Nanlulumo talaga ako nung gusto kong malaman bakit trending itong story na ito tapos hindi ko makitab sa wattpad ang accunt ni ate leng (yung author din ng TDG) grabe hinanap ko sa goodle kung may soft copy man eto pero wala! Tapos one time nakita ko na nag activate na ulit si author hala tuwang tuwa ako! Tapos hinalungkat (oo yun ang tamang term :D) ko yung profile nya tapos sooobrang tuwa ako nung nakita ko yung IIF! Agad agad kong nilagay sa reading list ko at irefresh ko yung app ng watty sa cp ko para mailagay na agad! Mahirap na, baka biglang idelete ni author kaya inunahan ko na, at tama nga ako, wala na. Pero nung nakita kong may mga chapters na black, hindi parin ako natinag, binasa ko parin kahit walang ending T_T
Pero kahit ganun, hindi ako binigo ng story na 'to! Gaya ng TDG, hindi rin complicated ang plot though may palaisipan bakit ganun si Barbara. Ang astig nag eh, may story sa loob ng isang story. Magulo ba? Hehe. Yung bida kasi author din sa watty, may own story din sya. Si Barbara yung type ng girl na maingay, "tombita" kung manamit at kumilos, basta boyish! Marami ring characters and each of them may kanya kanyang story and stuffs. Pero syempre mas inaabangan ko pang scene ni Barbs at ni Cyrus waaa BAYRUS<3 Masyadong mahiwaga ang story na 'to. Hindi mo alam kung sino ang end game (or magkakatuluyan ba) o kung may makakapartner nga ba si Barbara :D
Highschool life kasi ang pinaka buong story nito, pero hindi sya nakakabored kahit nasa college na yung nagbabasa o tapos kna mag aral, kasi maiisip mo na SANA GANITO YUNG HS LIFE KO or SANA GANITO AKO KA-COOL NOON basta something like that. Sad to say wala na talaga sya sa watty, pero ang alam ko nag self published ang author kaya kung curious kayo kay Miss Leng na lang kayo magtanong.
Yung This Might End Up A Story naman ay ON-GOING, of course nasa watty pa sya. Kung yun ang babasahin nyo syempre malalaman nyo na ang kinahinatnan ng book 1 (pero hindi lahat). Dito ko nga lang nalaman kung ano ang nangyari sa ending ng IIF </3 tapos hindi pa lahat. Hay basta, worth talaga 'to! Isa rin ito sa naging bench mark or standard ko sa mga next na binabasa ko, sa sobrang ganda kasi ang hirap pantayan!