Five

22.2K 516 18
                                    

"Miel, write your name."

"Lana may bisita ka!" Asus eto na naman. Parang kahapon lang ah?

"Saglit lang ho." Itinigil ko muna yung ginagawa namin ni Miel na assignment nya saka nagpunta sa may sala. Sino pa nga bang nandito? Edi yung makalaglag panting kagwapuhan ni Iñigo Crisologo.

"Can I have your decision now?" Grabe naman. Hindi pa nga ako nakakaupo nagtatanong agad, nagmadali may lakad?!

"Saglit lang ho pwede? Nauupo muna ako oh?! Atat lang?" Padalagang Filipina akong naupo habang nakakunot ang noong nakatingin sa akin si Mr. Crisologo.

"So?" Ay ang impatient talaga nitong bakulaw na ito. huminga muna ako ng malalim bago ako sumagot.

"Yes." nakita kong nag lopside smile siya na medyo ikinalaglag ang panga ko pero inalis niya rin agad. "Yes, I'm going to be your girlfriend." Dagdag ko pa. Pang asar lang.

"That's not what I came here for." Iritableng sagot niya.

"Ay, Hahaha. Akala ko pa naman, nanliligaw ka kaya inaaraw-araw mo 'ko." Lalo akong natawa nung kumunot ng todo yung noo niya. Sorry Sir, malakas ako mang asar. Ngayon pa lang dapat masanay ka na.

"Pumapayag na ako sa gusto mong mangyari, pero may mga gusto pa akong idagdag sa mga benefits ko."

"Name it." Walang alinlangan niyang sagot.

"Hindi ko kailangan ng tripleng sweldo. Gusto ko four times na mas mataas. Ang day off ko every monday lang sana saka hanggang seven p.m lang ang trabaho ko kase may pasok ako sa school ng eight."

Nagsukatan kami ng tingin. Hindi naman ako nagpatalo. Akala niya ha, kelangan ko kaya ng pera.. I badly needed it. Tawagin nyo na akong mukhang pera pero wala akong pakialam. Sa huli ako din naman yung nanalo. Nauna siyang nag iwas ng tingin eh.

"Okay. " Nagdiwang yung buong pagkatao ko. Nasunod ba naman kase lahat ng gusto ko eh. Makakasama ko pa si Berto pag monday.

"Wait may isa pa pala." Nginitian ko siya ng wagas. Yung ngiting kita gilagid. Haha nagsalubong na naman yung kilay niya.

"Fine. Ano pa?" Mukhang galit na siya. Hahaha okay lang wala akong pake.

"I want my I.d back." Inilahad ko yung mga kamay ko. Tinignan niya pa ulit ako saglit bago niya kinuha yung wallet niya saka inilabas yung I.d ko. Titig ng titig, kapag ito nainlove sa akin, hindi ko kasalanan ha.

Nung gabing yun din sumama na ako sa bago kong amo sa bahay niya. Pero nag umiyak pa si Miel bago ako makaalis. Sabi ko naman sa inyo, parang ako na nanay nito e.

"Don't worry Miel, dalaw-dalawin ka namin dito ni Kuya Berto, okay?" Nagliwanag naman yung mukha ni Miel saka tumango tango. "Stop crying na baby ha. I love you." Pinunasan niya yung mukha niya saka ngumiti. Nagpaalam na din ako kay tita bago umalis.

-----------

Sumakay kami sa sasakyan niyang sing gwapo niya ng walang imikan. Ayoko namang makipagkwentuhan dahil hindi naman ako ganun kadaldal na tao so, nagpanisan kami ng laway. eeeww!

Infairness sa kanya, ang laki ng bahay ah. May malawak pa siyang garden tapos may fountain sa may gitna.

"Sir Iñigo andyan na po pala kayo." Bati samin nung matandang babae. Siguro mayordoma ito dito. Nginitian siya ni Sir tapos tumingin sakin. Take note nakakatakot na tingin.

"Nanay Violly, si Lana po. Bagong mag aalaga kay Zylie." Yung if-looks-can-kill-look na binigay sakin kanina ni Nanay Violly ay napalitan ng ngiti.

"Ikaw pala si Lana! Nako salamat naman at nakumbinsi ka na ni Iñigo! " At niyakap niya pa ako. wow lang ha! Fc much? Ahaha joke lang!

"Si Zylie, Nay Violly?" Napasimangot naman si nanay  Violly sa tanong ni Sir Iñigo.

Understanding Mr. Complicated (My Boss series 6) Complete |PUBLISHED ON DREAME|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon