Prologue

2.4K 46 9
                                    

"Sige lumayas ka! Magsama kayo ng babae mo!"

Nagising ang walong taong gulang na si Rica dahil sa malakas na sigaw ng mommy niya. Kahit sound proof ang kwarto niya wala itong sinabi sa lakas ng boses ng mommy niya na halos nanggising na sa buong subdivision nila.

Hindi niya napigilan ang mapaiyak.
Bakit nag-aaway ang magulang niya?

Masaya naman sila lagi. Mahal na mahal sila ng kapatid niyang si Ryan ng mga magulang nila.

Hindi sila mayamang mayaman pero hindi rin naman sila naghihirap.

Tuluyan na siyang nagising kaya lumabas na siya ng kwarto niya.

Nakita niyang bukas ang kwarto ng mga magulang kaya lumapit siya sa may nakabukas na pinto.

Kitang kita niya na nag nagsisiksik ng mga gamit ang ama sa maleta nito.

Hila hila na nito ang bagahe at lalabas na ng pinto.

"Where are you going Dad?" Tanong niya sa ama.

Napatigil ito.

Tumigil din ang ina sa pagtatalak.

"Rica anak. Tandaan mo lagi. Mahal na mahal ko kayo ni Ryan. Whatever is happening between me and your mom it will not change the fact na mahal na mahal ko kayo ni Ryan. Babalik ako anak. Don't worry everything be all right." Wika nito bago umupo para magpantay sila at niyakap siya.

Tumayo ito at tulayan ng lumabas ng pinto.

Tila naamlimpungatan naman siya at narealize niya ang nangyari.

Aalis ang ama niya? Bakit?

"Daddy!" Sigaw niya at hinabol ito pababa.

Nakasakay na ng kotse nito ang daddy niya kaya hindi na siya nakita at narinig.

Naiwan siya sa may pinto na umiiyak. Kahit malabo sa kanya ang mga nangyayari, isa lang ang alam niya. Hindi na niya makakasama ang Daddy niya.

"Don't cry Rica. Magpakatatag ka. Iniwan na tayo ng ama mo. Sasama na siya sa babae niya. Hindi na niya tayo mahal." Wika ng ina habang nakahawak sa balikat niya.

Pinaharap siya ng ina. Umupo ito sa harap niya.

"Tandaan mo anak. Parte ng pagmamahal ang masasaktan. Pero huwag na huwag mong hahayaang saktan ka ng mga lalake. Tandaan mo yan anak. Dahil ang sakit sakit. Ang sakit sakit anak." Tuluyan na itong umiyak sa harapan niya.

Niyakap niya lang ito.

Kasabay ng pagpatak ng luha niya ay ang pagbagsak din ng tiwala niya sa mga lalake at sa salitang pag-ibig.

Napabata naman niya para mabrokenheated ng ganito. Pero hindi niya mapigilan ang sarili. Durog na durog ang puso niya dahil sa kaalamang ang lalakeng una niyang minahal, pinagkatiwalaan at tinitingala ay siya pang magpaparamdam sa kanya na sakit.

Hindi siya makapaniwala na iniwan sila ng ama niya para sa babae nito!

Thawing The Ice MaidenWhere stories live. Discover now