Sobrang nagulat si Jerome sa nangyari, yung akala niyang sa panaginip niya lang makikita, nahawakan at nakita niya na ngayon sa personal. Simula nang mapanaginipan niya kasi ang babaeng iyon hindi na ito nawala sa kanyang isip. Lalo na ngayon alam niya na kung sino ito.
Pagkauwi pa lang ni Jerome galing sa school agad niyang binuksan ang kanyang facebook account tsaka niya hinanap ang pangalan ni Sia. Tinignan niya ang bawat litratong nakalagay sa account ng dalaga. Halatang halata sa mga litrato ni Sia na siya ay mahiyain talaga. Ngunit habang tumitingin tingin si Jerome, napapangiti ito at tila nabibighani sa ganda ni Sia.
"Napakaganda niya. Lahat ng lalaki magkakagusto sa kanya." Yan na lang ang nasabi ni Jerome.
Binuksan ni Jerome ang kanyang drawer para kunin ang earphone, pagkabukas niya dito bumungad kaagad sa kanya ang dati nilang litrato ni Bianca, hindi niya alam na may nahiwalay pala siyang litrato nila ng dating nobya. Lahat kasi ng kanilang litrato ay nakalagay sa isang box at nakatago sa ilalim ng kanyang kama.
Sa sandaling iyon ay muling bumalik sa kanyang alala lahat ng pinagsamahan nila ni Bianca. Nalungkot si Jerome at naramdaman na naman niya ulit ang sakit na naramdaman niya nung biglang nakipaghiwalay sa kanya ito."Kamusta ka na kaya Bianca? Naiisip mo pa rin kaya ako? Sana ok ka lang, sana ok ka na." Sabi nito sa kanyang isip.
Isinama na ni Jerome ang nahiwalay na litrato sa mga kasama nito. Inalis niya ang lungkot sa kanyang mga mukha, at muling ngumiti.KINABUKASAN
Maagang pumasok si Jerome para maabangan niya sa gate ng school si Sia.
"Huy pree! Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Henry sa kaibigan.
"Wala, wala." Ayaw pa sabihin ni Jerome ang totoo.
"Anong wala? Di ka naman tumatambay dito. Ano yon porket pasukan nagbago na rin yung gusto mo? Ano nga pre?" Pagpupumilit ni Henry.
"Wala nga, may iniintay lang ako." mabilis na sagot nito.
"Wala pero may iniintay ka? Hahahaha ayos pre ah. Sino ba iniintay mo? Chicks ba?"-henry.
Napatingin si Jerome sa kaibigan.
"Hala pre, alam mong hindi ako mahilig dyan. Kayo lang."-jerome.
"Ay nga pala, si Bianca nga lang pala yung nandyan sa puso mo."-henry.
"Tigilan mo nga ko, umalis ka na susunod na lang ako."-jerome.
"Hahaha sorry na par. Sige na, sumunod ka ah."-henry.
"Oo"-jerome.Dumating na si Sia. Agad naman siyang nilapitan ni Jerome.
"Sia, good morning." Nakangiting pagbati ni Jerome dito.
"Good morning" nakangiti ring sagot ni Sia.
Pagkatapos non ay dumeretso na agad sa paglalakad si Sia. Sinundan siya ni Jerome.
"Ah Sia, kilala mo naman ako right? Hm?" Di sinasadyang nahawakan ni Jerome ang braso ni Sia dahil sa patuloy lang sa paglalakad ang dalaga.
Umiwas si Sia.
"I'm sorry."-jerome.
"Hm, ikaw si Jerome, yung pinakilala sakin ni Catherine."-sia
Napangiti si Jerome, "Oo ako nga."
"Anong kailangan mo sakin?"-sia
Hindi agad nakasagot si Jerome.
"Jerome?"-sia
"Ah, I just want you to be my friend. Pwede ba?" Nahihiyang tanong nito.
Natahimik si Sia, "Ah, pw-pwede naman si-siguro."-sia
Muling napangiti ang binata.
"Really?"-jerome.
Tumango si Sia.
"Thank you so much Sia, napasaya mo ko."-jerome.
"Ahm, mauna na ko."-sia
"Sa-sabay na tayo."ngingisi ngising pagkakasabi nito.Nasa garden si Catherine, iniintay niya doon si Jerome. Habang nag iintay siya bigla siyang nilapitan ng tatlong lalaki.
Tinabihan siya ng mga ito.
"Excuse me, I need to go" nanginginig na pagpapaalam ni Catherine.
"Wait lang, Catherine nakikipagkwentuhan pa kami sayo eh."
Bigla nitong hinawakan ang bewang ni Catherine. Agad naman niya itong sinampal.
"Bastos ka!" Sigaw ng dalaga.
"Bastos agad? Parang bewang lang, napaka pabebe mo naman. Pano pagtayo na bawal kitang hawakan ganon?"
Nanlaki ang mata ni Catherine, "Ang kapal naman ng mukha mo, hindi ko gusto ang katulad mo." -catherine.
Nilapit ng lalaki ang kanyang mukha sa harap ni Catherine. Nakita ito ni Jerome.
"Ano ba!?"-catherine
"Hoy! Anong ginagawa niyo kay Cath?!" Pasigaw na tanong ni Jerome.
Pumunta agad si Catherine sa likuran ng kaibigan dahil sa sobrang takot nito.
"Ano bang pakeelam mo? Kinakausap lang naman namin siya ah." Maangas na sagot ng lalaki.
"Kinakausap? Eh bakit takot na takot yung kaibigan ko? Anong ginawa niyo sa kanya? Mga bastos kayo ah."-jerome
"Aba! Ang yabang naman nito mga pre." Agad na sinuntok ng lalaki si Jerome, dahilan kaya pumutok ang labi nito.
Gumanti agad si Jerome.
Hanggang sa nagkasuntukan na, pinipigilan sila ni Catherine ngunit ayaw nila magpapigil.
"Tandaan niyo to! Bastusin niyo na lahat wag lang si Catherine!" Galit na galit na pagkakasigaw ni Jerome."Beshi!" Sigaw ni Kate mula sa malayo, tumakbo siya para mapuntahan si Sia.
"Kate"-sia
"Pupunta ka na bang room?"-kate
"Oo, si Pat a-asan?" Mahina at nanlalatang tanong ni Sia.
"Andun na ata sa room eh. Beshi? Beshi ok ka lang ba?"-kate
Namumutla si Sia at napapapikit sa sobrang hilo.
"O-okay lang ako, medyo na-nahihilo lang."-sia
"Beshii! Bakit pumasok ka pa masama pala pakiramdam mo, beshi naman eh. Tara na sa clinic bago ka pa mahimatay dito." Nag aalalang pagkakasabi ni Kate sa kaibigan."Jer, ok ka na ba?"-cath
"Ok na ko."-jerome
Hinawakan ni Catherine ang pisngi ni Jerome.
"Thank you kanina, lagi ka talagang dumarating pag kailangan ko ng tulong. Salamat kasi hindi mo hinahayaang mapahamak ako." Nakangiting pagpapasalamat ni Catherine.
"Syempre naman Cath, we're best friends right? Tandaan mo, andito lang ako lagi para sa'yo. Hindi kita iiwan."-jerome
"Thank you, ah Jer dito ka lang muna. Bibili kita ng makakain tapos papasok na ko sa klase. Intayin mo ko dito ah."-cath
"Sige, mag iingat ka."-jerome.Pagkaalis ni Catherine tsaka naman dumating sa clinic sila Kate at Sia.
Hindi agad nila nakita sa clinic si Jerome dahil may nakaharang na kurtina dito.
"Beshi, maupo ka muna dito. Ms. Nurse, yung kaibigan ko po nahihilo. Baka po pwedeng humingi ng gamot para sa kanya." pagpapaalam ni Kate sa nurse.
Agad namang inasikaso ng nurse si Sia. Pinahiga ito ng nurse para maibsan ang hilong nararamdaman ni Sia.
Narinig ni Jerome ang boses ni Sia mula sa kabilang kurtina kaya agad siyang sumilip dito upang malaman kung si Sia ba talaga ito.
"Sia? Anong nangyari sa kanya?" mahinang tanong ni Jerome sa sarili.Pagkaalis pa lang ni Kate sa clinic agad na tinawag ni Jerome si Sia.
"Sia? Are you okay? Bakit ka andito?" Nag aalalang tanong nito sa dalaga.
"Jerome? Ikaw bakit ka andito?" Pabalik na tanong naman ni Sia.
"Napa away ako, may nambastos kasi kay Catherine. At yun ang pinaka ayoko sa lahat." Sagot ni Jerome habang nakakunot ang noo.
"Ah, o-okay ka na ba? Masakit pa ba yung sugat mo?" Mahinhing tanong ni Sia.
Napangiti si Jerome, "Yes, I'm okay, thank you."
Ngumiti rin si Sia at napayuko.
"Ikaw Sia? Anong nangyari sayo?"-jerome.
"Ah, ahm. Nahilo la-lang ako ng konti. Pero okay na ko."-sia.
"Are you sure?"-jerome.
"Yes, salamat."-sia.
"Hm, may dumi ka sa pisngi." Dahang dahang tinggal ni Jerome ang duming nakapahid sa pisngi ni Sia. Nagkatinginan sila ng mga oras na yon.
Hindi alam ni Sia ang emosyon na kanyang gagawin.
"Ah okay na, salamat." Inalis na ni Sia ang kamay ni Jerome sa kanyang pisngi.
"Sorry."-jerome.
Habang tinititigan ni Jerome si Sia, naisip niyang baka si Sia na ang makakapagpaalis ng sakit na nararamdaman niya dahil sa mga ginawa sa kanya ni bianca.
"Iba yung nararamdaman ko sayo Sia. Bukod kay Bianca, ikaw lang ulit yung nakapagparamdam sakin ng ganto. Nung napanaginipan pa lang kita, iba na yung naramdaman ko. Lalo pa ngayon na nakakaharap at nakakausap na kita." Sabi ni Jerome sa kanyang isip habang matamis na tinitignan ang mga ngiti ng dalaga.
BINABASA MO ANG
"I GIVE UP"
Teen Fiction"What if the time comes when you'll get tired? what if you want to fight the person you are fighting was already gave up? Anong gagawin mo kung gusto mo pa siyang mahalin pero siya mismo ang lumalayo sayo, at nagpaparamdam na wala ka ng halaga." CHA...