Chapter 3-Detention

2.6K 85 4
                                    

"Tangina mo! Bitawan mo siya, manyak!"

Huh?

Kinuha nung hindi ko pa nalalamang lalaki ang kwelyo nung manyak. Malamang sinuntok niya ito. Tumakbo yung manyak at humingi ng paumanhin.

"Are you alright?" Watda? SEAN?

"O-okay lang a-ako." Utal kong sambit. Hindi pa rin ako makapaniwala at halos hindi ako makalingon.

"Tatanga tanga ka kasi. Pinagod mo pa ako." Aba aba?

"Tangina may sinabi ba akong pumunta ka dito?!" Inis kong sambit.

"Ay Keisha salamat a, kasi tinulungan kita dito." Sarkastiko niyang sabi.

"Whatever." Inis kong sambit.

"Ihahatid nalang kita. San ba bahay niyo?"

Naglakad nalang kami at di sinagot ang tanong niya.

"So, richkid ka pala." Sambit nito. "Pumasok ka na, aalis na ako." Sambit ulit nito. Tumango lang ako at pumasok sa loob ng bahay. Hindi ko maiwasang sumandal sa pintuan. Magpapasalamat ba ako? Hays.

Magpapasalamat na lang.

Aktong lalabas na ako ng bahay ng biglang wala naman siya. Ughhh!

"Bwiseeeet!" Sigaw ko. Wala namang makakarinig. Subdivision ito at mag-isa lang rito yung bahay namin.

Another typical day. Hay.

-----
Kinabukasan. Everyday was the same thing. Go to school, Sean bothering me, homework, and home.

Pumasok na ko sa room namin. Pinagtitinginan nila ako kasi late ako, alam ko naman yon eh. Yumuko na lang ako.

"Ba't ka late?" Bungad ni Meryll sa 'kin. Ah ganon? Wala man lang Good Morning? Hi?

"Napasarap tulog ko." Ikli kong sagot.

Sumaya ang pakiramdam ko ng makita kong walang nakaupo sa likod ko.

Nang may..

"Good Morning sorry I'm late." Watdafuck. -,-

Alam mo yung feeling na yon? Yung ineexpect mo na walang manggugulo sa 'yo kaso ang totoo ay may tao nanamang sisira ng araw mo? Ay tangina lang.

Ayoko munang magfocus sa aral namin. Sa tingin mo makakafocus ako sa aralin namin eh ang boring? Kung may magfofocus pa siguro congrats nalang.

Nakaramdam ako ng gutom kaya nag-excuse ako kay Sir para bumili.

Pagbalik ko, agad kong binuksan yung food ko.

"Hi." May lalaking lumapit sa 'kin. Makikipagkaibigan ata.

"By the way, I'm Cyrus Perez. Nice to meet you." Nakikipagkamay ito pero sinampal ko yung kamay niya.

Joke lang. Hindi naman ako ganun ka-harsh no. Mabait kaya ako.

Tinanggap ko yung pakikipagkamay nya. At sinabi rin ang pangalan ko.

Habang kumakain ako, biglang hinablot ni Sean ang pagkain ko.

"Hayup!" Sigaw ko pero hindi maririnig ni Sir.

"Bleh." Sabay kain sa pagkain. Urg. Papansin, nakakabwisit!

Pinabayaan ko nalang sa kanya yun para di niya sabihing naaasar ako.

Nag-iimagine ako sa labas. Hays.

"Huy!" Sigaw netong kaharap ko, sino pa ba? Edi si Kathleen.

"Anak ng ponsyo pilato ka! Manggugulat pa eh.

"Sino nanamang pinapantasya mo jan?"

"Ano ka ba? Wala no!" Bumalik na ko sa realidad.

Habang nakikinig ako, nakaramdam ako ng sakit mula sa anit ko. Tiningnan ko kung sino ang bumunot ng isang hibla ng buhok ko. Sino pa ba?

"Ano ba?! Kita mong nakikinig yung tao eh!" Suway ko dito.

"Weh? Tao ka?" Inirapan ko lang ito at nakinig na ulit. Pero bumunot pa rin siya ng isang hibla ng buhok ko.

"Sabing wag kang mang-iistorbo eh!" Araw-araw na niya ba akong kukulitin? Araw-araw nalang bang ganito? Ugh.

Napalakas ata ang pagkasabi ko kaya narinig ni Sir.

"The two of you, detention room. NOW!" Lagot na bes. Huahua.

Tiningnan ko ng masama si Sean. Ang malas ko talaga.

Naghintay kami sa upuan na tabi ng detention room.

"Here's your detention slip. You may now go. Wag na ulit kayo mag-iistorbo sa klase ko." Tugon ng sir namin.

Padabog akong umalis sa eskwelahang ito. Nakakainis! Napaka---urg!

Nagpaalam na ko sa mga kaibigan ko. At umuwi na nang mag-isa.

Basta basta nalang ba sila magbibigay ng detention slip eh, hindi nilaa alam kung anong dahilan ng pagsigaw ko? Taena a.

Naglalakad ako ng may..

Omygaaaad! <3

May concert ang BTS dito next next month! Mygas! Yung asawa kong si Taehyung makikita ko nanaman ulit!

Kaya dali akong umuwi sa bahay para kumuha ng updates sa concert ng BTS. At base sa nakuha kong information, 25,000 ang SVIP. Gusto kong pumuntaaaa!

Pumunta agad ako kay Mama at nagpaalam.

"Ma! May concert ang BTS dito August 28! Gusto kong pumunta ma." Pagmamakaawa ko dito.

"Ilan daw SVIP? May kasama ka ba?" Tanong nito sa 'kin.

"25,000 ma. Opo mama, tinanong ko na sila Meryll kung makakaattend sila tas sabi nila oo daw." Pagpapaliwanag ko dito.

"Sige sige. San bilihan ng ticket?" Tanong ni Mama. Natuwa naman ako sa sinabi niyang sige sige.

Umiling ako sign ng paghindi ko. Hindi ko pa alam kung saan yung tickets na available.

Natulog na ko at nagpaalam na kay Mama. Another bwisit day. Urg.

----------

Alam ko ang sobraaang habang update ginawa ko ngayon *insert sarcasm* haha sorry na sa maikling update.

-BlackTreasure💘✨

I'm Inlove with the Bully KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon