III: Gringott's Bank

684 49 5
                                    


Marky's POV

Naglalakad kami ngayon ni Hagrid sa loob ng Gringott's bank. Dito daw muna kami pumunta para makuha ang kayamanan ko. Charaught!

Hindi ako makapaniwala na ito pala yung sinasabi niyang bangko na pinagpondohan ng pera ng aking mga ninuno.

Ang masasabi ko lang sa bangko na to...

BONGGA!!!!!

Mula sa napakalaking chandelier na kasinlaki ko ang bawat palamuti hanggang sa lamesang nakapalibot samin na napakakikintab na parang araw-araw nilalagyan ng polisher. Hindi ko rin maitatangging napakakintab din ng kanilang sahig na tiles at ng kanilang bubong na may disenyong ahas, leon, eagle at raven. Nakapaikot sila sa isang box na may malaking mata sa gitna.

Kasing laki yata ng ulo ni Hagrid ang mata nayun. Haha

Napakalaki din ng gusaling ito kaya kung ikaw lang isa pupunta rito ay mawawala talaga ang beauty mo.

Nagpalinga-linga pa ako sa paligid at nasight ko na ang mga pictures ay gumagalaw!!!

Yung isa pa ngang parang empleyado dito na halimaw eh nakikipag-tsismisan sa isang babaeng nasa painting tapos may paabot-abot pa ng bulaklak eh akala niya naman matatanggap yun ng babae.

Ligawan lang ang peg??

Eh di sila na ang bongga!!!

At oo!!

Sinabi kong halimaw yung namimigay ng bulaklak kasi halimaw naman talaga siya!! Hindi lang siya, kundi LAHAT ng nagtatrabaho dito sa bangko nato!!!

Kalookaa!!!

Mukha silang mga kapre na hindi biniyayaan ng height!!!

Maliit, matataas na mga kuko na parang hindi nakapagmanicure for ages, kulubot na kulubot ang balat sa whole body at higit sa lahat, sayad sa sahig ang mga buhok at bigote na parang pinagkaitan ng pagkakataong magparebond!!

Kaloka!

Siguro kaya napakalinis ng sahig dito ay dahil sa kanilang mga buhok at bigote na animo husk na kumukuskos.
Kahit siguro sabuyan mo pa ng isang tangke ng ihi dito eh matutuyo rin kaagad na animo walang nangyari.

And speaking of IHI, nakakaloka yung nangyari sa cr dun sa D'Lici Couldron kanina!!!

Pero hindi rin naman na basa ang paa ko pagdating namin dito.

Pagflush ko kasi, ayun. Dba nadala ako??

Pagkatapos nun para akong inikot-ikot sa loob ng tubo at voila!!!

Lumabas na naman ako sa isa pang inidoro at katapat nun ay isang upuan kaya diretso akong napaupo don. Kaya dalawang inidoro na ang nilusotan ko.

Ang bongga lang no!!!??

At napatingin ako sa aking paa at saka ko napagtanto na tuyo na pala ang mga ito.

Lumabas ako ng cubicle at nakita ko si Hagrid na papalabas kaya ayun!! Sumunod ako sa kanya.

At cr pala iyon ng Gringott's Bank na ito.

"Ano ang tawag sa mga nilalang nato Hagrid??"-tanong ko habang tinitignan ang mga maliliit na nilalang na paroo't-parito.

"Goblins ang tawag sa kanila. Maliliit man sila ngunit aaminin kong mas malakas sila kesa sakin. Sila ang gumawa ng bangkong ito. Sila rin ang tinaguriang pinakamatapat dito sa wizarding world kaya sa kanila pinopondo at ipinagkakatiwala ng mga wizards at witches ang kanilang kayamanan."-mahabang paliwanag ni Hagrid na ikinasabog ng singaw ko sa ilong.

School Of Magic (Boyxboy)(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon