Four

23.4K 513 7
                                    

LANA'S POV

"Lana may bisita ka." Sigaw ng tita ko. Nandito kase ako sa may third floor. Sa may laundry area, malamang naglalaba.. Alangan kumakain ako dito diba?

At gabing-gabi naman yang bisita na yan. Baka kapatid ko lang.

Hinugasan ko muna yung mga kamay ko bago ako bumaba. Pagod ka na nga sa paglalaba nakakapagod pa yung pagbaba.

Nalaglag yung panga ko nung nakita ko kung sino yung prenteng-renteng nakaupo sa sofa namin. nakapande kwatro pa siya at naka extend yung dalawang braso sa sandalan ng sofa.

So bahay niya to ganun? Feel at home lang?

Pero infairness naman sa kanya. Ang gwapo-gwapo lang talaga ng taong to.. Nahatak na naman niya yung panty ko pababa.

"Ah, Lana, Hindi mo man lang sinabi sa amin  na kakilala mo pala si Mr. Crisologo." Sabi ng tita ko. Hindi ko naman talaga siya kilala eh.

"Uhmm hindi po Ta, natulungan ko lang yung anak niya kahapon.. kilala mo siya?" Balik tanong ko sa kanya.

"Ah oo, customer namin, este natin."

Ayiih, kelan pa ako naging part ng kumpanya nila? Hahaha! Pero bigtime pala talaga 'tong mamang nanghihila ng panty na 'to ha.

Teka lang, anong ginagawa nito dito?

"Ano pong kailangan nyo?" Tanong ko.

"LANA! UMAYOS KA NGA!" Sigaw sakin ni tita. Luh, para nagtatanong lang ako kung anong kailangan niya e?

Bumaling siya ng tingin sa lalaking humatak ng panty ko saka biglang ngumiti. Nagpalit bigla yung mood. Menopause na talaga. Tsk.

"Ah, sir, maiwan ko na po muna kayo ng pamangkin ko." Naglakad na siya paalis pero pinandilatan niya ako ng mata bago lumagpas sakin. Kulang nalang na sabihin niyang 'Lana, behave,' tapos sasagot ako ng 'Aww- aww' para masaya.

Pag akyat ni tita pinagcross ko nalang yung braso ko habang nakatingin sa kanya.

"Ano pong kailangan nyo, Sir?" Tanong ko ulit. Aalukin ko sana siya ng kape, kaso lang, nauna na siyang bigyan ni Tita. Wew nemen, begteym telege.

Inaya niya akong maupo sa sofa. Talaga naman, bahay mo 'to boss? Pero naupo din ako. May cctv nga pala sa sala. Baka pinapanood ako nung mag asawa.

"I'm here to offer you a deal." Deal? Deal niya ilong niya. Wala naman akong business eh, sila Tita, sila dapat ang kausapin niya. "Whatever your Auntie is giving you, I'll make it triple. Including all the benefits, day off every weekends with pay. Plus  you can still study. Be Zylie's baby sitter."

****

Tempting yung offer. Biruin mo, triple nung sweldo ko dito edi para na akong nag opisina nun. Pero kung tatanggapin ko, paano si Miel? Halos ako na ang nagpalaki sa batang 'yon e.

Kainis naman, akala ko pa naman manliligaw siya sakin yun pala susulutin lang ako. Hahaha! Char.

Idinaan ko na lang sa kain yung nangyari kanina.

"Lana, kamusta yung napag usapan niyo ni Mr. Crisologo? " Eto pa isang problema ko eh. Paano ko sasabihin kay tita yung gustong mangyari nung lalaking yun? Nakakahiya naman sa kanila ni tito eh, Pinag aaral nila ako. Ang laki-laki ng utang na loob sa mag asawa.

"Ta, may hinihiling lang po siya saking pabor." Hindi ko alam kung paano ko sasabihin yunv totoo.

"Pumayag ka na ba?" Hindi ako makasagot. Kung tutuusin, gusto ko sana. Malaking tulong yun sakin, kaya marunong din ako tumanaw ng utang na loob.

Understanding Mr. Complicated (My Boss series 6) Complete |PUBLISHED ON DREAME|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon