Act Forty Eight: Until The Day We Meet Again

2K 71 19
                                    

Act Forty Eight: Until The Day We Meet Again

~**~**~**~**~

Yuki’s Playground

~**~**~**~**~

Grr. Alam kong lantad na lantad na ako tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya, pero… bakit ang manhid niya!? I mean, alam naman niya ang tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya eh! Bakit hindi niya pa ako nililigawan? O tinatanong officially kung I want to be his girlfriend ba? Nakakainis po. Ang bagal. Ang bagal-bagal niya! Hindi ko naman siya pahihirapan eh.

Naiirita akong humalukipkip habang hinihintay siya. Siyempre hindi niya alam na hinihintay ko siya. As if naman aaminin ko ‘yun tapos wala, dadaan lang sa kabilang tenga niya ‘yun at mafu-frustrate lang ako. Nakakainis talaga.

Hindi ko talaga alam kung insensitive ba siya o sadyang manhid eh. I mean, ano ba? Halata naman ‘yung nararamdaman ko para sa kanya eh! Nakakainis siya, promise. Ang manhid niya. Ang manhid-manhid! Buwiset!

Hindi kaya kaibigan lang talaga ang turing niya sa akin? Or ginagawa niya lang akong rebound best friend dahil nawala si Mizuki sa kanya? Wait. Rebound Best Friend? Utang na loob, meron bang ganoon!? Pero… leche, wala akong pakialam, basta I have already marked him mine at mapupunta siya sa akin, sa ayaw at sa gusto niya.

Fine, ganito rin ang sinabi ko about kay Ash before. I mean, the  what I want, I get part—sinabi ko ‘yun tungkol kay Ash eh. Pero I did not pursue him. The feeling just faded in a blink of an eye. One moment, gusto ko siya. Then after a while, ayoko na sa kanya.

Ano ba ito? Napaka-amateur ko sa field na ito. Nakaka-frustrate.

“Alam mo bang malapit nang pumutok ang mga ugat sa mukha mo?”

Agad akong lumingon sa tabi ko. “You! Bakit ang tagal mo?”

Ngumisi siya. “Hinihintay mo ako?”

“Oo—siyempre, hindi! Bakit naman kita hihintayin? Pakialam ko ba sa’yo?” umiirap kong sabi.

“O… kay?”

Gigil ko siyang tiningnan. Iyon lang? As in… iyon lang talaga ang sinabi niya!? Nakaka-grr! Ngumuso ako. Kinurot niya ang pisngi ko kaya napakurap naman ako.

“Ang cute ko, ano?” proud kong tanong sa kanya.

“Oo,” sagot niya.

I felt giddy. “Parang manika?”

Tiningnan niya ako. “Hmm? Ba’t manika? ‘Yung teddy bear.”

Nanlaki ang mga mata ko. “T-teddy bear!?”

He nodded innocently. “Uh-oh.”

“I’m not a teddy bear!” Hinampas ko siya. “I hate you, Li Xiao Bai!”

Pinaghahampas ko siya hanggang sa tumayo siya sa kinauupuan niya at tinatakpan ang sarili niya. “Puso mo, Miyuki,” sabi niya.

“Puso? Anong meron sa puso ko? Gago ka!”

Sinipa ko siya sa binti at tinalukuran. I walked-out.

“Bayolente,” narinig kong sabi niya. Aalma na dapat ako noong bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

I blinked. Did he just… hold my hand? Napalunok ako. OMG. Am I getting through him? Mae-excite na dapat ako, pero bigla siyang nagsalita ulit.

“May dalaw ka, ano?” biglang bulong niya. “Hayaan mo, ibibili kita ng maraming napkin.”

Nanlaki ang mga mata ko. “B-bastos!”

Muli ko siyang pinaghahampas, pero nginisian niya lang ako at saka tumakbo papalayo.

Arco Iris (A Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon