Chapter 10

26 1 0
                                    


(Rin POV)

"Rin, mauuna na pala ako umuwi ngayon."

"Ha? Bakit? Ihahatid pa naman sana kita."

"Masama kasi pakiramdam ko eh."

"HA!? Anong nararamdaman mo?!"

"Wala to. Nahihilo lang ako."

"Kahit na! Ihahatid na kita pauwi Chrish!!"

"Ok lang talaga ako. Kaya ko umuwi. Wag ka na mag alala. May practice pa kayo diba?"

"Chrish.."

"Sige na. Iniiwan ka na ni Dave oh."

"Tch. Basta tawagan mo ako pag naka uwi ka na ha!"

"Opo. Sige una na ako."

"Mag ingat ka."

Hmm. Bakit kaya biglang sumama pakiramdam ni Chrish? Tch.

"Oh, si Chrish?"

"Nauna na. Sumama daw bigla pakiramdam niya eh."

"Hmm, kanina ko pa nga napapansin na may iba kay Chrish ngayon."

"Nag aalala nga ako eh."

"Ano bang sabi niya?"

"Nahihilo lang daw siya pero kaya niya daw umuwi."

"Yun naman pala eh. Wag ka na mag alala. Pag sinabi ni Chrish na wag ka ng mag alala maniwala ka."

"Eh. Kahit na, hindi ako makampante eh."

"Para kang sira. Ano aabsent ka sa practice."

"Tch. Pwede ba?"

"Gusto mong masermunan?"

"Eh.."

"Ano? Ikaw din. Mamaya magalit pa sayo si Chrish."

"Tch. Oo na nga! Pero pag may nangyari kay Chrish tatadyakan talaga kita!"

"Aba! Bakit ako tatadyakan mo!?"

"Eh ikaw may sabi na hayaan ko na eh!"

"Tch. Oo na sige na. Tara na. Male-late na tayo sa practice."

May tiwala naman ako kay Chrish kaya sige na nga. Magfo-focus na muna ako sa training. Mamaya mapag initan pa ako.

Nakakatakot pa naman yung VP namin pag nagagalit. Sana si Ian ang makahuli samin kung sakaling late na kami ni Dave.

"COLLINS! JUNG! YOUR 15 MINS. LATE!"

"Ah! Eh.. Hehehe😅😅"

"So!? What's you're reason!? Lagi nalang ba kayong dalawa male-late?! Kung may date kayo sana ipagpa- ibang araw niyo nalang! Hindi yung pag may practice!!"

"HA!!?? H-HINDI KAMI NAGDE-DATE NO!!"

"Oo nga. Ito si Rin? At ako?! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!"

Ay. Grabe naman to si Dave. Ganun ba sobrang nakakatawa yung idea na magka-date kaming dalawa? 😐

"O-oo nga. Bakit naman ako makikipag date sa siraulong to. Eh patay na patay to kay Sa----HMMMMMMPPPP!!!!"

"HAHAHAHAHA! Practice na tayo!!"

"Oh. Dave, Rin. Andito na pala kayo."

"PRES!!"

From Me To YouWhere stories live. Discover now