XVIII: Alone Together

339 21 0
                                    

A/N:
At dahil sinipag po ang inyong lingkod, eh di here's another update! 😁😘

#pleasevotecharst😅

***************
Marky's POV

Naglalakad kaming dalawa ni Draco patungo sa likurang bahagi ng school.

Yung may greenhouse? Ang likod kasi no'n eh kagubatan.

Doon daw kami dumaan para walang makapansin samin. Minsanan lang kase ang klase sa greenhouse.

Jusko. Kinakabahan talaga ako. Excited din naman ng kaunti.

Pero bakit nga ba ako kinakabahan?

Eh kasi naman eh!

First time ko kaya ito!

Hindi ko pa 'to nagagawa sa tanang buhay ko. Ngayon lang talaga!

Ngayon lang ako makakapasok sa isang kagubatan!

Haissstttt...

Pero okay lang. Tandaan mo Marky na para 'to sa grades. Dapat makapasa ako! Kami ni Draco!

Oh ayan sinali ko na siya para naman hindi niyo masabing I am a bad person. Chos.

"Ba't ba ang bagal mo maglakad? Hurry up!" Ayan. Sinumpong na naman ang bugnutin.

Hayyyy... Ewan ko ba talaga sa taong ito. Ang initin ng ulo.

Pinaglihi yata ito sa takuri.

Akala ko nga medyo bumait na siya kanina eh. Kasi diba nga, tinatanong niya ako kung may lakad ba daw ako? Eh nag-assume ang bakla na baka paraan niya iyon to make it up with me. Charaught!

Pero kasi umaasa naman ako ng slight na sana may ganoong eksena.

Ang shunga ko lang.

Oo nga pala at meron kaming gagawing mild healing potion at sinabi ko sa kanya kahapon na ngayon kami magsisimulang maghanap ng mga ingredients. Kaya niya ako tinanong ng ganun.

Ayun. Bagsak ang bagang ng bakla dahil sa pagkadismaya. Chos!

Sino ba kasi yang Draco na yan?! Eh ex crush ko lang naman yan!

Kaya wala akong pakialam sa kanya!

As in wala talaga! Swear!

Mapunit man ang pinaka-iniingatan na brip ni batman.

Still, wala akong pakialam sa kanya!

"Ba't hindi ka pumasok kanina?" Mga katagang biglang lumabas sa bibig ko.

Shete! Ano ba 'tong pinagsasabi ko?!

Ex crush mo yan okay?!

Kung may long hair lang 'tong bibig ko, kanina ko pa 'to sinabunutan.

Kung ano-ano lang kasi pinuputak!

Kaimbierna.

"It's none of your business." Sagot ni Draco Bugnutin na nagpairap sa eyeballs ng dalawa kong eyeballs.

Oo. May mga sariling eyeballs din ang mga eyeballs ko. Huwag kayong basag trip. Chos!

Pero ano pa nga bang aasahan ko kay Draco?

Eh bugnutin nga yan diba? Kaya natural suplado rin yan!

Ang sarap lang itapon sa Acid Fountain. Charaught!

Asa namang mabubuhat ko yang ganyang kalaki na katawan?

Ehm, hindi naman talaga kalakihan todamax level ang kanyang katawan pero kashiii ehhh..

School Of Magic (Boyxboy)(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon