Chapter V

15.2K 159 13
                                    

Chapter V - Bar

Tatlong oras na nakakalipas mula ng magtext si Sieven, di pa rin ako mapakali at di pa din ako nagrereply sa kanya.

"Kakayanin mo bang makasama si Yosef?" bulong ko pero mukhang narinig ni Yaya.

"Nak, ayos ka lang ba? May problema ka ba?" napatingin naman ako sa kanya.

"Ah, Yaya, pwede ba kong gumimik mamaya?" gimik talaga Jeya?

"Aba, eh sino naman makakasama mo? Wag mong sabihing isasama mo ko, naku magtigil ka dyan." Okay na Ya eh, kaso nakakaloka naman na ikaw isasama ko. Hahaha

"Haha, Yaya di po. Ahm, may kasama po ako. Nakilala ko po sya kagabi, tinulungan nya ko nung muntik na kong malu---." napatigil ako sa pagsasalita dahil biglang napatayo sa pagkakahiga si Yaya.

"Ano kamong sabi mo? Nalunod ka? Juskong bata ka. Umuwi na lang tayo. Baka mapahamak ka lang dito." aakma syang aayusin na yung mga gamit ng pigilan ko sya.

"Yaaaa! Kalma po, pinulikat kasi ako kaya muntik lang malunod. Muntik lang po." Sabi ko tsaka nagsmile sa kanya.

"Nako Jeya ha! Kapag ikaw napahamak, lagot tayong dalawa sa mommy mo." Hayyyy

"So, pinapayagan mo na ko Ya?"

"Eh kung sasaya ka dyan, osige. Pero nak, wag kang masyado magpapagabi ha. Tsaka wag kang iinom, tsaka wag ka magpapahawak sa mga lalaki. Nakooo matitinggo talaga kita!" Natawa naman ako sa sinabi nya. Grabe!!!

"Opo Ya. Promise! Hehe. Thank youuuuuu!!!!" Sabi ko sa kanya tsaka siya niyakap.

Bigla ko namana naisip ulit na makakasama ko si Yosef.

Dub... Dub... Dub... Dub...

Kinikilig na ko isipin ko pa lang na makakalapit at makakausap ko siya. Fcksht.

Isang oras pa ang lumipas bago ko naisipan magrepky kay Sieven.

To: Sieven
Siev, sama na ko mamaya. :)

Di naman nagtagal ay nagreply siya. Naks, ang bilis ah.

From: Sieven
Yes!!! See you later princess, at 6pm.

WTF. Bigla akong kinilig nung nabasa ko yung princess. Feeling ko ako sa Rafunzel. ASDFGHJKL

To: Sieven
Okay. Just text me if aalis na :)

Time check 4:30pm. May isang oras pa ko para mag ayos. Mag ayos talaga Jeya? Date lang? Haha.

Pumili ako ng damit na medyo comfortable ako.

Jeans. White Sleeveless. Converse. At syempre, yung salamin ko.

Di rin naman nagtagal ay nagtect na si Sieven na aalis na sya at hinihintay na nya ko sa baba. Kaya agad akong bumaba para puntahan sya.

"Siev!" tawag ko sa kanya ng makita ko sya.

"Nandyan ka na pala Jeya, let's go?" nag nod lang ako bilang sagot sa kanya.

Naglalakad na kami ng maisip kong di palabkami gagamit ng kptse. Hahaha

"Ah, Siev maglalakad lang tayo?"

"Ah, Yah! Malapit lang naman yung lugar na napili ni Yosef. Don't worry, di ka mapapagod." Sabi nya tsaka sya nag smile. Nag smile na din lang ako bilang sagot.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na din kami sa isang bar na sinasabi ni Siev na napili daw ni Yosef. Infair, mukhang sosyal yung bar na to.

"Sup Bro!" Ang bilis naman ng mata ni Sieven, nakita nya agad si Yosef.

"Sup. Buti nakadating ka." Sabi ni Yosef na may katabing babae, hmp. Bigla naman syang napatingin sa gawi ko. "Oh, kasama mo pala si Nerd." muntik ko ng samaan ng tingin si Yosef, buti naalala kong crush ko sya. Hmp! Siniko naman sya ni Sieven. Buti pa sya.

"Ah, Oo pare. Para naman ma-experience nya yung ganito. Diba Jeya?" this time sinamaan ko ng tingin si Siev. Tumawa naman ang gago. Hmp

"Joke lang. Eto naman." Sabi ni Siev tsaka umakbay sa'kin. Huuuuuy! Wag kang ganyan.

"Order na tayo pare??!" order ng pagkain? Yey! Gugutom na ko e.

"Yah, sure." biglan naman pinaalis ni Yosef yung babaeng katabi nya, tas ako, pinaupo ni Sieven kalapit ni Yosef pero kalapit din nya ko, gets nyo ba? Basta, pinagpala ako dahil katabi ko dalawang gwapo. Juskolord!!

"Ahm, dude. Ilang araw ka pala dito? Tanong ni Sieven kay Yosef.

"Halos 2 days na din, eh ikaw Jeya?" nagulat naman ako ng tanungin ako Ni Yosef. OHMYGOD.

"Huh? A-h! Ah Ano, mga ganun din. Hehe" Huy Jeya umayos ka nga!

"Are you okay? Bat parang natetense ka? Haha." tanong ulit nya. Putcha!

"Ah wala, medyo mainit lang. Hehe" Sht.

Nagulat naman ako nung bumulong sya sa'kin, di naman din yun napansin ni Sieven dahil may tinetext yata sya.

"Gusto mo magpainit tayo?"

Dahil sa sinabi nya ay napalingon ako sa kanya at tangina mga bes, konti na lang. Konting konti na lang, magdidikit na labi namin. Naamoy ko din yung hininga nya, Amoy alak na. Nakainom na pala kasi sya kaya kung anu-ano na sinasabi. Di ko na lang sya pinansin pa. Pero pakingteyp! Kinikilig yung kalamnan ko.

Bigla naman dumating yung order nila, oo nila di naman kasi ako umorder eh. Nagulat ako dahil panay alak yon. Shit! Anong gagawin ko dito? Di ako pwedeng uminom.

"Inom na tayo." Sabi ni Yosef at kumuha na agad ng isang bote ng alak at ininom. Grabe lakas!

"Siev, wala ba sina Charles?" tanong nya pa. Sino yun?

"Wala dude, nagpunta silang baguio kahapon ng girlfriend nya. Alam mo naman yun, naging stick-to-one na." So chickboy din si Siev?

"Ang corny puta." Bigla naman akong natawa sa sinabi ni Yosef. Lasing yata talaga 'to.

Uminom na din si Sieven, okay. Pumunta yata ako dito para lang panuorin sila. Kwentuhan sila ng kwentuhan habang ako nakikinig lang at kumakain ng nachos. Buti umorder si Sieven nito. Yum yum!

"So kamusta ang sex life mo?" nasamid naman ako sa tanong ni Yosef kay Soeven. Puta napaka direct to the point talaga ng taong to.

"Ayos ka lang Je?" Tanong ni Siev. Nag nod lang ako bilang sagot. Hayep na yan

"Pare, dahan dahan sa words nagugulat si Jeya. Haha tsaka Ano ka ba, bagong buhay na ko noh. Wala na kong ganun." So dati meron? OHMYGOSH NAKAKALOKA!

"Sus, ang hina mo naman pre. Ang sarap kaya ng buhay pag may ganun." Sabi ni Yosef at uminom ulit sya ng alak. "Eh ikaw Jeya, Virgin ka pa ba?" mas nasamid ako sa sinabi nya. Putanginakapo. Ayoko na!

"Hahaha. Mukhang virgin ka pa nga." Sabi pa nya. Binigyan naman ako ni Sieven ng tubig. Huhu namoka Yosef.

"Sef, dahan dahan sabi e. Haha! Okay ka lang Jeya?" nagnod na lang ulit ako.

"Yah, ahm CR lang ako. Saan ba CR dito?" nagsorry naman din Si Yosef bago ako pumunta sa CR. Then tinuro nya kung saan nga ito.

Pagdating ko sa CR, medyo nag ayos lang ako at nagpahimasmas ng awra. Naloloka talaga ako kay Yosef.

Palabas na ko ng CR ng mag ring phone ko.

Unknown number is calling...

- - - -
Hi guys! Sorry pala kahapon, di ako nakapag update. Busy kasi talaga and yung update ko ngayon, di ko alam kung maganda ba o hindi. Hehe! Sana magustuhan niyo. Promise babawi ako after ng school year. Thankyou guys 💕

The Horny NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon