Chapter 2: Frenemy

3K 81 3
                                    

Zach's POV

"Babe?" Tawag ni Bianca sa 'kin.

"Hmm?" Tugon ko.

Nagmamaneho ako ngayon kaya hindi ako makalingon sa kaniya nang ayos.

Papunta kaming mall para mag-date dahil matagal na rin simula nang makalabas kaming dalawa para mag-date.

Ang sabi ko, gusto kong bumawi sa kaniya. Isa pa, na-miss ko rin ang ganito. 'Yong mag-d-date kaming dalawa. Naging busy kasi kami pareho sa school these past few days, kaya nawalan na kami ng time para mag-date.

Pakiramdam ko pati, palagi ko siyang na-m-miss. Kapag hindi ko siya nakita kahit isang minuto lang, miss ko na agad siya. Gusto ko siya palaging nakikita.

Damn! I really love this girl.

"Uhm..m-may gusto sana akong itanong sa 'yo e." Nag-aalinlangan niyang wika.

Nilingon ko siya saglit pero ibinalik ko rin agad ang tingin ko sa kalsada.

"What is it, babe?" Hindi pa rin siya naimik kaya nilingon ko ulit siya. "Come on, babe. Don't be shy."

Nginitian ko siya bilang assurance na okay lang kung ano man ang gusto niyang itanong sa 'kin, bago ko ibinalik ulit ang tingin sa daan.

Narinig ko ang paghinga niya nang malalim bago nagsalita.

"Bakit ka ba galit na galit sa best friend ko?" Muli akong napalingon sa kaniya sa tanong niyang 'yon. "I-I mean, why are you both always arguing? Know what, babe? I really don't understand why you don't like each other. Ever since na nagkakilala kayo, mainit na ang ulo niyo sa isa't-isa." Usal niya.

"Babe, wala naman talaga akong problema sa best friend mo e. 'Yong best friend mo ang may problema." Paliwanag ko. "May problema siguro sa isip 'yon."

Totoo naman e! Ang Ayla na 'yon ang may problema. Ewan ko ba ro'n. Palagi na lang ang init ng ulo sa 'kin. Wala naman akong ginagawa sa kaniyang masama. Kaya ko lang naman napapatulan 'yon dahil siya palagi ang nag-uumpisa ng away, gumaganti lang ako. Hindi ako naging Vipers para lang magpatalo ro'n sa babaeng 'yon.

Well, may kasalanan din naman ako sa kaniya noon, pero hindi naman siguro dahilan 'yon para suntukin niya 'ko sa harap ng maraming tao noong unang beses naming magkita. At hindi lang 'yon, sinuntok niya ulit ako sa pangalawang pagkakataon na nagkita kami. Hindi ko nga alam kung babae ba talaga 'yon o kunwari lang na babae e. Mas malakas pa siya sumuntok sa 'ming Vipers. Ang liit-liit naman ng kamao. Hindi rin naman siya katangkaran o kalakihan ang katawan, tama lang naman, pero ang lakas-lakas manuntok.

Napatingin ako sa stoplight, pula ito kaya itinigil ko ang kotse ko.

"Babe!" Saway niya sa sinabi ko. "Pwede bang 'wag mo na lang patulan si Ayla? Just try to be nice to her. She's my best friend. Para wala na lang din gulo. Please?"

Hinawakan niya ang isang kamay ko na nakapatong sa hita ko.

Be nice to her? Hindi ko yata kayang gawin 'yon. Pero pano ko ba matatanggihan si Biance? Mahal ko 'to e. Kahit ayoko, gagawin ko na lang din.

Pipilitin ko.

I sighed. "Okay, I'll try. But I can't promise, babe. Depende pa rin 'yon sa best friend mo."

Ngumiti siya nang bahagya sa 'kin.

Ugh! That smile.

"Don't worry, I'll talk to her again. Thanks, babe!" Saad niya.

Nginitian ko rin sya. "Anything for my babe." Lumapit ako sa kaniya at hinalikan ko siya sa noo. "I love you so damn much." I whispered.

Mas lalong lumawak ang ngiti niya sa kaniyang labi. "I love you more."

She's Mine (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon