PART 4

3 0 0
                                    

Sabay na lumabas ng clinic ang dalawa, kahit na nahihiya si Sia hinayaan niya na lang na alalayan siya ni Jerome sa paglalakad.

"Thank you Jerome, nakakahiya"-sia
"Sana Sia wag ka nang mahiya sakin."-jerome
"Susubukan ko, pasensya na ganto kasi talaga ako hehehe."-sia
"Okay lang, mawawala rin yan."-jerome

Simula nung araw na yon, lagi nang pinupuntahan ni Jerome si Sia sa classroom nito. Minsan ay inaaya niya ito kumain sa labas. Kaya di rin nagtagal medyo nawala na ang pagka mahiyain ni Sia sa bagong kaibigan.

"Hahahahahaha!! ang cute mo maglaro. Para kang bata." Nagulat si Jerome sa tawa ni Sia.
"Ups, sorry. Nakakahiya ba tawa ko?" Napayukot si Sia.
Natawa naman si Jerome "Hahaha hindi, ang cute mo nga eh. Pero nagulat ako. Parang hindi ikaw yung tumawa."-jerome
"Hihihi."-sia
Habang tinutuloy ni Jerome ang paglalaro, biglang dumating si Catherine.
"Hello guys!" Bati ng dalaga sa dalawa.
"Cath!" Tawag naman ni Jerome dito tsaka tumayo at nakipag beso-beso.
"Anong ginagawa niyo?" Nakangiting tanong nito.
"Na-nag rurubiks cube lang si Jerome."-sia
"Ahh well nice, Jer, kain tayo? Libre mo ko fishball pleaseee. Libre mo ko pleaseee." Pagmamakaawa ni Catherine kay Jerome para ilibre siya nito.
"Hahaha sige sige."-jerome
"Yown!"-catherine
"Sia, mauna na muna kami ni Catherine, okay lang ba sayo?"-jerome
"Hm, okay lang. Ingat kayo."-sia
"Hm, ikaw din. Pm kita mamaya ah?"-jerome
Natahimik si Sia, para bang kinilig siya sa sinabi ni Jerome na 'pm kita mamaya'.
"S-sige"-sia

Pag kauwing pag kauwi ni Sia sa bahay nila ay kaagad niyang binuksan ang kanyang cellphone. Alam niya kasing ippm siya ni Jerome.
Nakabantay lang si Sia sa cellphone niya iniintay na mag pm sa kanya si Jerome.
"Bakit ang tagal?" Tanong niya sa sarili.
Napaisip siya, "Hala bakit ako ganto? Masyado akong naeexcite sa pm ni Jerome, erase! Erase! Mahiya ka nga Sia."
Sinasampal niya pa ang kanyang sarili, nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.
Wala ng paligoy ligoy, agad na tinignan ni Sia kung si Jerome na ba iyon.

"Sia, kakauwi ko lang. Imissyou."-jerome
Namula ang mga pisngi ni Sia, "I miss you? Namiss niya ko? Omg!" Tila kinikilig ang dalaga dahil sa kanyang nabasa.

"Ano? Miss mo ko?" Reply niya kay Jerome.
"Oo, bakit ayaw mo ba?"-jerome.
"Hindi naman sa ganun, nagulat lang ako."-sia.
"Ah, wag ka na magulat, kasi totoo na miss na kita."-jerome.
"Hahaha."-sia.
"Ako namiss mo ba ko?"-jerome.
"Ahm, hahaha."-sia.
Hindi masabi ni Sia na miss niya na rin si Jerome.
"Hahaha joke lang."-jerome.

2 oras magka text ang dalawa. Ang dami nilang napag usapan na hinding hindi makakalimutan ni Sia.

KINABUKASAN

"Guys alam niyo ba sagot dito? Kagabi ko pa to iniisip eh."-Henry.
"Di ko rin alam eh, nakaka bobo yan. Mababaliw ka lang diyan."-Anthony.
"Hay, mamaya ko na nga lang sasagutan."-Henry.
Napansin ni Joshua na ngumingiti mag isa si Jerome kaya naman kinalabit niya sila Henry at Anthony.

"Ehem! Ano kaya meron mga par at may isa ditong ngumingiti mag isa." Pagpaparinig ni Anthony.
Hindi natinag si Jerome, hindi kasi mawala sa isip niya si Sia.
"Baka naman! Pwedeng tumigil na sa pag ngiti yung isa diyan at baka mahipan ng hangin yan, hindi na maigalaw." Dugtong naman ni Joshua.
"Par! Gising!" Sigaw ni Henry.
"Oh ano yun!? May sinasabi ba kayo?"-jerome.
Nagtawanan silang tatlo.
"Hahahaha hay nako, hayaan niyo na mga par si Sia lang iniisip niyan kaya ganyan yan."-Joshua.
"Si Sia? Hala hindi ah." Pagtanggi ni Jerome.
"Utut mo par, wag ako."-joshua.
"Hindi naman talaga eh, loko to.".-jerome.
"Ah edi si Bianca na lang."-joshua.
Napatigil si Jerome nang marinig ang pangalan ni Bianca.
"Par? Par, joke lang."-joshua.
"Huh? Ok lang."-jerome.

RECESS

Agad na pinuntahan ni Jerome sa room si Sia.
Nakita ni Catherine na nasa labas ng pinto ang kaibigan kaya agad niyang kinawayan ito.
"Jeeeer!" Sigaw nito habang kumakaway. Pero napansin ni Catherine na sa iba nakatingin si Jerome at nakangiti pa ito. Lumingon siya sa kanyang likuran nakita niya si Sia.
"Siaa!" Tawag ni Jerome kay Sia.
Si Sia pala ang hinahanap ni Jerome. Natahimik si Catherine, bigla siyang nakaramdam ng lungkot.

"Jerome?" Agad namang pinuntahan ni Sia ito nang makita niya.

"Ako ba pinuntahan mo dito?" Mahinhing tanong ni Sia.
"Ah oo, gusto ko sana sabay tayo mag recess? Yun ay kung ayos lang sayo." Pagpapaalam ni Jerome.
"Ahm, si-si Catherine hindi mo b-ba aayain?"-sia.
"Cath? Ay nakalimutan ko, magkaklase pala kayo. Oo aayain ko wait lang."-jerome.

Muling sumilip si Jerome sa loob ng room nila Sia.

"Cath! Taraaa." Pag-aaya nito sa kaibigan.
Nagdadalawang isip si Catherine kung lalapit ba siya o hindi, nakakatampo kasi ang ginawa ni Jerome.
Kaya kunwari na lang ay marami siyang ginagawa.
"Cath? Uyy." Tinawag ulit ni Jerome ito. Pero dedma lang si Catherine, kaya nilapitan na siya ni Jerome.

"Cath? Uy, bakit di mo ko pinapansin?" Nag aalalang tanong ni Jerome sa kaibigan.
"Ay, andiyan ka pala jer. Pasensya na ang dami ko kasing ginagawa." Pagsisinungaling naman ni Catherine sa tanong nito.
"Mamaya na yan, kain na muna tayo." Sabay hawak sa braso ni Catherine.
Tinanggal ni Catherine ang kamay ni Jerome sa kanyang braso. "Hindi ako kakain, tatapusin ko muna to. Sige na kayo na lang ni Sia."
"Cath? Are you okay?"-jerome.
"Oo naman, sige na iniintay ka ni Sia sa labas."-catherine.

Magkasama sina Catherine at Henry.
"Oyy panget!" Sigaw ni Henry sa kaibigan.
"Problema mo?" Masungit na sagot naman ni Catherine.
Umupo si Henry sa tabi nito.
"Ay, ang sungit ni ate. Bakit? Anong nangyari sayo?" -henry.
Umiling si Catherine.
"Ano nga? Makikinig ako."-henry.
Napahinto si Catherine sa kanyang ginagawa. Huminga ito ng malalim. Tsaka sinagot ang tanong ni Henry.

"Henry, tingin ko ba liligawan ni Jer si Sia?" Mahinang tanong nito.
"I think yes, kasi sa mga kinikilos niya halatang halatang gusto niya si Sia eh."-henry.
Huminga ulit ng malalim si Catherine.
"Buti pa si Sia" bulong nito sa sarili.
"Ano yon Cath?"-henry.
"Ah wala, sabi ko bagay sila."-cath.
"Oh eh bakit ka malungkot?"-henry.
"Ako malungkot? Hindi ah, masaya pa nga ako para sa kanila. Atleast ngayon alam na natin na talagang naka move on na si Jer kay Bianca." Pagsisinungaling ni Catherine.
"Oo nga, after 2 years may love life na ulit kaibigan natin hahahaha"-henry.

Hindi maintindihan ni Catherine ang kanyang emosyon, gusto niyang matuwa dahil naka move on na si Jerome sa dating nobya nito, pero gusto niya ring malungkot dahil natatakot siyang mapalayo ang loob ng kaibigan sa kanya.

Umuwi mag isa si Catherine hindi na siya nagpaalam kay Jerome dahil nakita niyang kasama nito si Sia papalabas ng gate ng school. Hindi niya na rin inistorbo ang iba pang kaibigan dahil ayaw niyang mapansin ng mga ito ang lungkot sa kanyang mukha.

8:30 pm.

Nagtataka si Catherine kung bakit hindi pa nagtetext o di kaya nagchachat sa kanya si Jerome.

"Bakit ganun? Anong oras na ah? Ngayon lang siya hindi nag text sakin, ano kaya nangyari dun."

Nagkusa na si Catherine at siya na ang naunang mag text kay Jerome.

"Jer, ano ginagawa mo?" Sabi nito sa text.

Inintay ni Catherine ang reply ni Jerome. Pero hindi ito nag reply.

"Baka busy lang siya kaya nakalimutan niyang itext ako." Malungkot na bulong nito sa sarili.

"I GIVE UP"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon