[Nicah's POV]
Andito na ako sa opisina si jacob. Gusto ko sana syang makita kase nga ang tagal tagal na nameng hindi nagkakausap.
Kinausap ko si Xander. Sya na nga pala ang secretary ni Jacob simula nung pinatalsik ko yung malandeng sekretarya ni Jacob.
"Andyan ba si Jacob sa loob?" tanong ko.
"Madam may kameeting po sya sa loob." magalang na sabi nito.
"Ahmm sige hihintayin ko---" naputol ang pagsasalita ko nang biglang parang may bumagsak.
Dali dali kong binuksan yung pintuan at ..
"Pinakasalan mo ba sya dahil mahal mo sya o dahil sa mana ?!" hasik na sabi ni Eun-Sol habang hawak sa kwelyo ang bugbog saradong si Jacob.
Mana?
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
[Eun-Sol's POV]
Napagkasunduan namen na lahat kame ay pupunta sa opisina ni Jacob.
Inalam namen kung saang branch sya ngayon.
Nakita namen si Xander pero derederetcho paren kame.
Wala akong pake kung may kameeting sya, basta kakausapin namen sya ngayon.
Nakita namen syang prenteng nakaupo sa kanyang lamesa habang masayang binabasa ang isang dokumento.
"Mukhang masaya ka ahh." pambasag ni Wayne.
Dali dali nitong itinago ang dokumentong binabasa.
"Napadalaw ata kayo?" tanong nito.
Poota bat ang saya saya nya samantalang si Nicah sobrang lungkot? tanong ko sa sarili ko.
"Ikaw bat ang saya saya mo?" tanong naman si Chris. Tulad ko alam kong nagpipigil lang sya. Ganun din sina Wayne, Franc at Nathan.
Lahat kame naging close na kay Nicah, dahil sobrang bait nito at lambing.
"Wala naman, siguro dahil maganda ang takbo nang negosyo." sagot nya.
"Ohh dahil nakuha mo na mana mo." sagot ko naman.
Biglang nag-iba ang expression nang muka nito. Lahat kame ay nakaikot sa table nito.
Hinila ko ang kwelyo nya. "Sumagot ka!" sabi ko.
"Anu bang pinagsasabi mo --" hindi ko na sya pinatapos at sinuntok ko na sya.
Tumumba ito sa sahig.Maya pa ay si Wayne naman ang humila sa kwelyo nito.
BINABASA MO ANG
Boys.com (Jacob Barcelona) (COMPLETE)
Teen Fictionwala sa bukabularyo ni Jacob ang PAG-IBIG. Pero biglang dumating si nicah at binago ang lahat .. panu kung sabihin nya na may kailangan sya kay nicah kaya nya kunwariang minahal ito sa una? panu kung kelan huli na ang lahat .. dun palang nya nalaman...
