PART 5

9 0 0
                                    

Hindi na pinansin ni Catherine ang tampong nararamdaman niya kay Jerome. Pagdating niya sa school agad niyang pinuntahan ang kaibigan sa class room nito.

"Mga par, si Jerome?" Tanong nito sa mga kaklase ni Jerome.
"Pag kababa niya ng bag lumabas din agad. Tignan mo na lang diyan sa labas." Sagot ng isa.
"Ah sige salamat."-catherine.

Nakita ni Catherine sa garden si Jerome, tatakbo sana ito papunta don, ng mapansin niyang kasama pala nito si Sia.
"Sia, hm. Magkasama pala sila." Malungkot na pumunta ng class room ang dalaga.

"Jerome, wag kasi ganyan. Nakakatawa promise. Hahahahaha" sabi ni Sia kay Jerome habang kinukurot ang pisngi nito.
"Bakit?! Ang cute cute ko nga eh." Pagpapatawa naman nito habang nagpapa pangit ng mukha.
Tawang tawa naman si Sia sa mga pinag gagawa ng kasama.
"Hay, ayoko na hahahahaha. Ang sakit na ng tiyan ko sa kakatawa."-sia.
Huminto sa pagpapatawa si Jerome.
"Salamat naman Sia at komportable ka na pag kasama mo ko." Nakangiting pagkakasama ng binata.
"Salamat din sayo Jerome, kasi pinagtyagaan mo ko. Kahit na nakakabored ako kasama."-sia.
Hinimas ni Jerome ang pisngi ni Sia.

"Hindi ka nakakabored kasama Sia, masaya ako kapag kasama kita."-jerome.
"Sa totoo nga niyan gusto na kita." Bulong nito sa sarili.
Napakunot ng noo si Sia. "Ano yon Jerome? May sinasabi ka ba?"-sia.
Todo iling naman ang binata.

"Sasabihin ko na ba? Bakit kinakabahan ako? Hala, pano to?" Sabi ni Jerome sa kanyang isip habang nakangiti sa harap ni Sia.

"Ayos ka lang?"-sia.
"Ah oo, oo."-jerome.

Magkakasama sina Patricia, Sia at Kate.

"Oyy! Tong babaita na to, lagi na lang si Jerome kasama. Nagtatampo na kami ah." Pagkukunwaring galit na pagkakasabi ni Kate sa kaibigan niyang si Sia.
"Hala, grabe ka. Hindi ah, madalas niya lang ako puntahan. Sorry na Kate, Pat. Sorry."-sia. Sabay hawak sa kamay nila Patricia at Kate.
Napangiti ang dalawa.
"Ano ka ba beshi, ok lang yun. Sa totoo nga niyan masaya kami kasi may love life ka na beshi! Yieeeeeeee!" Pang aasar ni Patricia dito.
"Hala, lovelife ka diyan, magkaibigan lang kami ni Jerome." Pagtanggi naman nito.
"Nako, alam naman naming nafafall ka na eh."-patricia.
"Oy hin-hindi ah."-sia.
Inakbayan ni Kate si Sia.
"Beshi, sa una talaga akala mo hindi. Pero tignan mo mafafall ka din."-Kate.
"Ano ka ba Kate? Hindi, kaibigan lang talaga tingin ko kay Jerome."-sia.

"Pero pano kung tama sila Patricia at Kate? Di kaya nagkakagusto na talaga ako kay Jerome" tanong ni Sia sa kanyang isip.

Nasa CR si Sia.

Humarap sa salamin si Sia.
"What if gusto ko na nga talaga siya? Anong gagawin ko? Di ako expert sa mga ganto ganto. Hindi ko ata kaya yung gantong feelings. Kaso hindi ko naman alam kung may gusto rin sakin si Jerome. Baka umasa lang ako, para kasing imposible na magustuhan niya ko. Kaibigan lang naman ang tingin niya sakin. Baka masaktan lang ako pag nag expect ako na mahihigitan pa yung pag kakaibigan namin."-sia.

Biglang dumating si Catherine.

"Oh Sia, are you okay?" Nag aalalang tanong ni Catherine dito.
Basang basa kasi ang mukha ni Sia dahil nag hilamos siya.
"A-ah okay lang ako, naghilamos lang ako kaya ganto itsura ko hehe."-sia.
"Ah, ahm Sia can I ask you a question?"-catherine.
" A-ano yon?"-sia.
"Do you like Jer?"-catherine.
Nagulat si Sia sa tanong ni Catherine kaya hindi ito naka sagot agad.
"Catherine, hm. Wa-wala, wala ko-kong gusto kay Jerome. Ba-bakit mo naman natanong?" Kinakabahang sagot ni Sia.
"Wala naman, I just want to know. Nakikita ko kasing masaya kayo pagmagkasama."-catherine.
"Pasensya na Catherine, baka isipin mo."-sia.
Biglang nagsalita si Catherine.
"Shshsh. It's okay, pero sana lang Sia wag mo hayaang ma fall ka sa kanya. Minsan na siyang nasaktan ng sobra at ayoko na sanang maulit yon."-catherine.
Hindi na nakasagot si Sia.

Alam ni Jerome na may nararamdaman na siya para kay Sia.
Simula pa lang nung mapanaginipan niya ito hindi na ito maalis sa kanyang isipan. Dahil kay Sia muli siyang ngumiti dahil sa isang babae.

Pero bakit ganun? Sa tuwing maaalala niya si Bianca nalulungkot at nasasaktan pa rin siya. Labis niya kasing minahal ang dating nobya pero iniwan at binalewala lang nito ang mga pinagsamahan nila. Ginawa niya ang lahat para maging masaya ang pagsasama nila. Oo nga't totoong mahal rin siya ng dating nobya kaya lubos na lamang ang pagtataka nito kung bakit ito nakipag hiwalay sa kanya at basta na lang nawala at hindi na nagpakita.

Nagkakilala sina Bianca at Jerome sa isang hotel sa Quezon City. Nung araw na yun doon muna nagpalipas ng gabi sina Bianca at ang pamilya niya dahil sobrang lakas ng ulan at mahirap makauwi dahil mabilis ang pagtaas ng baha. Si Jerome naman ay kasama ang mga kaibigan niyang sina Henry, Anthony, at Joshua. Katulad ng kay Bianca ay hindi rin sila makauwi dahil sa malakas na ulan.

Sabay na pumasok ng elevator sina Jerome at Bianca.
Habang nasa loob sila biglang huminto ang elevator, nagulat silang dalawa. Hindi alam ni Bianca ang kanyang gagawin lalo na't malakas ang takot nito pag dating sa masisikip at madidilim na lugar. Kahit na hindi kakilala ni Jerome ang kasama niya sa elevator sinigurado pa rin nito na ok lang ang dalaga. Halos 2 oras ding nanatili ang dalawa sa loob dahil sa pagkasira ng elevator.

Dun na nagsimula ang lahat, isang linggo pagkatapos ng pangyayaring iyon, lumipat ng bahay sa Valenzuela ang pamilya ni Bianca.
Laking gulat ni Bianca ng malaman niyang malapit lang sila Jerome sa kanila.

Naging magkaibigan ito at unti unti nagkagusto na rin si Jerome sa dalaga, niligawan niya ito at matapos ang 2 buwan ay sinagot na siya ni Bianca.
Sa loob ng 3 taon, naging kompleto at masaya ang bawat araw nilang dalawa. Oo dumarating sa oras na may hindi sila pagkakaintindihan pero kaagad din silang nagbabati dahil sa hindi nila matiis ang isa't isa.
Ang buong akala ni Jerome ay si Bianca na ang makakasama niya habang buhay. Buong pagmamahal ang ibinigay niya dito. Lahat ginawa niya para sa dating nobya pero pagtapos ng 3 taon bigla na lang nakipag hiwalay sa kanya ito. Nagdahilan na hindi na siya mahal nito.
Sobrang hirap at sakit ng nararamdaman ni Jerome nung mga araw na yon. Halos saktan na niya ang kanyang sarili dahil sa ginawa sa kanya ni Bianca. Hindi niya maintindihan kung bakit mawawala ang pagmamahal sa kanya nito. Hindi pa ba sapat lahat ng pagsasakripisyo niya? May kulang pa ba sa lahat ng masasayang nangyari sa kanila?

Kaya hindi rin masisi ng mga kaibigan ni Jerome siya dahil naiintindihan nila ang kaibigan, kahit na sobrang tagal na ng pangyayaring iyon ay hindi pa rin nakakamove on si Jerome, masakit parin para sa kanya.

Ngayong dumating na sa buhay ni Jerome si Sia ay para bang unti unti ng nawawala ang paghihirap niya. Pero may mga pagkakataon pa rin na bumabalik sa kanyang alala ang mga dating nangyari.
Ang tanging hiling niya lang ngayon ay makalimutan na niya talaga ang dating nobya. 
Sana kapag nagkaroon na siya ng lakas ng loob na ligawan si Sia ay mapalitan na ng kilig ang sakit na nararamdaman niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"I GIVE UP"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon