VI: Weird

496 43 2
                                    


Marky's POV

Hindi ako makagalaw sa inuupuan ko.

Paano ba naman kasi, magkatabi pala kami ng upuan ni Draco!

Nasa gitna si Draco sa aming dalawa ni Derik. Tapos ako yung malapit sa bintana.

Kaya kahit papano ay naida-divert ko ang atensiyon ko sa mga tanawin sa labas.

Kasi naman eh! Bakit ba palaging kinikiskis ni Draco yung balikat niya sa balikat ko?

Para siyang pusa!

Lumingon ako sa kanya, at as usual, poker face ang lolo niyo na nakatingin sa sahig.

Seriously?

Ano bang meron sa sahig at ganyan nalang siya makatitig doon?

Kaloka!

Tinignan ko naman ang katabi niyang si Derik, nakatingin naman ito sa pinto.

Kaloka din tong isang to eh!

Magkapatid talaga sila sa walang pagduda!

Pero napansin kong binubunggo niya si Draco.

So kaya naman pala nakikiskis ang balikat ni Draco sakin kasi binubunggo niya eh!

Sarap pektusan nito!

Tumingin nalang ako sa katapat ko na upuan.

Hindi lang pala kaming tatlo ang nandito sa kwartong ito kasi meron pang dalawang pasahero sa katapat namin na sofa.

Bale 5 kami lahat.

Kasi dba nga by number ang seats? So, 43-si Direk/44-si Draco at 45 naman sakin.

Seats # 41-42 naman ang nasa tapat namin.

Kaimbierna din tong dalawang babaitang pasahero nato kasi kanina pa nagpapacute kay Draco.

May pa cleavage pang nalalaman tong si #41 eh alam ko namang santol ang nakaumbok sa kanyang dibdib.

Kita ko kasi sa gilid.

Hep! Hep!

Hindi ako naninilip no!

May ganyan din ako kaya bakit pa ako maninilip dba?

Charaught!

Nilingon ako ni Babaita #42.

Aba! Tinaasan ako ng kilay!

Sinusubukan ako ng impaktang to ah!

Kaya tinaasan ko din siya ng kilay!

Pati ilong pinataas ko na din!

Tingnan lang natin kung sino ang mas bongga!

At naloka ang impakta!

Akala yata niya, papakabog ako sa kilay niyang parang ginuhitan lang ng ballpen sa sobrang nipis!

Bumulong siya sa katabi niyang si #41 na tila humihingi ng resbak.

Lumingon si #41 sa akin at napanganga talaga ako.

Ang kapal ng kilay niya! Ngayon ko lang to napansin.

Huwag mong sabihing kinuha niya lahat ng kilay ni #42?

Ay bahala sila! Kilay nila yan wala akong pakialam.

Ang kailangan kong isipin ngayon ay kung paano matatalo sa pataasan ng kilay ang dalawang impaktang to!

Nakita ko na medyo nanginginig na ang kilay ni #42.

Bwahaha!

Para siyang nasobrahan sa kape!

School Of Magic (Boyxboy)(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon