Classroom.

45 0 0
                                    

So dito naman tayo. Tapos na tayo sa mga crush ko sa loob naman tayo ng classroom. Dito napakaingay. Ewan. Sabi ng mga teacher pinagsama daw kase ang dalawang section na pinakamaingay dati. May mayor kaming ewan bugnutin ata. E syempre ako pagnapuno sumasagot na talaga. pake ko ba? E sa napupuno na ko e. Hindi naman ako papayag na yung maling akala yung mangyayare, diba? Tapang ba? Haha. Sabe ko sa inyo e. Hanggang salita nga lang ako. 

Dito naman tayo sa na experience ko sa school. Napasali ako sa UN. Since ako yung muse ng sec ko ako yung representative. So eto na nga. Ms. Ireland ako, Kahet 1st time hindi ako yung mayabang na ipagkakalat talga. Nasasabi ko ba talaga kase nasaisip ko? o ? may kinukumpara ako. Actually may kilala kase akong napasali rin. Sus kahet hindi po tanungin sinasabi. Ayt. Balik tayo dun. Wag na muna to. Sa next xhapter ko nalang to ikwekwento. So ayun na nga. Grabe araw-araw tuwing palapit na yung UN day sabe ng puso ko "dub-dub-dub' Anlakas lage. Pero syempre andyan mga bestfriend ko sinasabing dapaw wag kabahan. Hindi naman kase mawawala yun. 

UN day na tayo. Nakapagpatahi na rin ako ng costume ko. Hays. Ang mahal umabot ng 3k. Inaamin ko hindi ko talaga nagustuhan yung costume ko anlayo sa inaaakala ko. Dumaitng narin yung time na kailangan ko nang kabisaduhin yung sasasabihin ko at yung time na nagprapractice na kame. 

Eto na UN day na. Yung feeling na kabado ka na nga sa mangyayare mamaya sinabayan pa nang galit sayo ng guidance mo. hays. wala akong magagawa e. Buti nalang nandyan si rica. Bestfriend ko e. Tinulungan ako. Siya ang nagbihis saken sympre siya rin yung nagcomfort saken. Sa kinamalas-malasan. Pagnadating sa stage na block ako. Hindi ko na alam kung ano-ano pinagssabi ko sa stage basta ang alam ko mali-mali yun. Sympre ako nga rin si iyakin. Iyak ako kahet ganun. Hindi naman maiiwasan yun. So yung napangiti ako kase yung isa kong crush napasama rin sa UN, Wushuuuu. Sabi niya "tama na yan" Omg. Hindi ko alam kung itutuloy ko tong iyak ko o sisigaw ako sa kilig na nararamdaman ko. haha. 

Hindi ko na to pahahabain. Natalo ako. bow. haha. Hindi ako napili. Pero okay lang. Sinabihan ako ng isa kong bestfriend na " kahet natalo ko iakw pa rin ang panalo para sa amin" Sympre lumakas na rin loob ko dahil diyan sa narinig ko. Pagkabihis ko anguna ko talagang pinuntahan is si marysel. Iniyakan ko siya na unti hindi dahil sa natalo ako kundi dahil sa nahihiya ako sa kanila na dahil sila ang sumuporta saken.

Tama na yang UN day na yan. Balik tayo sa room. Favorite kong subject math. Kaya siguro naging close ko yung teacher ko sa math na si Ms. Montoya. Dahil na rin siguro sa classmate niya mama ko nung high school. Pakilala ko muna siya. Mabait siya, hindi siya yung gaya ng ibang teacher na pagmay nambastos principal agad, hindi, kase siya nakikipagsambatan rin, hanggang sa mapahiya yung student na yun at walang magagawa kundi tumahimik nalang at tumawa. Si ma;am magaling magturo. Bats amaiiintindihan mo talaga. Tsaka si ma'am matataguan ng secret. Secret keeper ko si ma'am e. Tsaka tagabigay ng advice saken. Meron pa yun yung about nga kay Js. Naumiyak ako. Pangyayare sa cp , naka-3 way. Ako , si aishane at si ma'am. Same kase kame ni aishane na may problema sa ll. Eto na sabi ni ma'am. "ang gaganda nyo nga, ang tatanga nyo naman !"  o diba? Hindi ka lang makikinig matatauhan ka talaga.

Pakilala ko muna to si Aishane Antonio. Cute to, chubby ng unti, Maingay grabe, Madadal, Pagtumawa parang wala nang bukas. Si aishane isa rin to sa mga bestfriend ko. Mabait kase, Hingian ko rin ng advice. Masaya to kasama. Matalino rin to sa math. Ang upuan namin sa room is kaharap ko siya kaya pag-ano kame lagi ang tumutulong sa mga classmate namen. hindi naman sa pagyayabang pero totoo yun. haha. Minsna nga pagwala si ma'am montoya at pagkaming dalawa nalista sa mga maiingay may sama kame minsan ng loob. Dapat hindi nalang kame nagpakopya yan tuloy kame pa nawalan. Parang ano lang. Kame nagsagot at pagnalista sila lang may grade. Bumababa kame sa grade dahil s kaingyan e.

One time 3rd quarter exam namen. Nalista kame sa mga dapat bawasan nang grade. Kame ay sina Margarette, aishane, rhem at ako, sympre. Mamaya ko na ikwewkento kung sino si rhem. Dito muna tayo. Inaamin ko naman na kameng apat talaga yung mga maiingay. Kame lang kasee yung mga maliligalig e. Hindi ko alam bakit hndi diyan napasama si marielle. bait rin kase e. Nalilista lang tlga si marielle sa noisy pag-ako katabi niya. haha.

So ayun na nga. Actuallt sa buong ester talaga yung mga maiingay talaga ay 9 kame. bale 5 boys. Grabe pagnagsama-sama kame parang may party ang ester tawa kame nang tawa. And that's the reason kung bakit nagiging maingay ang ester. Dahi na rin talaga samin . haha. Na sabihan na talaga kame ng teacher namen na "Pinaka Maingay na section ngayong 2nd year" Pano kaya next year kung magsama-sama pa rin kame? Gulo na talaga no? haha. Tapos madagdagan pa. halala.

Kwento ko naman sa inyo yung adviser namin, Mabait siya, cute, minsan palaintindi pero minsan hindi. Mabait talaga si ma'am pagwala kami minsang project nagbbigay siya ng chance. Alam naming sakit na kame s ulo ni ma'am yan na rin kase ang sabe ng ibang teacher samin e. haha. 

- - 

So hanggang dito nalang muna. Mag-iisip pa po ako ng next chapter. kung peron po kayo suggestion magsabi lang po. Sana magustuhan nyoooooooooo to ! bye for nooooooooooooow ! 

Sophomore =)Where stories live. Discover now