He's into her - Maxinejiji

293 5 4
                                    

Ito yung story nakakatapos ko lang basahin kaya eto na ang inuna ko kasi superrrrrr kilig ang nararamdaman ko hanggang ngayon >___< Tapos na akong season 1 and 2 tapos yung 3 ay ongoing. Ayoko talaga sana basahin 'to dahil AKALA KO hindi nito masa-satisfy ang sarili ko pagdating sa mga plot chuchu (dahil sa TDG at IIF ni shirlengtearjerky na hindi ko pa nilalagay dito kasi naexcite akong unahin ang HIH hehehe pero ilalagay ko rin yun pag sinipag na ko) pero habang tumatagal grabeee ang mga scenes!

Inis na inis ako noon kay DEIB sa sobrang pambubully! Akala ko nga simpleng ganun lang ang plot nya, na sa huli ay magkakagustuhan (oooops spoiler alert hehe) pero napakaraming twist! Ang daming palaisipan na sa sobrang curious mo ay hindi ka mapapatigil sa pagbabasa! Comedy, action, kilig, friendship, family, lahat na! Ang talino ng sumulat nito napapaisip nga ko saan nya kinuha ang mga ganitongs scenes grabe! Kilig na kilig ako kay Deib hahaha basta basahin nyo na lang kung paano mamumuo ang love sa bully na si Deib at cold, straigh-forward, at napakalakas na MAX! Kung alam mo ang GHOST FIGHTER ay makikilala mo ang TAGURO at SENSUI ng BIS HAHAHA!

Mapupublished na sya pero hindi pa sya inaalis dito sa wattpad at sooobrang pasasalamat ko dahil natapos ko sya bago pa man alisin hehe :D Pinagtyagaan ko tong basahin hanggang 4:30am kahit may pasok ako ng 7am matapos lang 'to. Book 1 at 2 ang soon to be publish kaya basahin nyo na habang may time pa :) Super worth nito, kasama na ito sa mga favorites ko at malamang ay babasahin ko ulit ito kahit ilang beses! Kung hindi nyo naman maabutan eh bili bili na lang, worth naman!

First Class Stories YOU MUST READ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon