PART 1

11 1 1
                                    

"Mahal, mahal na mahal kita, yan ang hinding hindi magbabago. Alam kong mahal mo rin ako pero diba mas mahal mo siya? At ansakit sakit non, nadudurog ako sa twing nakikita ko kayong magkasama. Tiniis ko lahat wag ka lang mawala sakin. Pero nakikita ko na hindi na ko sapat para sayo, anong magagawa ko eh mas mahal mo siya. Kaya ayoko na, I'm ready to let you go. And I hope you will understand me. Ginagawa ko to para maging ok na kayo, para di niyo na itago yung totoong nararamdaman ninyo sa isa't isa. Thanks for everything. Thankyou for being part of my life, I love you and goodbye."

Yan ang mga salitang binitawan ng babae sa panaginip ni Jerome. Nagising si Jerome kasabay ng pagpatak ng kanyang luha. Kinakabahan ito at pinagpapawisan.

"Sino siya? Bakit siya nakikipaghiwalay sakin?" Tanong niya sa sarili habang pinupunasan niya ang kanyang luha.

Pagbaba ni Jerome ay nakita niyang naghahain si Catherine ng pagkain sa lamesa. "Cath? What are you doing here?" -jerome.
Lumapit si Catherine sa kaibigan tsaka inupo ito sa upuan.
"Jer, diba nasa Davao ang parents mo? That's why I'm here para ipagluto ka, kasi ayoko mamatay ka sa gutom. Ayoko din naman na magpadeliver ka lang ng magpadeliver." Sagot nito sa tanong ng kaibigan
"Grabe ka sakin Cath ah, pero thankyou. Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin pagnawala ka"
Natahimik si Catherine, hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya sa sinabi ni Jerome. Kaya ngumiti na lang ito tsaka umupo.

"Cath, nanaginip ako."-jerome
"Ano naman napanaginipan mo?"-cath
"A girl na nakikipaghiwalay sakin. But I don't know who is she. Hindi ko pa siya nakikita sa personal at hindi ko siya kakilala. Kaya sobra kong nagtataka kung bakit ko siya napanaginipan at kung bakit siya nakipaghiwalay sakin."-jerome
"Hala, who's that girl?"-cath

3 DAYS BEFORE THE FIRST DAY OF CLASS.
"Mama, sure po ba kayo na sa Augustine University na ko mag aaral? Parang nakakahiya po kasi wala akong kakilala dun." Tanong ni Sia sa kanyang mama habang inihahanda na ang mga gamit na gagamitin niya para sa skwela.
"Anak, maganda yung school na yon. Sigurado naman ako na hindi lang ikaw ang transferee don kaya wag kang mahihiya kasi sa una lang naman yan, pero pagnagtagal ka na magkakaroon ka rin ng mga bagong kaibigan."Paliwanag nito sa kanya.

"Malay mo dun mo na makita yung destiny mo diba nak?" Dugtong pa ng mama nito.
Nagulat si Sia at natawa "mama? Ano ka ba? Hahahaha"

Katulad ni Sia, si Jerome din ay naghahanda na para sa pasukan.

"Cath! Hahahahaha bakit ganyan?" Tawang tawang pagtatanong ni Jerome kay Catherine.
"Bakit? Hahahaha maganda naman ah. Design kasi to, ikaw kasi wala kang alam na design hahahaha" pag aasar naman ni Catherine sa kaibigan
"Hahahahaha eh kasi bakit ba ganyan? Ahahahaha" hindi talaga mapigilan ni Jerome ang kanyang pagtawa dahil sa iginuhit ni Catherine.
Pinalo ni Catherine ang kaibigan at kinurot sa pisngi.
"Ang bad bad mo sakin! Bad ka!" Galit pero natatawang sigaw nito
"Aray! Hahahaha ok Cath sorry na hahaha sige na tuloy mo na pagda drawing mo" -jerome

Bago magpasukan, pinuntahan muna ni Sia ang school na kanyang lilipatan para pumasyal dito at makita na rin ang mga pasikot sikot dito.

"Maganda nga talaga dito no."-Sia
"Yeah, sorry beshi kung di na tayo parehas ng school ah, palagi ka naming pupuntahan dito, promise"
Sabi ng kaibigan ni Sia na si Kate.
Hinawakan ni Sia ang braso ng kaibigan
"Ako nga dapat magsorry sa inyo eh. Kasi di ko napigilan yung parents ko na palipatin ako ng school. Anong magagawa ko, eh sila ang dapat masunod." malungkot na Pagkakasabi ni Sia
"Ok lang yan beshi basta makakapagbonding parin tayo ah"-kate
Ngumiti si Sia tsaka tumango.

"Ano wala pa ba yung sections?" Tanong agad ni Joshua kaila Jerome pagkadating na pagkadating pa lang nito.
"Naka display na, kaso ang dami agad tao. Mamaya na natin tignan, dito muna tayo" sagot ni Catherine
"Ah sge"-joshua

Pumunta ng Garden sila Kate at Sia.
Umupo muna sila sa mga upuang nakalagay sa garden. Kasabay nito ang pag tayo naman ng magkakaibigan na sina Catherine, Jerome at Joshua para bumili muna ng makakain. Nadaanan ni Jerome si Sia pero hindi nila napansin ang isa't isa.

"Oh bakit parang ang lungkot mo jer?"-cath
"Ah wala"-jerome
"Naiisip mo parin ba yung panaginip mo nung nakaraan?"-cath
"Ewan ko, pero di ko talaga makalimutan"-jerome
"Malalaman mo rin kung ano ibig sabihin ng panaginip mo na yon, siguro hindi pa sa ngayon. Pero for I'm sure malalaman mo rin."-cath

Andun na sila Jerome kung saan nakadisplay ang mga sections nila.

"o yes! Section M2!"-Joshua
"Kaklase mo sila Anthony tsaka Henry hahahaha nahiwalay kami ni Jer"-cath
"Awtsu ok lang yan, cath sino tong classmate mo na to?"-jerome
"Who?"-cath
"Sia Agatha P. Montefiore? Nice name"-jerome
"Ahh transferee baka magustuhan mo yan jer, edi makakalimutan mo na si Babe Bianca hahahaha"-cath
Natawa si Jerome.
"par, ingat baka mukhang butiki yang Sia na yan hahahaha"-joshua
"Ay ang hard"-cath




"I GIVE UP"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon