga mata.

"Are you going to kiss me?" tanong ng isip ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Ilalapit ko rin ba ang mukha ko o parang tuod lang akong maghihintay?

Hindi pa naman ako marunong humalik. Naku naman!

Pumikit na lang ako para damhin ang susunod na mangyayari.

"Arguelles, Ceelena."

Sa sobrang gulat ko ay napasigaw ako. "Present!"

Nag echo ang boses ko sa classroom at natabunan iyon ng mga tawa ng aking mga kaklase.

"Yes I know, Ms. Ceelena. You are present but it seems you are mentally absent, because of your sleeping session." sarcastic na sabi ng poging professor ko sa professional education.

"I'm sorry po Sir." sincere kong sabi, kunyari.

"By the way, Ms. Ceelena, you will be the one to discuss on Monday." diretso niyang sabi sabay labas ng classroom.

"Nice one Cee. Nakakainggit, pinansin ka na naman ni Sir pogi." asar sakin ni Glaire, isa sa mga kaibigan ko.

I just gave her a poker-faced look.

"Sungit mo! Kaya di ka pinapansin ni E--" agad kong tinakpan ang kanyang maingay na bibig.

"Subukan mo lang sabihin yung pangalan niya, FO na tayo"

Agad ko din naman tinanggal ang kamay ko sa bibig niya. At pagkatapos ay lumabas na ako.

Narinig ko pang tinawag niya ako pero di na ko lumingon.

Matatapos na ang first sem pero teach na teach pa rin ang mga professor.

Wala na akong klase kaya naman uuwi na ako.

Mabagal lang ang paglalakad ko sa hallway habang nakahawak sa strap ng backpack ko.

Room 406, Room 407, Room 408 at ang pinakapaborito kong room ang Room 409.

Bakit ko paborito?

Kasi birthdate ko. Pero...

Hindi naman talaga iyon ang pinakadahilan, kasi dito ang classroom ni..

You Got Me at Haha ReplyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon