Chapter 8

25 1 2
                                    


(Rin POV)

"Wag ka ng mag alala. Magkaka ayos din kayo ni Aid."

Tch. Siguro nga. Kaso..

"AAAAAAAAAAAAHHHHH!!! Di ako makatulog bwisit."

Namimiss ko si Chrish. Ano kaya ginagawa nun? Nakokonsenya ako na iniwan ko mag isa yun.

Tch. Makababa na nga lang. Nagugutom ako. Di pa pala ako nakain.

"Hmm. Ano kayang laman ng ref nila Dave?"

"Hoy."

"AY PUSANG KINALBO!"

"Ano? Minumura mo ako?"

"Jusko. Ikaw lang pala Dave. Nagulat ako sayo."

"Bakit gising ka pa?"

"Eh kasi.."

"Nagugutom ka no. Para kang pusang naghahalungkat ng basurahan dyan."

"Grabe ka naman. Mukha bang basurahan ref niyo?"

"Hindi. Gawa mo kaya nagmukhang basurahan."

"Bwisit na to. Matutulog na nga ako!"

"Hoy! Matutulog ka na eh gutom ka!"

"Nako! Nawala na gutom ko."

"Sige. Gagawa pa naman sana akong Tuna Pasta."

"Penge!!!"

"Goodnight Rin!"

"Tignan mo kasibaan neto! Penge ako!"

"Tch. Bumaba ka na dito."

"Yun! Sarapan mo luto ha!"

"Bakit may ibang tuna pasta ka na bang natikman maliban sa luto ko?"

"Hmm. Wala pa. Hehehehe."

"Kala ko may kumakalaban na sa ultimate recipe ko eh."

"Yan lang naman alam mong lutuin."

"Ha! Akala mo lang! Nag aaral na kaya ako magluto."

"Talaga lang ha. Naghahanda ka na ba para maging maid ng magiging misis mo?"

"Tangi hindi. Syempre bihira lang naman si Mama dito sa bahay tapos gabi na siya nakaka uwi. Kaya ako nalang nagluluto kesa siya pa. Pagod na siya pag uwi eh."

"WOW! WOW! ASAN SI DAVE?! ILABAS MO SI DAVE!!!"

"Loko! Bestfriend mo ako tapos ginaganyan mo ako. Langhiya ka."

"Kaya nga kita ginaganito kasi mag bestfriend tayo eh."

Nagkwentuhan lang kami habang nagluluto si Dave, buti pa to marunong magluto. Pero ako naman taga hiwa niya ng mga sibuyas at bawang. Hehehehe😁

"Oh. Kumain ka na."

"Wow😍"

"Hanga ka nanaman. Para namang ngayon mo lang matitikman yan."

"Tch. Pasalamat ka nga pinagtya-tyagaan ko pa tong luto mo no."

"Tch. Oo na. Alam kong malayo pa yan sa luto ni Chrish pero wag ka ng ano dyan kung ayaw mong gutumin kita."

"Tch. Namiss ko tuloy bigla si Chrish."

"Wala ka ba talagang balak makipagusap kay Aid?"

From Me To YouWhere stories live. Discover now