Chapter 25

3.7K 83 0
                                        

[Nicah’s POV]

“Ma’am I’ll leave your luggage here. Is there anything you need more Ma’am?” tanong saken nung lalakeng tumulong saken sa mga bagahe ko.

Sa isang hotel ako ngayon. Dito daw muna ako for the duration of my stay dito sa Hawaii.

“Nothing more. Thank you.” Lumapit ako sa kanya at binigay ang kanyang tip.

“You’re welcome Ma’am.” Sagot nito at lumabas na.

2 weeks na nang bumalik ako sa trabaho galling sa Pinas. Halos hindi rin ako nakilala nang pamilya ko nung umuwi ako. Hanggang dun ay si Jacob pa rin ang aming topic. Gustong-gusto nila si Jacob para saken. Kahit naman ako, gusto ko den sya. Pero for the meantime, I still want to heal. Ayokong padalos-dalos lalo na ngayon delikado na ang katawan ko. Yeah, it’s been 2 years pero ganun pa din ang katawan ko. On recovery PROCESS. Parang puso ko, ON RECOVERY den.

Nahiga ako sa malambot na kama. Feeling ko bumabalik ako sa aking nakaraan. Nung isa palang akong simpleng estudyante. Walang iniisip kundi ang coding at ang mga bagay na maaring maging rason nang pagiging busy ko. Ngayon, trabaho ang kailangan kong isipin.

Yung kwarto parang yung hotel lang ni Jacob sa Makati. Yung kwarto sa Pent floor. Parang princesa ang nakastay. Pero hindi ako princesa. Siguro ganito lang talaga ang accommodation nang hotel na pagtratrabahuhan ko.

Bumangon ako para magshower, 15 hours den ang nagging byahe ko kaya kailangan kong magpahinga. Tutal mamaya pa namang hapon ang meeting ko with the owner.

Sa isang worldwide based security company ako nagtratrabaho. Dito ako naappoint dahil na rin siguro sa martial arts na alam ko. Bata palang kase ako natuto na ako nang martial-arts sa tita ko na black belter sa taekwondo at sa pinsan ko na athlete sa wushu.

Sa kumpanya kahit marunong ka na, mag-aaral ka pa rin nang martial arts upang madali para sa amin ang magdefend sa aming mga kliyente ganun din para sa aming mga sarili.

Nung una akala ko isang I.T. expert lang ang kailangan nila. Pero nung 2nd year ko na sa kumpanya, nalaman ko na hindi lang pala yun isang security company. Isa rin pala itong Secret Agency kung saan naghahasa sila nang mga Secret Agents na hired sa buong mundo. Nang maging ok na ang katawan ko at kumonti lang ang kailangang mairecover hinasa na rin nila ako total daw may potensyal ako.

Nung una nadadalian ako pero nang unang misyon ko na, dun ko naranasan ang hirap.

*FLASHBACK*

Isa akong secret spy para sa isang international drug syndicate. Nung una madali lang na mapalapit sa big boss nilang intsik tutal ay mahilig ito sa mga magagandang babae.

Una kong inalam ang mga impormasyong maaring maglead saken sa kanya kaya inuna ko ang mga nasa ibaba bago ang pinakaitaas.

Sa bawat taong makakasalamuha ko iba’t ibang tao din ang nakikita nila saken. Ngayon kailangan kong maging isang Chinese na hostess para lamang nasolo ko ang dakilang Mr. Feng Lou Shie. Napag-alaman nyang hindi lamang pala ito leader nang drug syndicate kundi sya din ang nangunguna sa isang international smuggling group. Kaya pala madami itong gold bars sa buong mundo.

Sya ngayon si Wang Chei-So.

Sinadya nyang mabangga ito. “De bu xie, de bu xie.” (sorry in mandarin) Panghihingi nya nang umanhin na parang nagmamahakaawa.

Sinadya nyang maitaas nang konti ang dress na kanyang suot upang makuha ang attensyon nito.

“Tah han hao.” (It’s ok) sabi nito habang hindi inaalis ang attensyon sa kanyang damit.

Boys.com (Jacob Barcelona) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon