Act Five: Of Fire & Ice

2.3K 73 6
                                    

Act Five: Of Fire & Ice

 ~**~**~**~**~

Melody’s Playground

~**~**~**~**~

“One, two, three, four. Right,” masiglang sabi ko habang binibilang ang mga Tupperwares na nasa harapan ko. Kinusot ko ang mga mata ko. Medyo inaantok pa ako, pero ayos lang. Sobrang sulit naman ang paggising ko nang maaga at pag-prepare ng mga ito.

I scratched my arms and neck. Medyo nangangati ako ngayon dahil sa ginawa ko kanina, pero ayos lang. Nakainom naman na ako ng medicine at mawawala rin naman ang pangangati ko mamaya. Ang importante, nagawa ko ito.

Sana magustuhan niya. Hindi ko pa nata-try gawin ito before eh. Excited na akong matikman niya ang mga niluto ko para sa kanya.

Nagsimulang magsidatingan ang mga students sa classroom. Siyempre malayo pa lang eh naaamoy ko na siya. Alam kong paparating na siya kaya umupo ako nang tuwid. “Hubby!” masiglang tawag ko sa kanya.

Inilapag niya sa sahig ang kanyang gitara. “Ano ‘yan?” nagtatakang tanong niya habang nakatingin sa mga Tupperwares na nakalagay sa itaas ng desk niya.

“Food!” masiglang sagot ko. Isa-isa kong binuksan ang mga Tupperwares.

“Nag-agahan na ako,” malamig niyang sabi.

“I know. Pero i-try mo lang habang mainit pa,” sabi ko habang kumukuha ng tinidor.

“Busog pa ako,” sabi niya habang kinukuha ang headset niya mula sa kanyang bag.

“Naman. Try mo lang naman,” sabi ko. Kumuha ako ng pasta at inilapit ko ang tinidor sa bibig niya. Bahagya siyang lumayo at tinabig nang mahina ang tinidor.

“Melody,” malamig niyang sabi. “Huwag kang makulit.”

“Naman, Hubby. Kaunti lang,” nakangusong sabi ko.

“Ayoko nga sabi.”

“Bakit? Dahil ba nag-toothbrush ka na? Mag-toothbrush ka na lang ulit,” masiglang sabi ko.

“Hindi sa ganoon. Ayokong kumain ngayon,” sabi niya. Isinuot niya ang headset niya.

“Hubby!” Tinanggal ko ang headset niya.

“Ano ba, Melody? Umayos ka nga.”

“Sige, pero i-try mo muna itong pasta.”

Tiningnan niya ako nang malamig at saka tumingin sa nakahandang mga pagkain sa harapan niya. “Ano ba kasi ‘yan?”

“Seafood pasta saka fish fillet. May fried rice din at saka fish cake for dessert,” masayang sabi ko.

Kumunot ang noo niya. “Bakit ganyan ang ginawa mo?”

“Ha? Wala lang. Nag-try lang ako ng ibang dishes. Dali, try mo na.”

Umiling siya. “Hindi ako kumakain ng ganyan.”

“Ay, bakit? Ayaw mo ng ganitong pagkain?”

Tiningnan niya ako nang malamig. “Do you want me to die? I’m allergic to seafoods,” malamig niyang sabi.

Napakurap ako. “Allergic ka sa seafoods?” gulat kong tanong.

Ngumisi siya nang malamig. “Palagi kang nakadikit sa akin, tapos hindi mo alam na bawal sa akin ang mga ganyang pagkain?”

“Hindi you naman ni-say eh,” mahinang sabi ko.

“Kailangan pa bang sabihin ‘yun?” Tumayo siya.

Arco Iris (A Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon