Act Eight: The Cold Guy's Warmth

2.2K 79 2
                                    

Act Eight: The Cold Guy’s Warmth

 ~**~**~**~**~

Melody’s Playground

~**~**~**~**~

“Surprise!” masiglang sabi ko.

Agad napatayo si Cyan mula sa kanyang pagkakaupo sa couch ng leisure room dito sa Arco Iris. “Anong ginagawa mo rito?”

“Binibisita ka!”

“Wala ka bang practice? Training?” iritadong tanong niya.

“Hmm, I skipped my voice lesson just now,” masiglang sabi ko.

“Bakit mo naman ginawa ‘yun?”

“Eh kasi I missed you eh. Why naman kasi hindi ka pumasok sa last subject natin?” nakangusong tanong ko.

“Tinatamad ako.”

“Oh, pish tosh. Hinawaan ka ba ni Mimi ng katamaran?”

“Hindi. Ayoko lang pumasok.”

Muli akong ngumuso. “Fine, forget it. Anyway, here!” Agad kong inilapag ang mga dala kong paper bags sa lamesang nasa harapan namin.

“Ano ‘yan?”

“Food. I’m sorry about the other day. I mean, hindi ko naman alam na allergic ka sa seafoods. So heto, I prepared another one. Don’t worry, favorite mo raw ito sabi ni Ryuu,” sabi ko habang inilalabas ang mga Tupperwares mula sa bag.

Kumunot ang noo niya. “Sinong gumawa?”

“Me, of course!”

“Huh? Hindi ka pumasok sa klase mo para gawin ang mga ito?”

“Yup!” masiglang sabi ko.

Nagulat ako noong inilayo niya sa kanya ang mga Tupperwares. “Huwag mo nang uulitin ‘yun.”

Kumurap ako. “Ang alin?”

Tiningnan niya ako nang malamig. “Don’t skip your classes just to do these useless things.”

“Useless things?” nauutal kong tanong. “Hubby! Naman eh!”

“I’m not kidding,” malamig niyang sabi. “Don’t do this. Don’t chase me anymore.”

“I’m not chasing you. I’m cooking for you,” sabi ko.

“Kaya nga. Huwag ka nang gagawa ng mga bagay para sa akin.”

“Why not? You’re my hubby.”

“I’m not,” he snapped coldly and walked out of the room.

I looked at his back. I sighed. Here I go again. Naiwan na naman akong mag-isa.

Malungkot kong tiningnan ang mga pagkaing niluto ko para sa kanya. Sayang naman. Excited pa man din akong umuwi kanina para ipagluto siya. Kinulit-kulit ko pa si Ryuu para itanong kung ano ang mga paboritong pagkain niya bukod sa mga pagkaing alam kong paborito niya. Pag-uwi ko sa bahay, agad kong ini-search ang recipes ng mga iyon sa internet. Ang hihirap nga eh. Kailangan maayos ang pagkakahiwa sa mga ingredients.

Tiningnan ko ang mga daliri kong puno ng band-aids. Ngumiti ako nang malungkot. ‘Di bale, cute naman ang designs ng mga band-aid. Liligpitin ko na dapat ‘yung mga pagkain kaso bigla akong napa-aray dahil sa burn ko banda sa may palad.

Ouch. Nang dahil kasi sa sobrang pagmamadali ko, nahawakan ko ang mainit na takip ng lutuang metal. Nilagyan ko na rin naman ng ice kanina, pero masakit pa rin kasi hindi ko nagamot kaagad. Nagmamadali kasi akong bumalik sa Arco Iris para hanapin si Cyan. At isa pa, baka lumamig na ang mga niluto kong pagkain.

Arco Iris (A Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon