Umpisa palang nito na-excite na ako kasi may list ng mga dapat gawin para i-break ang heart ng isang Cassanova na si Stephen! Na-curious ako, at dahil dun tinapos kong basahin syempre :D
For me, unique ito sa lahat ng may ganitong plot. Yung tipong cassanova yung guy tapos paiibigin ng isang simpleng girl, dahil maraming twist and turns na hindi magpapatigil sayo sa pagbabasa! Hindi lang din ito nakafocus sa bida, pati na rin sa other cast. Kung gusto mo ng ganoong story (na hindi puro sa bida umiikot ang lahat) ito ang best para sayo!
Nakakakilig lahat ng pairings dito lalo na sila Stephen at Naomi >___< Ayoko talaga mag spoil ng scenes kaya as much as possible hindi ako nagbabanggit. Basahin nyo na lang hehehe!
Na-published na rin pala ito, kaya grab your copy especially sa mga hindi na ito naabutan kasi wala na ito sa wattpad (swerte mo kung may soft copy ka pa :p)
Hindi sayang ang pera nyo kung isang magadang story naman ang mababasa nyo ;)