Act Twenty One: Aversion Of Confusion

1.7K 51 6
                                    

Act Twenty One: Aversion Of Confusion

~**~**~**~**~

Yuki’s Playground

~**~**~**~**~

“Salamat talaga, Cyan,” sabi ko. “At pasensiya ka na sa abala.”

“Ayos nga lang, Yuki. Ibinilin ni Ryuu eh saka nasa paligid lang naman ako.”

“Okay. Si Ryuu kasi eh, hindi ako sinipot.”

“May importanteng bagay lang daw kasi siyang kailangang gawin kaya ibinilin na lang niyang puntahan kita at tulungan sa mga pinamili mo para sa proyekto ng klase.”

Tumango ako. “Palagi na nga siyang busy eh. Ano bang pinagkakaabalahan ng pinsan mo? Sa pagkakaalam ko kasi, hindi naman ganoon ka-busy sa Student Government ngayon.”

Nagkibit-balikat siya. “Baka ‘yung buddy system.”

Buddy system? Kumunot ang noo ko. Kung buddy system nga, ibig sabihin… kasama niya si Mimi?

Napakagat ako ng labi. Magkasama na naman sila? Palagi na lang silang magkasama. Sobrang unfair talaga. Sobrang unfair. Panira talaga ‘yang buddy system na ‘yan. Sobrang panira. Ang daming sinisira, lalong-lalo na ang oras namin ni Ryuu.

Ayos lang naman sana kung kami ni Ryuu ang ginawa nilang buddies. Kaming dalawa naman talaga ang nababagay na maging buddies eh. Kaming dalawa. Pero saan ako napunta? Doon sa walang modong si Ash. At saan naman siya napunta? Sa walang kuwenta kong pinsan. Sobrang unfair. Sobrang unfair talaga.

“Paano, Yuki, ayos ka na ba rito? Dito ka naman susunduin, ‘di ba?” mahinang tanong ni Cyan noong nakarating kami sa isang bus stop.

Tumango ako at ngumiti. “Oo. Salamat talaga, Cyan.”

“Walang anuman,” sabi niya at saka tumalikod na. Bumalik ulit siya sa daan ng pinanggalingan namin. May nakalimutan siguro?

Ilang minuto na ang nakalipas at wala pa si Toro. Saan kaya nagpunta ‘yun? Tinatawagan ko, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Ilang minuto ulit ang nakalipas at noong sinubukan ko siyang tawagan ulit, sinagot na niya.

“Miss? Pasensiya na po kayo at hindi ko nasagot ang mga tawag niyo. Medyo matatagalan po bago ko kayo masundo. Nagkaproblema po kasi itong sasakyan.”

What!? After making me wait, ito ang sasabihin niya!? Leche. Pero… wala akong magagawa. Sinabi ko na lang na hindi ko na siya hihintayin.

Nakakainis. Why isn’t everything going my way? Paano na ako nito ngayon? Ang bibigat ng mga paper bags na ito. At isa pa, paano ako uuwi?

Ayoko na talagang hintayin si Toro. Bad trip ako sa kanya. Dapat kasi inuna niya muna akong tawagan at sinabihan tungkol doon sa lecheng sasakyan eh.

Sinubukan kong tawagan si Mimi, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Napakawalang kuwenta talaga niya kahit kailan. Useless. Nagkaroon pa siya ng mobile phone, ‘di naman niya ginagamit.

Susuko na dapat ako at hihintayin si Toro noong may bigla akong naalala.

Si Ash. Tama, si Ash.

Magpapasundo ako sa kanya. At hindi niya ako puwedeng tanggihan dahil natalo siya sa pustahan namin.

And he has to do everything and anything I want.

~**~**~**~**~

“What kind of emergency do you have to disturb my game?” iritadong tanong niya.

“Emergency? Exag ka? Hindi naman ‘to emergency,” sagot ko.

“O pala eh. Diyan ka na nga.”

Arco Iris (A Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon