Request po ito nang mga character sa previous chapter na ipakilala ko daw isa-isa. SO ipakikilala ko sila pero yung mga pinaka maiingay lang ah?
So dito na tayo. Sa mga boys muna tapos ko nang idescribe yung mga girls na pinakamaiingay e kung saan involve ako. So eto na, Si ma'am s (adviser namin) Tinatawag ang mga boys na "Mahihilig" oops. Mahihilig Mag-ingay baka anong isipin nyo e. So eto na, Banggitin ko muna sila isa-isa, Sila ay sina Jazz, Harjit, Alec, Carl, Christon, Aaron. Oo, lima sila.
Unahin muna natin si Jazz Delos Santos, Eto gwapo naman to, Matangkad , Ang hahaba ng kamay, haha ! Magaling kumanta at sumayaw to, Tahimik to minsan pero pagkasama nya yan silang mahihilig nag-iingay na. Mahilig tong magpatawa kaya tawa ako ng tawa e katabi ko kasi siya sa upuan. Uhm, Pagnanghingi ka dito ng payo jusme bibigyan ka talaga nya at matatauhan ka pa. Grabe may sigaw sigaw effect pa yan. Pagnagrereport naman siya at pagsinabihan ng teacher na manaway sya ay jusko pagnakita ka niyang nagdadaldal at hindi nakikinig sa kanya mapapahiya ka talaga mapapatayo ka at wala kang maisasagot. haha. Siya rin yung namuno sa sayaw namin nung foundation day kung saan panalo kame, haha, ang saya-saya nung time na yan. Pero nung nagtuturo siya matakot ka iba kase siya manaway e pero pagsiya yun sinasaway mo nakakainis. Okay hanggang dito nalang sa next naman tayo.
Dito naman tayo kay Harjit Singh also known Bumbay, Baljit, Alicia, bay at etc. Hahaha ! Actually yung baljit at alicia name yan nang parents nya . Trip lang talaga namin tawagin siya nangganyan. Eto lalakeng to, Lakad, Pananalita, Kilos at etc. Matatawa ka na ! hahaha ! grabe, hirap rin sawayin nito nakakainis rin. Pero kung pag-uusapan ang study matalino yan may ibubuga yan parang si jazz lang magbest friend kase sila. Meron pa yang time na conversation nila ni ma'am m na matatawa ka.
Ma'am m: SIngh ! Sagutin mo to !
Harjit: (titingin sa iba) Ako po ma'am? (with matching hawak-hawak sa tiyan, ungguy ata to e. XD joke. )
Ma'am m: AY hindi. Sino pa bang ibang singh dito? !
Harjit: Uhmm. bueSING po ma'am !
Haha ! Imba to magpalusot e. Nakakalusot talaga. Dito naman tayo sa next.
Si Alec Mamerto naman. Yan gwapo na maliit na magaling sumayaw talented na bata. haha. Naging gf nyan si twin.kulot ko at ngayon namang matagal na silang break nililigawan naman nya ang bestfriend ko na si marysel. Sana maging sila at hindi saktan nyan ni alec si bff ko. Malalagot talaga yan samen. haha ! eto na nga. Isa siya sa pinaka maingay, super kulit nyan pagsasawayin mo nakakainis talaga, Pagpinababalik mo sa upuan nya sasayaw sayaw po yung kinekendeng yung pwet nakakainsulto minsan kaya nakakabv pero minsan naman matatawa ka nalang. Hindi to masaway e ang kulit super. Ngayon napagpapakinabangan namen to taga drawing namen to sa note book namen. Ang pinaka gusto kong dinrawing nya sa math note book ay yung super man. Ang ganda talaga ipopost ko nga yun sa fb e. Marami kayang maglike? haha, So eto na nga isa to sa mahihilig sa ester. mahihilig mag-ingay. XD
Si carl sereguine naman. Eto parang hindi talaga masaway super stubborn. Tapos matampuhin pa maiinis ka nalang kase ang arte. hays. Pero mabait naman to e. At trivia to. XD Pagnagrerecite yan with matching galaw ng paa. haha. Parang si harjit lang pagnagrerecite sumasayaw at pagpinahawak sa upuan para nga hindi na sumayaw e dinadala naman sa pagsayaw ang upuan. haha. So balie tayo kay carl sikat yung pamilya nito sa qca lahat kase ng mga kuya nya dun nag-aral. Makulit rin to supeeeeeeer.
Dito naman tayo kay christon canlapan short for CC. haha. Nakwento ko na sa inyo yung tungkol sa kanila ni aishane diba? So sa katauhan na lang nya, XD Eto lagi talagang pinapatawag ang magulang eto ang number one na pinakamagulo . Sikat na sikat rin to kase lahat rin ng kuya nya dun rin nag-aral parang si serguine lang pero iba rin kase to si canlapan hindi daw kase naglalayo yung mga mukha nila ng kuya nya ang lakas ng dugo. haha. Silang dalawa lagi ni aishane ang magkaaway lalo na pag math time.
Kay Aaron Briones naman, Makulit rin ito. Ang hilig magpatawa pero matalino to. Tapos yung facial expression nya super nakakaloka na. haha. Paborito to ng teacher namen sa tle , ewan trip ata lagi siya. haha. Tapos yung pinaka ano nya is yung ilong nya lumalake. hahahaha ! XD
Dagdag ko na rin si Rhem Bonifacio, Etong babaeng to maganda talaga mataba nga lang. Imba ugali nito. haha. Uhm malakas tong tumwa parang si aishane lang akala mo wlang bukas. haha. Chix to e. Dameng boylet. haha !
So hanggang dito nalang muna. Pagod na ko e. XD Hintayin na lang yung next chapter sana nagustuhan nyo !