Chapter III - (3/3)

17.9K 166 4
                                    

Chapter III - Hello Subic! Part 3

Ilang oras na din ang nakakalipas, pero ni anino ni Yosef wala pa kong nakikita. Hays! Malaki talaga ang subic, baka di sya dito nag check in.

Di gaanong malamig ngayon, so nag decide akong mag swimming na lang muna. Tutal, iilan ang tao nandito. Inalis ko yung pang doble ko, so bale naka swimsuit na lang ako. Nagdalawang-isip pa ko kung huhubarin ko pa ba o di na, pero sige na. Gabi naman na. Hehe

Dahan-dahan akong pumunta sa tubig dahil baka malamig pala, pero di naman pala gaano, kaya nagbasa na ko ng tuluyan. Pero di ako lumayo, naiwan lang phone ko tsaka pang doble ko dun sa bench eh. Baka may kumuha. Haha!

Ilang minuto rin akong nag relax sa tubig. Napapapikit pa nga ko sa sarap ng pagbabad ko.

Nagulat na lang ako ng biglang ....

Sht.


Ohmygod.


Fvck.


"Sht! Ahhh, aray!" Bigla akong namilipit sa sakit dahil sa pulikat, nasa may hanggang dibdib pa man din ako at medyo malayo sa buhangin.

"A-Aray! T-Tulong?!" Unti-unti akong umaahon pero di ko na nakayanan kaya napasubsob na ko sa tubig, sht. Feeling ko malulunod na ko.

"Tulong! Asdfghk. Help! Aray asdfghjk." Nalulubog n ko sa tubig. Sht! Mommy help! Naiiyak na din ako, feeling ko walang tutulong.

Pilit kong inaayos yung sarili ko para mawala yung sakit, pero lalo lang lumalala.

Nagulat na lang ako ng biglang may bumuhat sa'kin. Bridal style.

"Miss, ayos ka lang?"

Namimilipit ako sa sakit ng tumingin ako sa kanya.

Nang makita ko ang mukha nya dahil nasinagan sya ng liwanag, parang pati buong katawan ko, nanigas at di makagalaw.

Oh my, holy sht!

"Miss, are you okay? Anong nangyari?" Tanong ulit nya, at dun lang bumalik ang katawan ko sa wisyo at yung sakit nung pulikat ko.

"Ah, a-ano kasi, pinulikat a-ako." Sabi ko naman sa kanya, naibaba naman nya ko sa bench kung saan nandun ang gamit ko. "S-Salamat. Ahhh aray!" Naramdaman ko na naman kasi ang sakit.

Nagulat ako ng bigla syang lumuhod at kinuha yung paa ko at di ko alam ang tawag pero para mawala yung pulikat, yun ang ginawa nya.

Di ko naman maiwasan na di mapatitig sa kanya.

Ang gwapo...

Ang hot...

Ang lakas ng dating...

Ang bait pa...

Lord, thank you po!

"Miss? Masakit pa ba?" Di ko namalayan na tapos na pala sya sa pag gamot sa paa ko. Sht! Nakakahiya.

"A-Ah, hindi na. S-Salamat."

"Ayos ka lang ba?" Tanong nya pa.

"Ah, oo! Ayos na ko. Thank you talaga, b-buti na lang dumating ka." Bigla naman sya nag smile sa sinabi ko. Syet! Ang gwapo!

"Wala yun, sa susunod. Wag ka mag swimming mag-isa lalo na kapag sa medyo malalim na." Sabi nya at nag smile ulit.

Nag nod lang ako bilang tugod. Jusmiyo! Baka mahimatay na ko kapag kinausap ko pa sya.

"Ahm, by the way, I'm Sieven." Sabi nya sabay lahad ng kamay, "And you are?"

Weird ng pangalan nya, number. Hehe! Nahihiya man ay nakipag kamay ako sa kanya.

"Jeya na lang."

"Cute mo na nga, cute pa ng pangalan mo." Sabi nya na dahilan para mag init ang mukha ko. Buti na lang gabi na. Di na halata mga bes!

"Hehe! Bolera ka din noh, pito." Sht. Umasta na naman pagiging makalokohan ko. Haha! Ganun kasi ako sa mga kaibigan kong weird ang name, tagalog tinatawag ko.

"Haha! Cute mo talaga." Tumawa sya sa tinawag ko sa kanya. Luuuh! "Ah, sige ah. Una na ko. Pasok ka na sa loob, wag ka na mag swimming, baka bumalik pulikat mo. Wala na pa naman ako para iligtas ka." Sabi nya at kitang kita ko yung pag kindat nya. Ohmygash! Kinilig akoooo.

Pagkaalis ni Sieven, nagpalipas pa ko ng ilang minuto sa bench bago pumasok.

Nadatnan ko naman si Yaya na di mapakali kakalakad.

"Ya, ayos lang po kayo?" Sabi ko dahilan ng pag lingon nya sa'kin.

"Juskong bata ka! Saan ka ba nagpunta, nag alala ako sayo."

"Ah, sorry 'ya. Nag swimming lang po. Hehe!"

"Hay nako! Sa susunod, magpapaalam ka ah. Pinag alala mo ko."

"Sorry po, 'ya. Di na mauulit. Hehe"

"Mabuti naman, osya magbihis ka na at baka sipunin ka na."

Pagkasabi non ni Yaya ay nagpalit na din ako.

Hayyyy! Di ko man nakita si Yosef, may isang gwapo naman akong nakilala. Hihi

Pipikit na sana ako ng biglang nag vibrate ang phone ko. May nagtext.

From: Unknown Number
Hi baby, see you tomorrow. ;)

Luh? Paanong see you tomorrow?

Nireplyan ko naman sya agad.

To: Unknown Number
Talaga lang ah? As if makikita mo ko. :P

From: Unknown Number
Wait ka lang baby, mapapaligaya din kita. :*

Aba gago talaga! Pakaberde ng utak ng isang to.

Wew nemen! Hiyang hiya sya sayo, Jeya. Hahaha

To: Unknown Number
Dream on. :P

From: Unknown Number
Dream of me, baby. ;*

Di na ko nagreply sa kanya, nakaramdam na din kasi ako ng antok.

- - -

"Jeya, anak, bangon na. Kakain na tayo." Nagising ako dahil sa pagtapik ni Yaya sa balikat ko. Umaga na pala. Napasarap ang tulog ko.

"Sige 'Ya, susunod po ako."

Agad naman umalis si Yaya, ako naman ay nag ayos na at naghilamos.

Sumilip ako sa veranda, ang aliwalas ng umaga. Hmmm! Parang masarap maglibot ngayon ah.

Agad naman akong kumain at naligo na.

"Nak, aga kang maliligo sa dagat?" tanong naman ni Yaya ng makita akong bihis na. Naka short lang kasi ako tsaka fitted na sando. Pero syempre, di mawawala yung salamin ko. Kagabi, kaya nahirapan din ako umahon nung pinulikat ako, naiwan ko salamin ko at syempre di naman pwede mag salamin habang nag swimming diba. Hehe

"Uh, hindi pa po. Maglilibot lang ako ya, gusto nyo po sumama?"

"Ay nako, di na anak. Rito na lamang ako." nagsmile na lang ako bilang tugon.

Pagkatapos ko mag ayos ay kinuha ko na yung bag ko, sling bag lang sya, laman ay wallet, phone at monopod. Syempre, picture picture. Hihi pang Instagram lang. Hehe

"Ya, labas na po ako. Magtext na lang po ako mamaya kung sakali po."

"Sige anak, mag-iingat ka. Wag ka kung saan saan pupunta. Wag ka sasama sa mga lalaking alam mo na. Ha?" bilin naman ni Yaya.

"Opo Ya. Bye po."

Tuluyan na kong lumabas ng hotel at nagsimulang maglibot.

Ang ganda talaga ng umaga.

The Horny NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon