Chapter 12-People Change

3.9K 141 78
                                    

Thanks God. Pahinga na rin namin after a week ng pagpasok. Di pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari. Hays mabura nga muna.

May naramdaman akong pagvibrate sa bulsa ko at agad kong sinagot 'yon.

"Hello?" Batid ko dito.
<Hi, Keisha. Si Raivenz to, pwede ka bang makapunta saglit dito sa bahay nila Sean? Kahit sandali lang please? Feeling ko kasi okay sya sayo. >  ganern? Eh parang imposible non? Palagi nya akong tinutukso lalo na sa school pero sasabihin nitong kaibigan nya na okay sya sakin? Kalbuhin ko sya eh.

Bago pa man ako makasagot, please ito ng please. Mga 101 times na.

"Oo na sige na! Papunta na dyan!" Napilitan din lang ako. Eh kasi naman eh, ang kulit.

Nagpaalam lang ako saglit kay Mama at hinatid na ako ng Driver sa bahay nila.

Nagdoorbell ako at bumungad sa akin agad si Raivenz syempre expected ko na yon.

"Salamat dumating ka. Tara na." Sabi nito at agad kaming dumiretso sa kwarto niya. Ito siya ngayon. Hinang-hina pa din. Tatlong araw na din daw siyang hindi kumain at nagmumukmok nalang sa kwarto niya.

Maganda si Danielle at kung tutuusin wala pa sa kalingkingan nya yung ganda ko kaya there's no reason na hindi talaga siya magkakaganto. Lakas talaga ng impact non.

"Sean, si Danielle---" bago pa man ako makapagsalita, "Fvck please! Don't mention her fxcking name!" Ramdam ko talaga kung gano kasakit yung nararamdaman niya. Hindi naman sapat yung pagmumukmok niya dito sa kwarto para lang makamove-on siya. Why he don't try to study harder? O asikasuhin yung business nila?

"Alam mo, hindi makakatulong yang pagmomove-on mo kapag di ka kumain alam mo ba?" Wala lang at basta ko nalang nasabi yon.

"Do you care? Tsaka hindi uso yang move-on sa akin a? Tandaan niyo, wala akong paki." Awts. Nasaktan ako don sa 'do you care?' ah? Hindi dahil sa gusto ko siya pero wow, isipin niya nalang kung gano ako naghirap pumunta dito. Ay oo nga pala nagkotse ako kaya nag---- nag--- ah basta.

"Just leave me alone. " tugon nito. "No, bro. I'll stay here with you." Hindi naman pala ako magdududa kung bakit matagal na ang pagkakaibigan nila. "Me too." Ganon din si Raivenz.

"I said just leave me alone! Ganon ba kayo kabingi para ulitin ko pa at ilakas?" Sasagot pa sana ako pero pinigilan ako ni Jermaine. Isa siyang malaking tanga. Hindi ba niya alam kung gano nag-aalala para sa kanya yung mga kaibigan niya? Fool.

"Mabuti pa nga muna umalis tayo. Baka kailangan niya lang talaga ng space." Bulong ko kay Jermaine. Tumango naman ito kaya lumabas na lang kami at sakto. Andyan na pala yung lunch. Sabay-sabay kaming kumain kasama yung mama ni Sean. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mata nito.

"Pasensya na sa abala ha. Salamat at pumunta kayo dito. " tugon ng mama niya habang naghahain ng kanin. Tinulungan ko itong maghain kasi nakakahiya naman kung makikikain ako dito ng di ako tutulong noh.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na kami sa mama niya.

"Sumabay ka na sa amin, Keisha." Alok naman ni Raivenz. Hindi naman ako makatanggi kaya ito sumama nalang ako. Ayoko na rin kasing abalahin pa si manong driver.

Ibinaba na nila ako sa tapat ng bahay.

"Salamat ha." At sabay nginitian ko na din sila. "Ayos lang yon. Nga pala, pumunta ka ng school bukas. May laro ng basketball bukas. Pumunta ka ha. Aasahan ka namin. " nginitian ko sila at tumango naman ako.

Gulat naman ako dahil nakita ko si Ryle na nasa sala. Andon din si Mama at nag-uusap sila.

"A-anong ginagawa mo dito?" Bungad kong tanong kay Ryle. Oo kinikilig ako pero pinipilit kong pigilan 'yon. Masyado na kasi akong mahahalata kung ganon.

"Ay dapat ganon agad iyong bungad no? Wala man lang, 'Hi Ryle?' o kaya naman 'Good afternoon Ryle?'" Bigla naman akong nakaramdam ng guilt. Eh kasi yun yung unang pumasok sa isip ko na sasabihin ko eh.

"Hi Ryle." Napalitan naman ng ngiti yung lungkot nya kanina. Abnormal rin ba siya?

"Oyan diba." Sago nya na ikinatawa ko. Wala namang dahilan kung bakit ako matatawa pero bigla nalang akong natawa ng ganon.

"Iimbitahan kita bukas sa school. May laro kami ng basketball Aasahan kita don ah." Wow. Mukhang pareho nila akong  iniimbitahan ni Raivenz at Jermaine? Mmm, magkalaban siguro sila don?

"Um, okay sige. Basta ilibre mo ko ng lunch. Hahaha." Tawa kong sabi. Pupunta naman talaga ako kahit di niya ako ilibre eh. "Osha sige na nga.  Basta pumunta ka, aasahan kita don. Sige uuna na ako." At lumabas na ito na nagpaalam kay Mama.

Tinanong ko si Mama about kanina. Kung bakit sila nag-uusap at mukhang close na sila.

"Siya kasi yung anak ng classmate ko nung High School." Napatango lang ako sa sinabi ni Mama. Alam na rin pala niya ang pag-imbita sa akin bukas at pumayag naman ito. Wala naman kasing magawa dito sa bahay at ayaw nya akong makulong dito.

Gusto kong magpahinga pero tumawag naman bigla si Meryll. Sinagot ko iyon agad.

"Hello?" 
<Keisha andito ako sa harap ng bahay niyo. Wala akong magawa sa bahay kaya pumunta ako dito bumaba ka na riyan!> kahit na tinatamad akong bumaba ay binabaan ko na siya. Hays kung hindi ko lang ito mahal baka pinabayaan ko lang siya.

Dumiretso kami sa kwarto ko at nag-usap usap hanggang mapunta kami tungkol kay Ryle.

"Alam mo ba na bestfriend dati ni Sean si Ryle? Kaya lang nag-FO sila kasi feeling ni Sean inaagaw ni Ryle sa kanya ang lahat. Pero wala naman talagang kasalanan si Ryle eh. He's so nice. Maganda ang pakikitungo niya sa lahat ng tao." Paliwanag nito. Bestfriend pala sila dati kaya pala nung isang araw parang nanlilisik yung mata ni Sean sa kanya. Ano kayang problema non?

"Oo kaya hindi na ako magtataka kung bakit ko siya naging crush." What da? Did I just say I have a crush on him? Anobayern sana di ko masaktan to.

"May crush ka sa kanya? Why? Hindi mo man lang sinabi sa akin T_T" naiiyak ito habang sinasabi iyon. Sabi na eh. Itong bibig na 'to kasi, sobrang likot daig pa ang kiti-kiti.

"Because I know you will get hurt. I'm sorry besty." Talagang-talaga. Na pinagsisihan ko huhu.

"Okay lang yon besty. Tutal hindi naman kami eh. Okay lang" may point sya pero di porke may point siya ipagpapatuloy ko pa itong pagkacrush ko kay Ryle. Inisip ko tuloy kung talaga bang igigive up ko na yung pagkacrush ko sakanya. Pero kung pwede, susubukan ko.

"Ibang topic nalang nga! Ano ba yan." Sigaw nito. Pareho siguro kami ng iniisip para hindi na mapunta sa away ito.

Nag-usap kami tungkol bukas at oo tumango siya na pupunta talaga siya.

Hinatid ko na siya sa gate kasi uuwi na daw siya. 6:00 na kasi at kailangan na niyang umuwi. Iniisip ko rin kasi yung kalagayan niya syempre.

---

Mian ang tagal talaga ng update ko T_T. Pero sisikapin ko pa ring mag update!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Inlove with the Bully KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon