Chapter 6: *I Met A Crying Young Jerk*

292 9 0
                                    

Chapter 6: *I Met A Crying Young Jerk*

***AYCE's POV***

Nagkakasayahan kaming apat dito sa tv room nila Kyla. Kumakain habang nagtatawanan. Comedy kasi ang pinapanuod. Napatingin ako sa orasan sa likod. Mag-i-eleven thirty na pala ng gabi pero gising parin kami. Hindi parin kami dinadalaw ng antok lalo na ako. Nagpaalam ako saglit sa kanila. Sinabi kong lalabas muna ako, maglalakad-lakad.

Bago ako makalabas ng gate, nagdala ako ng payong, mukha kasing uulan eh kahit may buwan. Naninigurado lang, wala namang masama diba....!

Lakad.........

Lakad..................

Lakad...........................

Nadaanan ko na ang park, usually pagnaglalakad-lakad ako sa gabi isa lang ang pinupuntahan ko... At iyon ay ang hanging bridge. Ang pinaka paborito kong lugar dito sa private subdivision. Dun ako tumatambay pag nabo-boring ako, kapag gusto kong mapag isa o mag-relax.

Malapit na rin ako, rinig na rinig ko na ang napakagandang tunog ng agos ng tubig sa ilog, napakaganda sa pandinig at sa pakiramdam.

Pagtungtong ko sa unang hagdan ng hanging bridge pagkarating ko dito, may nakita akong nakaupo dito sa may gitna ng tulay. Akala ko namamalik mata lang ako, kinusot-kusot ko pa nga ang mga mata ko. Pero hindi ehh... Totoo pala ang nakikita ko.

Nanatili lang akong nakatayo sa hagdan na ito. Nagdadalawang isip pa ako kung tutuloy pa ba ako sa gitna ng hanging bridge na 'toh para umupo o umalis na lang kasi baka maabala ko pa yung kung sino man yung taong yun.

Bigla na lang syang sumigaw habang nakatingin sa malayo...

"Cheska, oo mahal parin kita. And thats shit you know. 'coz I know you don't love me anymore. But me, I still do. I really do. I want you to be mine again. I want you to be back to me cheska and hoping that someday, everything's going to be alright...!"

Pagkasabi nya nun, umiyak sya. Hindi sya tumitigil sa pag iyak. Nanatili pa rin akong nakatayo sa hagdan at nag-iisip kung lalapitan ko ba sya o hindi, baka kasi kelangan nya ng makakausap.

Saglit pa'y pumatak na ang mga butil ng ulan. Pinipilit kong buksan itong payong na dala ko. Shit lang ahh, ang hirap buksan. Lumakas na ang ulan. Basa na ako...

"AHH, shitzu, why you won't open?!"- bulong ko sa sarili ko. Tiningnan ko yung lalaking nakaupo. Basang basa na rin sya ng ulan... *PLUK* Oh, good, bumukas na rin 'tong lintik na payong na 'toh. Nag payong na ako. Pinayungan ko na ang sarili ko kasi basang basa na ako dito kanina pa.

Nilakasan ko na ang loob ko at nagsimula ng maglakad ng m maingat para hindi umuga itong hanging bridge. Pinutahan ko yung lalaki at pinayungan sya. Napansin kong sa malayo sya nakatingin at nagtataka siguro sya kung bakit dun sa malayo umuulan. Dito sa kinauupuan nya ehh hindi naman. Agad syang napatingala at napansin kong may pagtataka sa mukha nya.

Sabay napatingin sakin. Nginitian ko lang sya pero mukhang 'di nya maaninag ang mukha ko. Napatitig ako sa mukha nya. Mukhang pamilyar sakin ang mukhang ito Saan ko na ba sya nakita?...

Ahghf, kahit kelan talaga, ang dali kong makalimut.

Walang umiimik saming dalwa. Nakatitig lang ako sa kanya at ganun din sya sakin at mga sandali pa'y tumila na ang ulan. Saka ko lang napansin na yung likidong umaagos sa mukha nya ay hindi isang normal na tubig mula sa ulan kundi mula ito sa mga mata nya, sa mapupungay nyang mata.

Isinara ko na muna yung payong bago ako umupo at ipinatong ito sa tabi sa may likuran ko. Pagkaupo ko sa tabi nya, isinabit ko yung kamay ko sa may tali at saka tumingin na ako sa baba kung saan umaagos ang tubig. Pinapanuod ko lang ang pag-agos ng ilog.

My Mafia PrinceWhere stories live. Discover now