KAT POV
Mabilis lumipas ang mga araw, ngayon papunta nako sa company namin. Pagkapasok ko ay hihingian pako ng guard ng ID. Hindi ata ako nakilala.
"Miss, ngayon lang kita nakita rito, ID?" Sabi pa nito.
"Uhm, Kuya roger? Haha it's me Kat." I said. Tila nabigla naman to.
"Ay mam! Sorry, ikaw na ba yan? Laki ng pinagbago natin ah. Lalo kang gumanda!" Bolero talaga nito Simula pa noon eh haha.
"Kuya talaga eh, by the way, pumasok na ba si daddy?" Pagkagising ko wala na Sya sa bahay eh.
"Ay opo mam." Ayun kaya naman pala.
"Okay po, nice to see you again! Una na poko" atsaka dere-deretsong pumasok na.
Habang naglalakad ako ay pinagtitinginan ako hindi ko alam kung bakit abnormal na ata mga tao dito eh.
Pasakay nako ng elevator ng may makasabay akong babae, mukhang mataray katakot besh huhu. Jokijoki.
Hanggang elevator kasabay ko sya, pinindot nya ang 5th floor na ang pagkakaalam ko ay management department, pinindot ko naman ang 20th floor kasi dun ang office ni daddy ng bigla tong magsalita."Bago ka rito?" Hindi agad ako sumagot.
"Hey, bago ka rito? Kinakausao kita." Mahihimigan mo ang pagkairita sa boses nya.
"Nope." Maikling Kong sagot
"Ngayon lang kita nakita rito, ako ba pinaglololoko mo?." Wag lang talaga tong maghahamon ng away
Napansin kong hindi sya bumaba sa 5th floor at wala paring pumapasok sa elevator.
"Wala ka na dun. Kababalik ko lang. Nalagpasan na ang floor mo wala ka bang balak lumabas?" I said.
"Wala! Ang lakas mo magmatapang gayong bago kalang dito, isusumbong kita kay president sasama ko hanggang 20th floor!" Napatawa nalang ako. really bitch? Mukhang mas nairita pa sya sa tawa ko. Problema ba nito?
"Are you sure? Sasama ka talaga sakin? Hahaha. Poor bitch" tumatawang sabi ko.
"What did you said!?" nanggagalaiting sabi nito.
"If I were you ihihinto ko na yang kamalditahan mo at lumabas na ng elevator habang nasa 16th floor palang haha."
"At bakit ko naman gagawin yun!? Ipapafire kita! Madami kang hindi sinunod! You even don't have an ID and proper uniform tas ang lakas mo dumeretso sa opisina ni president." She said. Sapakin ko na kaya to?
"Oh, poor girl, ganyan kaba sa lahat ng bago sa kompanya na to?" Hindi sya nakaimik.
"Oh! 19th floor na. There's no turning back bitch." Lalo tong nabwisit sa sinabi ko.
Pagkabukas na pagkabukas ay nagdere deretso sya sa office ni daddy hahaha. Inaano ba yun? Hinabol pa sya ng secretary. Naglakad nalang ako ng nasa pinto nako ay naririnig ko na syang nagsasalita.
"Sir, wala sya sa proper uniform! She didn't even have an ID with her atsaka napakasama ng ugali nya. Pinagtitinginan na sya sa baba habang naglalakad!! Attention seeker!." Parang batang sumbong nito.
"Who's this girl?" Maawtoridad na sabi ni daddy. Nakakatawa.
Pagpasok ko ay agad tumayo si daddy at sasalubungin ako ng biglang sumigaw yung babae.
"You bitch! Ayannn! Sya yun sir. She even slap me sa elevator nung hindi ako bumaba ng 5th floor, natakot siguro na Baka magsumbong ako sayo!" Sumigaw na sabi nito.
"Hey, did you call me bitch? Haha your such a liar you know? Ni Hindi nga kita inaano dyan. Your fired!" Nagulat sya sa tinuran ko.
Hindi umiimik si daddy.
"What!? Who the hell you are para ifired ako! Ni employee kalang dito na hindi marunong sumunod sa rules! Sir! Fired that bitch!" She said.
Tumatawang tumingin ako kay daddy na ngayon ay hindi ko alam kung anong gagawin."How dare you to call my daughter a bitch! She will be the owner of this company so better respect her!." Sigaw ni daddy. Namutla sya at halatang nagulat.
"You are k---kat?" Nanginginig na sabi nito.
"Yes, the one and only, kunin mo na ang mga gamit mo at magsimula ka ng maghanap ng bagong trabaho because your fired!"
"But---".
"What? Sasabihin mo sakin na hindi mo alam? No. I don't accept that reasons, pano kung ibang employee yun? You will ruin our company. I don't need that kind of behavior and attitude in MY company!" Then she walks out.
"Who's that girl dad? Super maldita nya." I said
"She's Miranda marami na kong naririnig sakanya, Ewan ko ba dyan. By the way, ipapakilala kita sa board members, let's go." Sabi ni daddy atsaka sya naglahad sakin ng kamay upang pumunta na sa meeting room.
Pagpasok sa meeting room ay tahimik, as usual mga professionals ang mga nandito.
Mabilis na natapos ang meeting dahil na rin sa kilala ko na ang iba sakanila, konting usapan sa business at advice ang natanggap ko.
Ngayon ko narealized na magkakaroon nako ng big responsibility lalo na at hindi birong posisyon ang hahawakan ko, but matagal ko na tong pinaghandaan. Ako lang naman ang aasahan nila dad.
YOU ARE READING
THE LOVE I DESIRE
Teen FictionWe all know that the greatest and the happiest feeling in the world is to love and to be loved by someone who truly special in our hearts. Alam nating lahat na nagawa na nating magmahal ng taong tinake for granted lang tayo. Pero ayos lang satin di...