Chapter VII

19.9K 439 225
                                    

Chapter VII - Feel the Moments

Pabalik na kami ni Yosef sa Hotel na tinutuluyan namin ni Yaya ng magyaya siya na magpalamig muna sa dalampasigan. Aarte pa ba ko? Syempre di na, moment with crush na to kaya pumayag na ko.

Bumili din sya ng pwede naming kainin, nagutom siguro sya.

Nakasunod lang ako sa kanya dahil di ko naman alam kung saan kami pupunta.

Naghanap siya ng pwede at maayos na lugar na pag uupuan namin. Mabuti at iilan lang ang mga tao.

"Kailan ka pa dito?" napatingin ako sa kanya ng mag salita sya.

"Huh? Ah nung Sunday pa. Ikaw?" kunwari di ko alam, syempre para di nya isipin na Stalker nya ako at para di naman ako magmukhang boring sa kanya. Kahit boring ka naman talaga Jeya -_-

"Nung Sunday lang din. Sinong kasama mo?" tanong nya. Madaldal din talaga sya.

"Yung Yaya ko lang. Pero uuwi na yata sya bukas. Hinatid nya lang talaga ako. Hehe" Sabi ko, nag nod lang naman sya tsaka kumain ulit.

"Ahm, Yosef?" nag hmm lang sya bilang tugon.

"Ah, w-wala. Hehe" Sht. Ano nga ba sasabihin ko?

"Hmm. Ano nga?" Sabi nya tsaka tumingin sakin. "Gusto mo?" Pag aalok pa nya ng kinakain nya. Kumuha naman ako tsaka nagsalita...

"May girlfriend ka?" bat ba. Gusto ko lang maman malaman e. Sabagay, di naman na bago kung may girlfriend sya. Hayyy Jeya. Bat ba tinanong mo pa.

"Girlfriend? Wala. Pero chix madami." Okay. Sabi ko nga playboy sya. Di na lang ako sumagot. "Ikaw? May boyfriend ka?" napatingin ako sa kanya na nakatingin pala sa'kin.

"Huh? Ako? Wala noh."

"Di naman nakakapagtaka." Aba gago to ah! Hmp. Sinamaan ko sya ng tingin. Natawa naman sya. "Joke lang."

Kumain lang kami ng kumain. Medyo lumalalim na din ang gabi. Yayayain ko na sana sya ng magsalita siya ulit.

"Aalis na Yaya mo bukas diba?" Huh? Ano naman paki nya?

"Oo, bakit?" pagtataka ko pa.

"Wala lang, naisip ko lang wala ka ng kasama sa room pag nagkataon." and?

"Yep. Sanay naman akong mag-isa eh." napatingin na naman sya. Napapadalas ang pagtingin nya sa'kin ah, baka masanay ako nyan. Ayyy Lande Jeya!

"Hugot ba yan? Haha" Luh tumawa sya? Omg. Napatawa ko na naman sya.

"Haha, hindi naman. Pero seryoso sanay akong mag-isa. Madalas sa bahay mag-isa lang din ako."

"Nasaan mommy mo? Tsaka daddy mo? May kapatid ka ba?" bat ba ang daldal ng lalaking to?

"Chismoso ka din noh? Haha." nag pout sya. Shit! Naalala ko tuloy yung kiss. Nakahawak naman ako sa labi ko.

"Uy, may naalala sya." pang-aasar nya. Shit shit. Feeling ko namumula na ko.

"Hahaha. You're so cute! First kiss mo ba?" Ganito pala sya kasama, makulit, madaldal.

Napatungo naman ako sa sinabi nya, nakakahiya pala kapag crush mo yung nang aasar sayo.

"So, first kiss mo nga ko? Swerte ko pala." napatingin naman ako sa kanya. "I mean, ikaw yung maswerte kasi ako first kiss mo." Oo, sobrang swerte ko na ikaw nakakuha ng first kiss ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Horny NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon