LANA'S POV
*RING*
Kinuha ko yung phone ko nung tumunog. Unregistered number yung lumabas. Usually hindi ako sumasagot ng tawag pag hindi ko kilala pero since may iniintay nga akong tawag, sinagot ko na.
"Hello"
/He-hello?/
Shet! Ang gwapo lang ng boses niya, nalaglag ata yung panty ko. HAHAHA
"Sino po sila?" ayyy hindi sumagot agad? Sigurado kamag anak ni bagets to? Medyo uutal-utal din eh. "Kayo po ba yung uhmmm.. guardian ni.. baby girl? andito kami sa jollibee, pasensya na po. Babalik nalang kami diyan." Nag intay pa ako ng sagot galing sa kanya. Medyo naglo loading pa kase eh. Sayang ang gwapo pa naman ng boses.
/Uhmm no need. Ako nalang ang pupunta diyan./
Napalunok ako ng ilang beses. Mukhang tanga lang. Bakit ako kinakabahan sa boses nito? Weird.
"Ah, okay po. Nasa second floor po kami. Katapat ng mcdo." Sabi ko nalang bago ko inend yung tawag.
Ano ba yan? Para naman akong abnoy neto..
Ipinilig ko nalang yung ulo ko saka ipinagpatuloy yung pagpapakain kay baby girl.
"Baby girl you want this?" Itinuro ko yung burger na hindi pa niya nabubuksan. At infairness, kinareer ko daw yung pag eenglish sa bata.
Umiling lang siya saka tinuro ulit yung spaghetti.
"Anong name mo baby?" Umiling lang ulit siya saka yumuko.
*sigh*
Naaawa talaga ako sa kanya. Ang dami namang masamang tao sa mundo, bakit yung inosenteng bata pa ang nagkaganito.
"Ako si Ate Lana, ikaw muna si baby girl okay ba yun?" Nag thumbs up pa siya. Ibig sabihin okay lang sa kanya yung baby girl. Pinunasan ko yung gilid ng labi niya na may sauce ng spaghetti.
"Zylie ang pangalan niya."
Muntik na akong magmura dahil sa gulat nung may biglang nagsalita sa likuran namin. Pa slow motion akong tumingin sa likuran ko. Wala lang para may effect. Hahaha.
At tuluyan na ngang nalaglag yung soen na panty ko. Napunit at nasunog nung nakita ko kung gaano ka gwapo yung nasa harapan ko.
Ang tangkad. Ang puti. Chinito. Matangos ang ilong at mamula mula ang mga pisngi at labi.
Ang mga braso teh.. nagmumura! Walanghiya! Pakiramdam ko tumulo yung laway ko. Yuck!
Parang nakalimutan ko ng ayaw ko sa gwapo ng dahil sa kanya ah. Hihi
Ngumisi siya nung nahalata niya atang nasobrahan na ako ng titig sa kanya. Okay, Lana. Kumalma ka. Huwag mong kalimutan na kamag anak mo si Maria Clara. Behave.
"Ahh, Ehh. Kayo po ba ang guardian ni..." Nakakahiya naman huling-huli akong naglalaway sa kanya.
"Zylie. Her name is Zylie. She's my daughter." Natigilan ako saglit. Anak niya si baby girl, so eto pala yung iresponsableng magulang ni bagets?
Pero baka naman member ng sindikato ito na nangki kidnap ng mga bata tapos kinukuha yung mga internal organs. Naku naku! Kala niya porke gwapo siya mapapaniwala niya na ako?
At talagang paulit ulit ako sa kakasabing gwapo siya noh?
Inayos ko yung sarili ko. Hindi ko ibibigay yung bata sa kanya hangga't hindi ako sigurado. Itinaas ko yung kilay ko saka ipinatong yung mga braso niya sa dibdib.
"Paano ako nakakasigurong anak mo nga si baby girl? baka mamaya kidnapper ka?"
Oh no, I'm not going to be an accessory to his crimes!
BINABASA MO ANG
Understanding Mr. Complicated (My Boss series 6) Complete |PUBLISHED ON DREAME|
RomantikThe handsome, playful, adorable, and oh-so-sexy Iñigo Crisologo is madly inlove with Riza Tamayo. Perfect family indeed. Pero paano kung dumating yung isang trahedya na susubok kay Iñigo? Paano pa kaya siya magiging masaya kung yung source of happin...