WABFIL-9
"Oh Em Gee! Siya yan?" Kinikilig na tanong ni Rhealyn sa kaibigang si Xhyra. Malayo pa lang ay kitang-kita na nila ang isang guwapong nilalang na nakasandal sa kotse nitong itim na bagung-bago.
"I think so." Patay malisyang sagot niya. Ayaw niya talagang mag-assume na siya ang dahilan kaya nandirito sa labas ng paaralan nila ang binata.
"Gwapoooo. Ang bango tignan. Ang tangkad. Ang sarap." Kinikilig na sabi ng isa pa niyang kaibigang si Angel. Malapit na sila sa lugar ng binata na agad na ngumiti pagkakita Kay Xhyra. Sa dalaga lang nakatutok Ang paningin nito.
"Hi."
Siniko ni Rhea ang kaibigan. "Hi raw. Sabihin mo ng I love you too." Bulong pa nito. Dinig na dinig ni Charlie.
Yuck! Feelingera!
"Hi."
"Lumandi ka rin, friend." Bulong ni Angel sa kanya.
"Pauwi na ba kayo, ladies? Ihahatid ko na kayo." Nakangiting sabi ni Charlie. Lumabas tuloy ang biloy nito sa pisngi.
"Kami pauwi? Ay kaming dalawa ni Rhea may dadaanan pa. Si Xhyra ang pauwi na at dapat mong ihatid." Sabay tulak pa kay Xhyra papunta kay Charrie.
"Ha? Ah hindi, sasamahan ko kayo." Natatarantang sagot ni Xhyra.
"Ano ka ba, libreng sakay na yan oh, may gwapo ka pang driver."
Gwapa. Mas gwapa ko sa inyong tulo! (Mas maganda ako sa inyong tatlo)
"By the way, since wala yatang balak si Xhyra na ipakilala kami, speechless na yata eh, ako na lang magpapakilala sa sarili ko. I'm Rhealyn, this is Angel. We are all singles, may friend ka pa ba o brothers na single rin?" Tuluy-tuloy ang bunganga nito.
Natawa si Charrie. Bigla niyang naisip ang dalawang kaibigan.
"Nice meeting you both, I'm Charles Jeffrey Suarez. Charr- I mean Charles or Jeffrey or CJ for short. Since nag-aalangan yata ang kaibigan ninyo na sumama sa akin, I guess I need to hand in the photocopy of my I.Ds, NBI, Passport, ano pa bang proof para Hindi niya iisiping masamang tao ako?"
"Hindi naman sa ganun, Jeffrey."
"So, pwede kitang ihatid? Don't worry, direcho tayo ng bakery ninyo."
"Sige na, Xhy,we have to go. See you tomorrow." Sabay iwan sa kanya ng dalawang kaibigan.
Napatingin siya Kay Charrie na ngayon ay ang ganda ng ngiti sa kanya.
"Shall we, pretty?"
"Hindi kasi kita talaga kilala, pasensiya na Jeffrey ha. Alam mo yung bigla ka na lang sumulpot mula kung saan? I hope you understand."
Pakipot level 9999 ang babaita!
Pinalungkot ni Charrie ang mga mata, saka ang boses.
"Okay, I understand, ang totoo, I just saw you in random people sa Facebook, mga suggested friends nung araw na hinahanap ko ang isa sa mga friends ko. I know you won't believe me that it was actually like at first sight, sabi ko sa sarili ko, I have to know you. I have to meet you."
"So gawa - gawa mo lang yung may utang ako sa iyo?"
"Yes. I'm sorry."
Inis na naglakad papalayo si Xhyra.
"Xhyra please, listen to me. I'm so sorry okay."
Gaga! Ang lakas ng loob na talikuran siya! Kaimbiyerna!
BINABASA MO ANG
WABFIL 2 - A Change of Heart
HumorWhen A Beki Falls In Love 2 - A Change of Heart Siya si Charles Jeffrey Suarez, lalaking-lalaki sa paningin ng iba, pero babae ang puso niya. Lihim siyang umiibig kay Sigfried Mitchell na akala niya ay umiibig rin sa kanya. Akala niya may chance. A...