Chapter 4-Fieldtrip

2.8K 83 4
                                    

Kinabukasaaaan. Woo. Hyper is real.

Pumasok na ako. Ginawa ko na ang daily routine.

At ayan! Isang estudyante na ulit ako.

Di na ko nagpahatid kay Manong Driver kasi konti lang naman ang distansya mula don hanggang dito. Mamaya sabihin ni Manong ang sama ko.

Sinalubong agad ako ng barkada. When I say barkada, syempre sila Kath, Meryll, Ruwann, at Analy.

Pumasok na ko. At sakto andyan na yung professor namin.

Dakdak ng dakdak ang professor namin pero wala namang nakikinig sa kanya. Hindi ba niya nakikita na may sari-sariling mundo ang mga estudyante rito? Pero tuloy-tuloy pa rin siya sa pagsasalita. Hindi niya ba alam na gutom na kami? Break time na kasi pagkatapos nga subject niya. Aba'y one and a one-half hours ba naman itong klase niya.

Ano ba naman. Nakakaimbyerna. Nakakawala tuloy ng mood. Wala man lang good morning eh. And after 100 years nagring na ang bell. Mabuti naman.

Magkakasama kaming magkakaibigan ngayon na papunta ng library. Maaral kasi kami eh. Haha.

Alam niyo yung nakakainis? Yung halos isang taon na yung class time, pero pag break time aba'y daig pa ang 1 minute?

Wala na kaming nagawa at pumasok na sa loob. Substitute ngayon yung adviser namin kasi nasa hospital yung teacher namin sa oras na ito.

Nakaupo na ang lahat at hinihintay lang si Teacher.

"Class, bukas na bukas na pala ang fieldtrip niyo. Ngayon lang naisabi eh. Kaya shortened time lang kayo pagkatapos ng klase na to ay pwede na kayong umuwi. After fieldtrip nalang yung bayad."

Ay wow. After fieldtrip daw oh.

"So ngayon hindi na ko mgtuturo free time niyo ngayon at uwian na pag nagring ang bell para makapagready kayo. At class overnight trip pala yon. Magdala kayo ng tent kung gusto niyo."

Mukhang maganda. Yipeee!

Nakaramdam ako ng pagka-ihi. Nagpasama ako kay Meryll at nagpaalam kila Kath na iihi lang ako saglit.

"Ano? Sasama ka ba bes?" Tanong ko kay Meryll habang naglalakad kami papunta ng CR. O

"Ay aba oo naman. Ikaw?" Tumango lang ito na sign ng pag-oo niya. Sana kumpleto kaming barkada.

Ang tagal namang umihi ng babaeng yon. Makalabas nga muna dito.

Nang waaaaaaaaaa----. Anak ng

Nakaapak ako ng balat ng saging na dahilan ng pagkadulas ko pero sinalo ako ni, ni? Cyrus Perez? For real?

"Ayos ka lang?" Tanong nito sa kin.

"Oo. Salamat." *dugdugdugdug* shete. Is that my heartbeat? Oo, alam kong araw-araw na tumitibok itong puso ko pero iba ngayon eh. Yung parang may kuryente na dumaloy.

Nagkatinginan kaming dalawa habang salo niya pa rin ako. Biglang nagring ang bell at biglang nagsink-in sa utak ko na salo pa rin pala niya ako. Myghad landi mo Keisha sumbong kita kay V e. Huahua.

Sakto namang lumabas si Meryll. Pabalik na kami ng classroom at nakita namin sila Kath na papunta si kinaroroonan namin at dala dala na ang bags namin.

"Ano? Sasama kayo bukas?" Tanong ko sa iba.

"Ay aba oo naman." Sagot ni Ruwann at Kath. Nag oo din naman si Analy.

At isa lang ang ibig sabihin non. Kumpleto kamiiiii!

"Ano guys? Tara at punta tayo sa bahay ng bawat isa. Kukunin lang ang gamit tapos magstay tayo kila Keisha?" Suggest ni Meryll. Maganda ang suggestion.

I'm Inlove with the Bully KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon