Eto yung story na una kong binasa sa wattpad. Ni-recommend lang sakin ito noon ng friend ko at hindi ako nagsisising binasa ko ito I swear! Ito kasi yung kauna-unahang nabasa ko na about sa arrange marriage na artisa yung guy tapos hindi nila mahal ang isat isa—noong una :D ~
At first syempre hindi ako nabored basahin ito kasi nga eto yung una kong nabas ana about sa arrange marriage (paulit-ulit na ako XD) pero kung siguro ay may mababasa pa akong ibang story tapos ganun din ang plot, baka tamarin na akong basahin (not unless may mga ibang twist and stuffs).
Naaalala ko pa noon, nirerecommend ko rin ito sa mga kaibigan kong nagtataka sa akin bakit kahit sa klase maski hanggang paglalakad eh hawak ko ang cellphone ko at nagbabasa XD May napilit ako (napilit talaga ang term :D) at ayun natapos rin nya ito tapos sabi nya kinikilig din daw sya kay Kent at Phoebe hahaha nakakatawa yung ganung moment!
Ang sarap sa feeling na may nai-share ako sa kaibigan ko na worth-reading. Maski yung mga ~Rated Scene~ nila eh binasa ko sheeeet >___< Ito yung first story na nabasa kong may Aheeeem hehehe! Basta maganda ‘to! Ayoko na mag spoil ng scene, basahin nyo na lang at hindi kayo magsisisi!!!
I’m super duper happy nung nalaman ko na nai-published na rin ito as in! Well, masaya ako dahil hindi ko na kailangang bumili kasi nabasa ko na eh :D Pero para sa mga tao na hindi nagwawattpad, good chance ito para sa kanila.