XI: First Day of Class

425 32 0
                                    

Marky's POV

"Marky gumising kana! Malelate na tayo sa first class natin!" Sigaw ng kung sino sa loob ng kwarto ko.

Bwisit! Ang aga-aga nambubulabog na naman si Tiyang!

Ang ganda na sana ng panaginip ko eh! May kumuha raw sakin na kapre na may payong na wand at dinala ako sa train na napakhaba tapos nakita ko ang napakagwapong mukha ni Draco at Derik at take note! Sa balikat nila ako natulog! Salit-salitan lang, ganun! Hahaha

Pagdating naman namin sa school, todo alalay si Deric sakin at si Draco naman sobrang judgemental kaya ayun ex crush ko nalang siya. Pumasok kami sa school at niyakap daw ako ni Derik sa harap ng napakaraming tao! Heavenn!! Tapo-..

"Hoy Marky! Gumising kana! Malelate na talaga tayo. Iiwanan kita diyan bahala ka." Sigaw na naman ni Tiyang.

At saan naman kaya pupunta to si Tiyang? Kay aga-aga may kadate na!

"Opo Tiyang! Babangon napo!" Sagot ko habang bumabangon.

Hmm.. Ang lambot naman nitong kama ko.

Wait, kailan pa ako nagkaroon ng kama?

Ay! Meron pala akong kama sa boarding house.

Pero ba't andito si Tiyang? Dba pinalayas niya ako?

"HOY MARKY! ANONG TIYANG2X ANG PINAGSASABI MO? BUMANGON KANA DIYAN KUNDI MALELATE NA TAYO SA FIRST CLASS NATIN! TERROR PA NAMAN DAW ANG PROFESSOR NATIN SA FIRST SUBJECT!" Sigaw ni Ron na nagpalaglag sakin sa kama.

Paano ba naman kasi, ang lakas na nga ng soundwaves, may kasama pang storm surge. Basang-basa nako kakaputak nito.

Pero wait! So that means hindi pala talaga ako nananaginip?

Totoo ito? As in?!

Kurutin ko nga singit ko- Aray!

Totoo nga!

Hindi ako nananaginip!

Nandito talaga ako sa Hogwarts!

"Oh? Ba't tulala kana diyan?" Tanong ni Ron na nakapamewang sa harap ko. May suot na itong robe na may badge na pula- simbolo ng Griffindor House na may dalawang leon na magkaharap at may hawak na espada.

"Aahh... W-wala lang. Sige, maliligo muna ako." Sabi ko saka dali-daling kumuha ng towel at dumiretso sa banyo.

After 15 minutes ay natapos narin ako sa pagliligo.

Paglabas ko ng banyo ay nalaglag talaga ang eyeballs ko sa sahig.

Anong ginagawa ni Derik dito?!!

Nasa'n na si Ron?! Kaimbiyerna! Iniwan ako?!

Napahinto ako sa paglalakad habang si Derik naman ay prenteng nakahiga na nakataas pa ang dalawang braso sa kama ko.. TAKE NOTE! SA KAMA KO PA!!

Napagawi ang tingin ni Derik sakin at hindi ko alam kung bakit naging malagkit ang tingin niya!

Juice colored!

"A-ahmm.. An-nong ginagawa mo dito?" Nanginginig kong tanong kay Derik.

"Sinusundo ka. Magbihis kana. Late kana sa first class mo." Sagot nito saka bumangon at naglakad palabas.

"By the way, ang sexy mo pala." Dagdag pa nito saka isinara ang pinto.

Oohhh Mayyyy Ghaadd!!!!!

Ayoko na world!!! Sasabog na tong mukha ko sa sobrang pula!!

School Of Magic (Boyxboy)(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon