Lumipas ang ilang araw, hindi na ulit nagparamdam ang lalake. Naiinis siya sa sarili dahil parang inaabangan pa niya ang pag message nito.Kapag tumutunog ang notification niya agad siyang napapatingin at umaasang si Archy na iyon.
Abala siya ngayong araw dahil may mga parating silang order mula sa mga distributor.
Ibinuhos na lang niya ang kanyang oras sa mga gawain sa opisina. May ilang branch din siya na bibisitahin sa araw na ito.
Nang magkaroon ng oras, naalala niya ang kanyang cellphone at agad itong tiningnan.
Kumabog ang dibdib niya ng makitang may message notification siya mula sa dating app.
Wala naman siyang ibang inaccept kaya malamang si Archy ang nagmessage sa kanya.
Kabadong binuksan niya ang app at tinungo ang messages.
Hindi nga siya nagkamali si Archy nga ang nagmessage.
Archy: Hi baby! It's been a while.
Rica: Hi Archy! Yeah it's been a while and I miss you...
Great! Hindi niya akalain na may itinatago pala siyang kalandian. At nagiging expressive din siya. Eh sa namiss niya talaga ito eh. Lagi pa nga niyang inaabangan ang muli nitong pag-online.
Archy: Aww baby. That's so sweet. Let's meet?
Rica: This is my first time in this app. I dont know if that'a a good practice to meet someone right away.
Archy: Don't worry it's my first time too. And I'm not always online here that's why I'm asking you to meet me. Let's cut all the unnecessary dramas. Let's go to the gist right away.
Nag-isip muna siya bago ito sagutin.
Papalampasin ba niya ang pagkakataon? Eh baka ilang araw na naman bago ito mag-online. Or worst baka buwan.
Aminado siya na napukaw talaga nito ang interes niya. Bihira siyang magkagusto sa isang lalake. Ngayon lang in fact!
Rica: Okay. :-)
Archy: Wow! You won't believe I'm actually shouting right now. Feels like I won the jackpot in the lottery.
Napangiti naman siya sa tinuran ng binata.
Rica: Lol. Okay I believe you.
Archy: You won't regret this baby.
Rica: I hope so Archy.
Archy: I have to go Rica. Meet me at The Four Bunnies tonight. I'll be there around 10. Just go to the bar counter and tell the bartender you are looking for Archy.
Magrereply pa sana siya pero nakita niya na offlline na ito.
Napabuntong hininga na lang siya.
Sisiputin ba niya o hindi ang binata.
Pano kung ginugood time lang siya nito?
Pano naman kung hindi. Sigaw ng isang bahagi ng utak niya.
Bahala na!
Napagpasyahan niya na ituloy ang pakikipagkita dito. Nandito na siya ngayon sa parking ng naturang bar. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya.
Pinaghandaan pa niya ang pagkikita nila. Dumaan siya sa mall bago pumunta sa bar at bumili ng damit. Alam niyang nagtataka ang mga tao niya sa opisina na maaga siyang umalis. Bihira siyang mauna sa mga ito.
Isang corporate sleeveless dress ang napili niya. Binili pa niya ito sa mamahaling botique ng mga pambabaeng corporate attires. Maganda ang fit ng damit sa kanya at kitang kita ang kurba ng kanyang katawan. Masasabi niyang nakakaakit siya pero yung mukhang hindi pinaghandaan.
Nakailang buntong hininga muna siya bago tuluyang bumaba ng kotse at pumasok sa bar.
Amoy niya agad ang pinaghalong usok at alak sa bar. She hates this scene pero kailangan niyang tiisin. Ngayong gabi lang naman ito.
Dumeretso siya sa bar counter. Nadaanan pa niya ang mga parehang naghahalikan sa paligid. Oblivious of the people around.
"What can I give you Miss Beautiful?" Wika ng bartender ng makaupo siya sa stool.
"I'm looking for Archy." Sagot niya dito.
"Oh Okay Mam. Sit back and relax. Here's is your complementary drinks." Saad nito at inabot sa kanya ang isang inumin.
Napangiwi siya sa amoy ng alak.
"Light drinks lang po yan Mam. Ladies drink lang. Parang punch. Amoy alak lang pero halos walang tama yan. Kumabaga sa kape. Decaf po yan." Saad nito.
Napatango siya.
Sinisimsim niya ang inumin nang may naramdaman siyang brasong pumulupot sa kanyang bewang mula sa likod.
Napalingon siyang bigla at handa na sanang bigyan ng matalim na titig ang lalake.
"Hi!" Nakangiting bati nito.
"I was really right that you are more gorgeous in person." Bulong nito sa kanyang tenga. Humalik pa ito sa pisngi niya.
Archy is more good looking in person too. No scratch that! He looks so hot and yummy. Parang ang sarap makulong sa mg bisig nito at madami ang mga labi nito.
She shook her head at the thought.
"You want to go somewhere private?" tanong nito.
"What?!"
Tama ba ang narinig niya? Alam niya ang tinutukoy ng binata.
"Whoa wait! What I mean is there's a private room here so we can talk more exclusively without all these noise." Saad nito nang makita ang pagtalim ng tingin niya.
Napatango siya.
"Okay let's go" Saad nito habang inaakay siya papunta sa private room.
Like a lamb ready to be slaugthered...
YOU ARE READING
Thawing The Ice Maiden
RomanceShe has always been a strong independent woman. She always sets high standards and often surpasses them. She's an epitome of a modern career woman. She can handle things on her own. She doesn't need anyone. Until she decided to have a baby of her ow...