She glanced at the couple. They looked so happy together.
Kasama ng mga ito ang anak nila. Sinusubuan ng ina ang anak habang nakakandong ito sa ama. Larawan sila ng masayang pamilya.
She can't help but imagine herself having a child of her own. A child of her own flesh and blood na aalagaan niya at mahahalin.
But she can't understand bakit hindi sumagi sa isip niya ang pag-aasawa. Madali para sa kanya ang isiping magkakaanak siya pero hindi ang pagkakaroon ng asawa.
Kailangan niya ng anak na tagapagmana. Lalo na ngayon at patay na ang nag-iisa niyang kapatid na lalake. Namatay ito sa isang aksidente. Naiwan nitong balo ang isang linggo pa lang nito na asawa.
At dahil sa pangyayaring iyon sa pamilya nila, mas lalo niyang ninais na magkaroon ng anak. Siya na lamang ang makapagbibigay sa mga magulang niya ng apo.
Kahit kailan hindi niya naisip ang kailangan niyang mag-asawa para magkaroon ng anak.
Pero paano naman siya magkakaanak kung wala naman siyang asawa.
Tumayo na siya pagkatapos ng lunch niya sa isang restaurant ilang kanto lang ang layo mula sa main office ng grocery store nila.
Sinadya niyang sa main entrance dumaan at hindi sa daanan ng mga empleyado. Gusto niyang magramdon check kung ginagawa ba talaga ng mga gwardiya ang gawain ng mga ito.
Kahit siya ang may ari at presidente ng chain of grocery stores nila hindi siya nagpapakilala sa mga cashier, bagger, gwardiya at iba pang mga tauhan nila. Sinasadya niya ito para malaya siyang makapag-inspeksiyon sa mga nasasakupan. Ang ama pa rin niya ang kilala ng mga ito na Presidente at CEO ng kompanya.
Nasiyahan naman siya sa ginawa ng guwardiya na pagsuri sa gamit niya sa bag bago siya pinapasok.
Dumaan siya saglit sa may counter at sa customer service area. Dahil lunch break medyo marami-rami ang tao sa counter. Busy ang lahat.
Tuloy tuloy lang siya hanggang sa makapasok sa isang hallway patungo sa mga opisina nila.
May naririnig siyang nagkukwentuhan kaya saglit siyang tumigil.
"Talaga?! Ang landi mo talaga may nangyari na agad sa inyo eh kakakilala niya lang nung nakaraang linggo?!" Sita ng isang babae sa kausap nito.
"Tatanggi pa ba ako eh grasya na yan noh? Kahit hindi kami magkatuluyan, bigyan niya lang ako ng anak masaya na ako." Sagot ng babae.
"Sabagay kahit ako naman magbababa agad ako ng panty pag ganyan ka yummy ang jowa ko." Tumatawang saad ng babae.
Naghagikgikan ang dalawa.
Nagsalita ulit ang unang babae.
"Makasali nga jan sa dating app mo na yan. Malay mo jan ko din makita ang forever ko. Anong app nga yan ulit." Wika nito.
Narinig pa niya ang pagsagot ng isa bago siya tuluyang pumasok.
Natigilan ang mga ito pagkakita sa kanya. Nagkukumahog na nagsibalikan ang mga ito sa upuan nila.
Tuloy tuloy lang siya hanggang sa loob ng kanyang opisina na parang hindi nakita ang mga ito.
Pero hindi maalis sa isipan niya ang pinag-usapang dating application site ng mga ito.
Pagkaupo sa upuan niya, agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at idinoanload ang sinabi nitong app.
Nag sign up muna siya. At nag-attach din ng picture sa kanyang profile. Pangalang Rica lamang ang makikita sa kanyang profile.
YOU ARE READING
Thawing The Ice Maiden
RomantizmShe has always been a strong independent woman. She always sets high standards and often surpasses them. She's an epitome of a modern career woman. She can handle things on her own. She doesn't need anyone. Until she decided to have a baby of her ow...