Chapter VI

14.2K 166 20
                                    

Chapter VI - Kiss 💋

Unknown number is calling...

Nagulat naman ako ng mabasa ko kung sino yung tumatawag, Himala! Ngayon lang yata ulit sya tumawag.

Oh my god. Diba sabi nya hahanapin nya ko? Di kaya... Nandito sya sa bar?

Sht.

Sasagutin ko ba? Hala teka lang.

Bumalik ako sa loob ng CR tsaka sinagot yung tawag.

"Tagal mo naman sagutin baby."

"Uh, hehe. Wala man lang talagang 'Hello?"

"Sus, di na kailangan."

"Okay. S-So bakit ka tumawag?" medyo naital pa ko shit. Natetense ako ano ba!!

"Namimiss ko kasi boses mo tsaka yung..  Alam mo na. Pwede--" Sabi nya sa mapang-akit na boses. Sht! Kaya pinutol ko na agad sinasabi nya.

"No! Hindi pwede."

"Eto naman. Di pa nga ko tapos magsalita e. Sige na baby pleeeeeease?!"  Sabi nya pa na halata mong lasing na. Teka, bat parang maingay nga? Di kaya nandito talaga to sa bar? Pwede ding ibang bar. Sana iba na lang.

"Ayoko, tsaka nasa bar ako. Hindi pwede. Tsaka ano..."

"Ano?" tanong naman nya agad.

"Ano... Maingay! Di mo maririnig. Hehe" Luh Jeya Ano yun! So gusto mo din? -____-"

"Nasa bar ka? Saang bar puntahan kita..." nanlaki naman mata ko sa sinabi nya. Seryoso sya?

"Huh? Ano, wag na. Tsaka di ko alam kung anong bar to. Sinama lang ako ng kaibigan ko. Sige na, bye na." pagkasabi ko nun pinatay ko na yung tawag. Baka kasi maalaman pa nya kung nasaan ako.

Di rin nagtagal ay bumalik na ko sa pwesto namin kanina, pero ang nandoon lang ay si Sieven.

"Nasaan si Yosef?" tanong ko kay Sieven.

"Nasa dance floor kanina yun e. Di ko na alam kung saan nagpunta." Sabi ni Sieven na mukhang may tama na.

"Okay, ahm. Ano oras tayo uuwi?" Sabi ko kasi kay Yaya, di ako papagabi.

"Maya maya Je, inom muna tayo." Sabi nya tsaka nag abot ng isang baso ng alak. Nung una tumanggi pa ko, dahil di naman talaga ako umiinom. "Sige na Jeya, Isa lang." Sabi pa nya. Sino bamg makakatanggi sa gwapong to? Huhu

"Sige na nga. Pero isa lang ah."Sabi nya tsaka nag nod. Diretso kong ininom yung alak at putcha! Ganun pala lasa non. Halos gusto kong isuka dahil sa sama ng lasa. Hayep!

"Hahaha. First time mo ba?" Sabi ni Sieve kaya nag nod ako. "Kaya pala."

Di rin nagtagal ay bumalik na si Yosef.

"Nerd, sayaw tayo!" nagulat ako sa sinabi nya kaya nakatingin lang ako sa kanya. Shit isasayaw daw ako ng crush ko!? "Huy Jeya sayaw tayo!!!" Di pa man ako nakakasagot ay hinila na nya ko sa dance floor. "Pre, sayaw lang kami ah." Sabi pa jya kay Soeven. Okay! Di po ako dancer. Paano na 'to?

Naisipan kong bumulong kay Yosef dahil medyo malakas yung tugtog at alam kong mahihirapan syang marinig ako.

"Yosef, di kasi ako marunong sumayaw. Paano ba? Hehe!" pagkasabi ko nun ay tumingin sya sakin na tila di makapaniwala, pero biglang bumaba ang tingin nya sa labi ko. Oshit. Teka baka namalikmata lang ako.

Nagulat naman ako ng bigla nyang hawakan ang bewang ko at hinila palapit sa kanya. Hala shit. Ang lapit namin sa isa't isa.

"Alam mo nerd, maganda ka pala sa malapitan." Sabi nya. Ohmygosh. "Pero wala kang talent, pagsayaw lang di mo alam." aray naman. Okay na eh! Sabay ganun. Hmp!

"Ganito lang, tumingin ka sa paligid mo. Gayahin mo sila. Ikembot mo lang mga bewang at balakang mo. Sexy dance baby." Sht. Yung last na sinabi nya, para akong nakuryente.

At dahil nakahawak sya sa bewang ko, di ko namalayan na sumasayaw na pala sya at nadadala na nya ko.

"Yan ganyan nga." bulong nya. Sht. May iba kong nararamdaman.

Untin unti na nga kaming sumasayaw, sexy dance daw tawag dun sabi nya.

"Nerd..." tawag nya kaya napatingin ako sa kanya. At sa pagharap kong yun nagulat na lang ako sa ginawa nya....

O________O

He kissed me.

He kissed me.

He kissed me.

He kissed me.

OH MY GOD. HE FUCKING KISSED ME!!!!!!! I'M GONNA DIE!!! FIRST KISS KO NAKUHA NI CRUSH. OMG!!!

Hanggang ngayon ay nakalapat ang labi nya sa labi ko. Di ko alam kung anong dapat gawin, or kung anong dapat ikilos.

Naramdaman kong  mas hinapit nya ko sa kanya at gumalaw din yung halik nya. Shit. Di rin ako marunong humalik. -___-"

Di nagtagal ay bumitaw sya sa halik.

"Ano ba yan, pati ba sa paghalik di ka marunong?" napatungo na lang ako. Ano ba yan, Jeya! Nakaka disappoint ka naman eh. Ayun na oh, kahalikan mo na si Crush. "Tara na nga dun, inom na lang tayo." Yaya nya at hinila na nga ako. Huhu bat ganun! Sayang naman.

Pagbalik naman namin sa table ay may kausap ng babae si Sieven. Aba! Chickboy din talaga ah.

"Oh pre, kamusta sayaw? Jeya nag enjoy ka?" sasagot pa sana ako ng magsalita si Yosef.

"Sobrang nag enjoy ako dude. Sobra!" Sabi nya na alam mong sarcastic. Hmp!

Kumuha na lang ako ng isang bote ng alak tsaka ininom yun. Gusto ko makalimutan yung nnagyari, nakakahiya. Sabi nila lakas makapagpalimot ng alak e.

Ilang oras pa ang nakalipas ng makaramdam ako ng hilo.

"Sieve, u-uwi na ko. Na-nahihilo na ko eh." Sabi ko sa kanya pero parang wala syang narinig dahil nakapikit na siyang nakasandal sa babae nya. "Sheeeev! Uwi na koooo." lasing na yata ako at tulog na yata 'tong kasama ko. Paktay ako neto kay Yaya.

"Tara na Jeya, hatid na kita." napatingin naman ako kay Yosef. "Hatid na kita, mukhang tulog na si Sieven eh. Kanila naman 'tong bar so sila na bahala sa kanya." kina Sieven pala to? Nag nod na lang ako dahil wala naman ng maghahatid sakin.

Nag ayos na kaming dalawa ni Yosef, naibilin din nya si Sieven sa mga namamahal ng bar bago kami tuluyang umalis doon at bumalik aa hotel.

- - - -
Medyo walang kwentang update. Hehe! Babawi na lang ako next update. Thankyou guys :)))

The Horny NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon