Two

51.4K 587 24
                                    

LANA'S POV

"Ang sweet talaga nila Sir Chief at Maya, noh?"

"Oo nga eh.. Maghahanap na nga lang din ako ng mayamang binatang amo baka sakaling magkagusto din sakin."

Haay! Ano ba yan, araw-araw na lang ganyan ang naririnig ko ng usapan ng mga kasama ko dito sa bahay. Pang ilang replay na ba ng be careful with my heart at hindi pa sila nagsasawa.

"Ayan na naman yang imagination n'yong sky is the limit Ate Lisa. Masyado kayong nagpapaniwala diyan sa TV eh hindi naman nangyayari sa totoong buhay yan. kaya dumarami ang mga katulad natin na nagiging kabit eh." Pangangatwiran ko naman.

Totoo naman kase 'di ba?! Sinong mayaman at gwapo naman ang magkakagusto sa isang katulong?! Such wild imagination.

"Bakit Lana, minsan ba hindi mo man lang pinangarap na makapangasawa ng gwapong mayaman?" Tanong ni Ate Lisa.

"Kaysa maghanap ng mayamang mapapangasawa, magtatapos nalang ako ng pag aaral, maghahanap ng magandang trabaho saka magta trabaho ng magtatrabaho hanggang sa yumaman. Bakit ko naman iaasa sa ibang tao yung pag asenso ko? Atsaka, allergic  nga ako sa gwapo. Masakit lang yang mga 'yan sa ulo. Tignan mo si Berto ko, kahit isang linggo kong hindi nakikita alam kong wala akong magiging problema."

Call me anything you want, but my pride is higher than my height. Agaw ko pati ng ganun. Ayaw kong umasa sa ibang tao. Mas masarap kaya sa pakiramdam yung perang ginagastos mo e galing sa pinaghirapan ko at hindi sa ibang tao.

At walang hinihintay na kapalit.

"Lana andyan na yung service ni Miel."

"Sige Ate Liza, una na kami."

Ako nga pala si Lana Leviste, twenty four years old and I'm a trained professional, which specializes in child care and development. Sige na nga, isa po akong Yaya.

Pero hindi ko kinakahiya yun ah. Nang dahil sa trabaho ko, dalawang kapatid ko na yung nasa college. Isang first year b.s engineering saka isang third year b.s elementary education. Oh 'di ba bongga?

Yun nga lang, napakarami ko nang advance sa Tiyahin ko na amo ko rin. Hahaha

Nag aaral din ako pero sa gabi naman, Fourth year irregular nga lang sa kursong management.

Pitoo kaming magkakapatid, may magulang pa rin naman pero syempre ang dami namin kaya tulong-tulong na lang.

Yung pag aaral ko naman, sagot na ng tiyahin ko kaya okay na rin. Ganun talaga e, sa isang angkan meron talagang mahirap at meron ding mayaman.

Matagal nang hiwalay na ang Tiyahin ko sa asawa niya. Gwapo kase kaya ang lakas ng loob mambabae. Sabagay, halos lahat ng gwapong kilala ko babaero.

Kaya hindi n'yo ako masisisi kung bakit ako allergic sa gwapo.

"Miel, alis muna si Ate Lana ha.." Paalam ko sa alaga ko pagkarating namin sa school niya. May kailangan akong bilhin para sa project na ginagawa ko kaya kailangan kong magpunta sa mall.

"San ka punta?" Tanong nung alaga kong si Miel. Five years old. Nursery student.

"Mayy bibilhin lang ako sa SM. May assignment kase akong gagawin mamaya e.

"Babalik ka ba?" Inosenteng tanong ng bata.

"Oo naman po. Mamimiss kita e." Kiniliti ko pa siya para tumawa. "Gusto mong pasalubong?"

"Jobilee!"

"Sige, Intayin mo 'ko, ha?" Tumango ito bago tumuloy sa pagpasok sa classroom niya.

----------

Understanding Mr. Complicated (My Boss series 6) Complete |PUBLISHED ON DREAME|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon