Chapter 3

10 2 0
                                    

KAT POV (Flashback)

Nagaaral ako nun da High Academy, Isang pribadong paaralan sa amin, I'm not that coolest girl, Simpleng babae lang. Kaso Mataba ako eh, Nerd kung tawagin pero sunod naman ako sa fashion, yun lang talaga yung pang asar nila sakin kasi mahilig akong magbasa at running for honor ako.
Tulad ng mga teenagers, May mga naging crush din ako. Simple lang talaga yung buhay ko kahit na alam kong may kaya ang pamilya ko. We own a Bank here. Marami kaming business. Masaya naman ako eh. Iilan lang ang kaibigan ko pero alam kong totoo sila sakin.

First day nun, Edi syempre excited pumasok. :) Maaga pakong nakarating sa room. Makalipas ang 20 minutes madami dami nadin kami at inaantay nalang ang teacher.

"Goodmorning Class" Bati samin ng adviser namin.

"Im teacher Aby, I'll be your science teacher and your adviser for the whole year, So please get-" Naputol ang sasabihin ni mam ng may kumatok.

"Excuse me mam, Sorry. I'm late." Sabi nung lalake sa pinto. Ang gwapo nya, Diko Alam Pero may feeling talaga ko sa lalakeng to nakakaiba.

"Oh, Mr. Cruz, May I remind you that I dont want a student that coming up late in my class, But because its your first day, Please come in and take a sit." Sabi ni mam. Nilibot ko ang paningin ko, sa tabi ko nalang pala yung bakanteng upuan. Omg.

"Yes mam. Thank you po and Sorry." Dinig kong sagot nya.

"So class, Alam ko namang magkakakilala na kayo. Kaya yung mga transfer nalang ang magpapakilala dito sa harapan. So mr. Cruz, care to introduce yourself." Sabi sakanya ni mam. Agad naman syang pumunta sa harapan.

"Hi, Im Thomson Cruz, You can call me tom for short. Im a basketball varsity. I love singing but I prefer to make music through instrument. Nice meeting you all, and i hope that we will bond soon." Sabay smile nya. Ang gwapo.

Since that day lagi ko na syang sinusulyapan. Pinapanuod sa training at mga laban nya.

But one day, Nasa may park ako ng school, Nagbell na eh, Malalate nako, halos ako na nga lang ata naglalakad eh. Ng may biglang sumabay sakin ng paglakad. Paglingon ko si tom pala, Syempre nabigla ako. Parang may naghahabulan sa puso ko bigla eh.
Pero diko pinahalata. Baka naman napasabay lang talaga pero wala talaga syang balak sumabay.

"Uhm. Miss?" rinig kong tawag nya sakin. Teka, Sakin nga ba? baka Assumera lang ako.

"Yes? Are you talking to me."

"Obviously yes. Wala naman Kasing ibang tao dito." sabi nya sabay tawa. Pahiya ako dun ah. Pero ang sarap sa boses ng tawa nya.

"Ay sorry. Why? may kailangan ka?" Sabi ko.

"Uhm. I know this is awkward but." Sabi nya na alam kong nagaalangan. problema nito?

"What?" I asked.

"May tagos ka kase. Eto oh" Inabot nya sakin yung jacket nya. Natigilan naman ako. Kung pwede lang kainin nako ng lupa sa sobrang kahihiyan.

"Uhm. Sge una na ko ha?" Ngumiti sya sabay takbo. Saka lang nag sink in sakin yung nangyare.

Nakakahiyaaaaa! Anubayan.

Pagkatapos ko isauli yung jacket nya nagsunod sunod na yung pagkikita namin. Nakilala ko din yung Sandara Gomez. Close friend nya daw Ewan ko dun. Nanligaw sya ng diko naman talaga inaasahan, Sinagot ko sya. Syempre <3. Sobrang in love ko nun eh. Akala ko nga forever na. tumagal kami ng 1 taon.

Pero Mali pala talaga, marami pala talagang nagkakamali sa AKALA.

Hindi ko malilimutan yung araw na yun September 16. Inutusan lang naman ako ng adviser ko na maghatid ng gamit nya sa DO(Disciplinary Office) Eh likod yun ng locker room ng mga varsity. Pabalik na sana ako ng madaanan ko ang locker room. Papasok sana ko ng biglang sa di sinasadya ay narinig ko ang usapan nila, Hindi naman sa pagiging chismosa Pero na curious lang talaga ko.

"Pre, Kamusta naman kayo ni katlobo?" mapangasar na sabi nung isa nyang kasama.

THE LOVE I DESIREOù les histoires vivent. Découvrez maintenant