🔹Chapter 2 - Bully King🔹

3.1K 88 7
                                    

Keisha's POV

"Sinong number 18?" Tanong ng teacher namin. Omy sino kaya?

"Teacher, me." S-sean? Putangna ilayo niyo ko rito!

Lahat ay busy sa pagsstalk or I must say pagkukuha ng information sa nabunot nila. Nahihiya akong kausapin ang lalaking 'to.

"Ano?! Magtatanong ka ba o hindi? Para alam ko kung nagsasayang lang ako ng oras ko?" Grabe lang, grabe lang.

"Okay na sige na! Hobbies?" Hindi siya nagtagal na mag-isip... "Bullying.." Agad na sabi nito. Wow, ang ganda nung sagot.

"Pero baka magalit si Ma'am, Takraw player ako. So ang hobby ko ay maglaro mg sepak. " magaling pala 'to magsepak! Pareho sila ng magaling kong kuya. -,-

"Okay okay nickname." At agad naman itong sumagot. "Pogi." Sabay kindat. Bwisit to ah!

"Excuse me, are you kidding me?"

"HAHAHAHA. Joke lang, wala akong nickname. Sean kung Sean." Sagot naman nito. Hays. Dapat ganyan! Ang ayos ng pagtatanong ko tas gaganyan-ganyan ang sagot mo.

"Pinakaayaw?" Hays, salamat huli na ito.

"Una ang pinakaayaw ko sa lahat..." Huminto muna siya at tumingin dun sa lalaki sa likod. "Yung ginagaya ako being bullier at inaangatan ako." Nilakasan niya yun para siguro marinig nung nasa likod. Ano bang problema niya?

"Pangalawa, pinakaayaw ko yung mang-aagaw." Sabay lingon si Raivenz dahil sa narinig niya. "Uy dre joke lang yung kanina HAHAHA!" Tugon naman ni Raivenz.

"Pangatlo, ayaw kong sinasayang ang oras ko dahil sa walang kwentang tanong mo. Get out of my sight!" Feeling Hari bwisit ah?

"Hoy mawalang-galang na! Hindi purke ikaw daw yung HARI nila dito ay ibig sabihin pagsisilbihan kita? Nako nagkakamali ka!" Sagot ko dito.

"Aish, wag ka ng pakipot! Admit it isa ka rin sa mga fangirls ko. Na nagkakandarapa dahil sa 'kin." Wow, ang hangin mong mokong ka!

"For your f*cking information, hindi ako tulad ng mga fangirls mo. Hindi ako bulag." At agad namang sumagot ito, "What fucking ever." At umalis na.

"First time atang may hindi nagkagusto sa 'yo?" Pang-aasar ni Jermaine sa kanya. Ngayon ko lang 'to narinig magsalita. Silent type daw kasi.

"Hay nako Jermaine, pakipot lang yan." Ako pakipot? In your dreams punyatetara ka!

"Make sure, brotha." Maikling sabi ni Jermaine.

~~

Recess na. Papunta na ako sa canteen at nakita ko na may teritoryo ang tatlong magkakaibigan na 'yon. Kasama rin don si Danielle.

"Isusunod naman nating bubully-hin yang babaeng yan." Bulong yon ni Sean pero sinadya niya talagang marinig ko yon. Para siguro takutin ako. As if namang matatakot ako sa bully king nila.

Inirapan ko lang siya at nginisian niya ako.

Pagkabili ko ng pagkain, tinext ko si Meryll kung asan sila. Andito rin daw sila sa Canteen. Nakita ko sila dahil tinaas nila yung kamay nila.

"Ikaw na ang puntirya ng Bully King ah." Tugon ni Kath. Hays, bully-hin man nila ako hindi ako matatamaan.

"Kailangang matuto ng leksyon yang lalaking yan." Sagot naman ni Meryll. Naalala ko tuloy nung sa dating school namin, sumikat siya dahil nabago niya ang isang lalaking basagulero.

Pagkatapos ng recess pumasok na lahat sa designated room.

Oh, our Music Teacher. Sir Peter Alvarez. Nakalagay sa name tag eh.

"Hi class, by the way I'm Sir Peter Alvarez, your Music Teacher..." Anong silbi nung name tag niya eh sasabihin lang din niya yung pangalan niya? Tsk

"Since it's our orientation now, I want you to sing in front, and that will be your performance task." Unang araw palang performance task na agad?

Kumanta na yung unahan. Sabagay maganda din yung kanta niya, pero chorus lang kasi baka maubusan ng time. Your love ang kinanta niya.

Nang makarating kay Ruwann...

"Uri sarangeun buljangnan! Oh oh oh oh, my love is on fire, oh! Now burn baby burn buljangnan!" Playing with Fire by Blackpink. Habang kumakanta siya ay sinasabayan ko siya pero pabulong lang.

Dumating naman kay Analy...

"Nu pi ttam nunmul, no majimak chumeul da, gadyeo gaaa~!" Kpop in your areaa!

Dumating kay Meryll, kinanta niya naman ang born for you, ampotekk ang ganda talaga ng boses niya!

Habang kumakanta si Meryll ay tanong ng tanong 'tong si Kath kung anong magandang kantahin. Aba malay ko ba.

"Boy in Luv nalang kaya?" Tugon ko dito. Tumango naman siya.

Dumating na kay Kath, woo, malapit na ko!

"Kkwak jabanal deop chigijeone! Ni mami neol no chigijeone! Say what you want, say what you want, niga jjinjaro wonhaneun ge mwoyaaa!" Kpop overload talaga!

Omaygad, ako na. Huhu.

Naglalakad na ko papunta ng harap ng biglang...

Who own that f*cking paper? May nambato sakin ng papel! At mismong sa ulo pa!

"Ah!" Sigaw ko dahil sa sakit. Hindi ko alam kung sino ang may gawa nun.

"Any problem Ms. Reyes?" Makita ko talaga kung sino yung nambato humanda sa 'kin!

"Nothing Sir."

Hindi na lang ako kumanta. Kahit PT pa yan.

-
Uwian. Magkaiba kami ng bahay ng ma kaibigan ko kaya naghiwa-hiwalay na kami ng dadaanan. Mag-isa ko nalang tuloy.

Habang naglalakad ako, nakakita ako ng black na kotse. Sumasabay ito sa paglalakad ko.

Kumaripas ako ng takbo at ganon din ito at anak ng p*ta. Natalsikan ng putik yung damit ko dahil dumaan siya sa naipong tubig sa daan dahil sa ulan kagabi.

Bumaba ang taong nasa loob. At kingina, tama ang hinala ko.

"Hindi ka pa rin talaga magbabago." Sagot ko dito. Nakasandal lang siya sa harap ng kotse niya.

"Kung hindi ka lang kasi tatanga-tangang bumangga sa 'kin..." Nakangisi pa ito. "edi hindi mo to mararanasan. Aminin mo na kasi na gusto mo ako." Gusto ba talagang masapak netong si Sean?

"Ilang beses ko ba sasabihin WALA AKONG GUSTO SAYO? Ba't mo ba ako pinipilit? O ikaw ang may gusto sa 'kin?" Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yon. Natawa nalang tuloy ako sa aking isip.

"Excuse me, Ms. IDon'tCareWhoYouAre ako? Ako ba? Stop dreaming gal! May girlfriend na 'ko." Putangna natatawa na lang talaga ako.

Kumaripas nalang ako ng takbo. Since nagdidilim na, dumaan na lang ako sa shortcut. Shete, nakakatakot sa shortcut na to.

May narinig akong ingay mula sa likod ko. Paglingon ko, itim na pusa lang pala. Creepy.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang kumakalabog ang tibok ng puso ko. Maya-maya ay may nakabangga sa 'king lasing.

"Hey Ms. Byutipol!" Sabi niya sa 'kin at sabay sumipol. Nakakatakot. Hindi niya rin alam mag-accent, at napaghahalataang lasing.

"Alam mo, walang silbi ang ganda mo kung hindi ka dadapo sa 'kin." Sabay kindat. Manyak ang lalaking 'to, napakamanyak.

Sinampal ko ito. Ngunit ngumisi pa ito sa 'kin, wtf. He unbuttoned my first button. Sumigaw ako para sa tulong. Nawawalan na ako ng pag-asa dahil mukhang walang taong makakarinig sa 'kin.

"Tangina mo! Bitawan mo siya, manyak!"

Huh?

--------------------

Ang ganda ko, char! Sino kaya yong nagligtas kay Keisha? Next update will be on, next week maybe? 

-BlackTreasure💘✨

I'm Inlove with the Bully KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon